Pangatlo- Pagkikipaglapit

Magsimula sa umpisa
                                    

" Ano namang masama kung makipaglapit ako kay Rose? Mabait naman sya at komportable akong kasama sya. At ano namang masama kung makipaglapit sya sa ibang lalaki? Wala naman syang inaagrabyadong tao. At isa pa, ano bang pakialam ng ibang tao kung magkasama kaming dalawa, we both know that this world is full of judgemental people. Magkasama man kami o hindi ay huhusgahan ka parin nila. Kaya mas mabuting wag na lang pansinin kung anong iisipin nila dahil mas lalo lang magpapasikat ang mga iyon. Higit sa lahat wala kang karapatan na pagbawalan ako o sya na lumapit. Dahil unang-una hindi na sakop iyon ng pamamahala mo bilang mayordoma nila. Pangalawa , wala naman akong inutos na bawalan syang makipagkita o makipag-usap sa akin. Pangatlo, mayordoma ka lang ng bahay na ito, wala kang karapatan na gumawa ng desisyon na hindi sakop ng serbisyo mo. At pang huli wala namang masama kung maging malapit kami sa isa't isa, biyuda sya at biyudo naman ako. Kung ano man ang namamagitan sa amin labas ka na don"

Napanganga ang dalawa sa mahabang salaysay ni Edwood,  hindi paman nakakahuma si Rose sa sinabi ni Edwood ay hinila na agad sya nito paalis sa lugar na iyon. Natigalgal naman ang mayordoma dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nasermunan sya.

Mabilis ang lakad ni Edwood,  pilit namang sinasabayan ni Rose ang malalaking hakbang ng kasamang lalaki.

"Te-teka sir Edwood! Saan po tayo pupunta? "

Sumulyap ito sa kanya, ngumiti ito ng matamis at naglabasan ang mga ngipin nitong mapuputi. Ramdam nya ang pag init ng kaniyang pisngi sa ginawa nito.

"Just call me Edwood honey, masyadong formal kapag may sir  eh" 

"Pe-pero,  amo po kayo at tsaka baka po pagalitan ako kapag tinawag ko kayo sa pangalan nyo lang..." mahina nyang usal tsaka nag iwas ng tingin. Narinig naman niya ang mahinang tawa ng kasama. Mas lalo tuloy syang nahiya sa reaksyon nito.

" Your so cute when you blush honey, pero lilinawin ko lang, hindi ako ang amo mo. Inaanak lang ako ng amo mo kaya it's okey for you to call me by my name. And one more thing, huwag mo ng pansinin iyong mga kasama mo at naninira sayo. They are just jealous because of the attention that I gave to you"

Tila naman gumaan ang kanyang pakiramdam sa mga pahayag  nito. Palihim syang nagdieang dahil tila ba nakakita sya ng magiging jakampi at masasandalan kapag feeling nya ay masyado ng mahirap para sa kanya ang isang sitwasyon.

"Salamat...Edwood, napakabait mo" sisiridad nyang sabi sa lalake. Iniangat nya ang kaniyang tingin at nagsalubong ang kanilang mga mata. Kitang kita nya ang kudlit na pagdaloy ng isang emosyon sa mga mata nito na hindi nya mapangalanan.

"Your welcome honey " Muli ay nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit naisip nyang muli kung saan ba sya nito dadalhin.

"Ummm..Edwood, saan ba talaga tayo pupunta?  "

"Sa bahay nyo"

Bigla syang napahinto sa paglalakad dahil sa sinagot nito. Iniisip nya kung bakit nais nitong pumunta sa kaniyang bahay. Tila naman nabasa nito ang nais nyang ipabatid.

"Gusto ko lang malaman bahay mo, kapag gusto ko ng kausap ay madali lang sa akin na puntahan ka dahil hindi ka naman sa mansyon ni Ninong natutulog. Alam mo naman na ikaw lang ang ka- close ko dito eh"

Nakangiting paliwanag nito sa kaniya. Naisip nya na hindi rin naman masama na malaman nito kung saan sya nakatira dahil magkakilala na,an rin sila.

Nagpatiuna na sya sa paglalakad tutal ay malapit lang naman din ang lokasyon ng bahay niya sa mansyon ni Don Don Artulfo.

Pagdating nila sa kanilang lugar ay parang may instant celebrity ang dumating dahil nagsilabasan ang mga taong nakikiosyoso sa kanilang dalawa.

"Aba tignan nyo mag kapitbahay, si Rose nag uwi ng bago na namang lalake!"

"Sus maryosep, hindi pa nga lumalampas ng isang buwan ang pagkamatay ng asawa nya eh nakahanap na ng bago itong si Rose. Talagang may pinagmanahan nga! "

" Ang landi talaga ng babaeng iyan, masyadong mataas ang nais marating"

Ito ang kadalasan nyang naririnig sa mga tao sa kanyang paligid. Hindi parin hya mapigilan na makaramdam ng pamimigat ng kalooban sa mga sinasabi ng mga ito.

