Umupo muna si Charles sa gilid ng tindahan na tinutukoy ni Franco. Masarap at malinamnam ang pansit palabok na hinahain ng matandang tindera sa maliit na pwesto na pinuntahan nila, base na rin sa pagbibida ng binatang nagyaya.

"Nay! Dalawang pansit palabok nga po." Sumilip pa si Franco sa taas ng mga garapon ng kendi na nakasalansan sa harap niya at sumenyas pa gamit ang dalawang daliri niya. Halatang suki ang binata sa lugar na ito.

"Tara Charles, dun tayo sa loob." Hinawakan ni Franco sa braso ang lalaking nakaupo sa harap ng tindahan. Nabigla naman si Charles sa pagkakapit nito, kaya hinayaan nalang niya ang katawan na sumabay sa sa kung saan man direksyon ang tungo ni Franco.

"Anong gusto mo? Coke or Sprite?" Paupo pa lamang si Charles, inilapag agad ni Franco ang kanyang bag at nagpunta sa harap ng ref. Ang lugar kasi na napuntahan nila ay isang maliit na kainan sa loob ng tindahan.

"Sprite na lang."

"Okay, Lucky Charm!" Namula si Charles nang marinig itong binigkas ni Franco habang nakatalikod sa direksyon niya.

Pagkabalik sa lamesa ng binata matapos kumuha ng panulak nila, agad siyang sinaway ni Charles. "Uy Franco, ano ka ba? Nakakahiya."

"Ang alin? Ano ka ba, minsan lang ako manlibre samantalahin mo na." Unti-unti ulit lumitaw ang dalawang biloy nito sa mga pisngi kasabay ng pag ngiti rin ng mga mata ni Franco sa kaharap niya.

"H-hindi yun.." Nag-waved pa siya gamit ang dalawang kamay para ipahiwatig na mali ang nasa isip niya. "I mean, yung pagtawag mo ng Lucky Charm."

"Ahh. Bawal ba .." sabay hinarang ang kanang kamay sa pisngi niya at bahagyang lumapit sa mukha ng binata "Lucky Charm?" Kumindat pa ito ng perpekto na imbes inis ang maging reaksyon ni Charles ay isang ngiti rin ang nabuo sa mukha nito.

"Hahaha. Last mo na yan ha." Pagsasaway ng lalaki kay Franco. Hindi maikakailang maaaring maging malaking tulong ito sa Oplan UnCrush niya dahil sa mga nakakahulog damdaming mga ginagawa at sinasabi ng binata.

"Bakit naman, Lucky Charm?" Sinambit niya ulit ng pabulong ang 'Lucky Charm', sapat para marinig siya ni Charles.

"Uy Franco! Ano ka ba?" Medyo naramdaman ni Charles ang pag-