Pasimple nyang sinulyapan ang kasama ngunit tila bale wala naman dito ang mga sinasabi ng malisyoso nyang kapit bahay.

Ano ka ba Rose, huwag ko na silang pansinin. Higit na ikaw ang nakakakilala sa sarili mo at hindi sila. Hindi mo ikamamatay ang mga pasaring nila sa iyo.Wika nya sa kaniyang sarili.

Nang sila ay makarating sa kanilang bahay ay pinaupo nya muna ito bago sya pumunta ng kusina at  ipinaghanda ng maiinom at meryenda.

Pagkatapos nyang maihanda lahat ay muli syang bumalik sa sala habang dala ang mga pagkain na ginawa niya. Naabutan niya ito na hawak ang dalawang larawan at nakikita nya na larawan ito ng kaniyang ina at ni Trino.

" Sila ba ang asawa mo? At ang mama mo? " tanong nito sa kaniya na tila nararamdaman ang kaniyang presensya.

"Oo, Ang lalaking nasa picture ay ang asawa kong si Trino,  namatay sya dahil sa isang gulo, nasaksak sya."

Tumango tango naman si Edwood,  bago nito ibaling ang kaniyang tingin sa isa pang larawan. Ang litrato ng kanyang nanay.

"Ummm...sya naman si-"

"Roseda Dignilan"

Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin ng unahan sya nito sa pagbanggit sa pangalan ng nanay nya.

"Kilala mo si Nanay? " Tanong nya rito.

"Ah, Oo, naikuwento na sa akin ni Ninong ang pangalan ng Nanay mo"

Paliwanag ni Edwood,  hindi niya mapigilan ang mag-alala na baka magbago ang pagtingin nito sa kaniya kapag nalaman nito kung anong klaseng hanap buhay ang mayroon ang kanyang nanay ng buhay pa ito. Nagdadalawang isip sya kung ikukuwento pa ba nya ang tungkol sa nanay nya.

" I know there is something you want to tell me, Go ahead, handa akong makinig sa sasabihin mo. "

Naisip ni Rose na maari naman nyang pagkatiwalaan si Edwood tutal ay malapit narin naman silang dalawa sa isa't isa. Kung kayat buong lakas loob nyang isinalaysay ang tungkol sa kaniyang ina.

Isiniwalat nya rito ang tungkol sa kung paano naghirap ang kaniyang ina ng sya ay ipinagbuntis nito. Sa tatay nyang tinakbuhan ang nanay nya ng malamang buntis ito. At kung paano namasukan bilang isang prostitute ang nanay niya at kung paano iyo muling nabuntis sa pangalawa niyang kapatid. Pati narin ang mga usap-usapan na patungkol sa pakikipagrelasyon di umano ng kaniyang ina sa mayayamang tao.

" So isang bayarang babae ang nanay mo? "

Tila nanliit naman sya sa sinabi nito. Hindi naman sya makatanggi dahil totoo na,an na isa ngang bayarang baae ang kaniyang ina ngunit sa kadahilanang sila ay naghihirap kaya  kinakailangan nitong kumapit sa patalim.

Kahit pa sabihin na maraming klaseng marangal na trabaho pero anong trabaho ang makakatugon lalo na at hindi nagawang makapag aral ng kaniyang ina. Idagdag mo pa ang pagiging sakitin nya noong sya ay maliit pa lamang. Maging ng kaniyang kapatid.

Napansin naman yata ni Edwood na tila masyadong na offend ito sa klase ng pagtawag nya sa nanay nito.

"Ah, sorry...hindi ko dapat sinabi ang ganun " paumanhin nya sa babae.

"Ayos lang....hindi mo naman sinasadya eh.."

Sadaling naging tahimik ang bawat sandali para sa kanilang dalawa. Walang nais magsalita, tila ba palihim nilang inoobserbahan ang bawat isa.

Ngunit sa isang iglap ay hindi nakahuma si Rose ng unti-unting inilapit ni Edwood ang kaniyang mukha sa kaniya. Hindi agad sya nakakilos lalo na at tila na blangko ang kaniyang isip at hindi alam ang gagawin.

Sa isang iglap lamang ay nakita na lang nya ang sarili na kahalikan si Edwood. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung tutugon din ba sya o itutulak ito.

Sa huli ay pinili na lamang niyang wag gunalaw hanggang si edwood narin mismo ang tumapos sa kanilang halik.

"Rose....I think I like you"

BlackAngel

Next update will be on Thursday.....

Taste of Rose ( R -18 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon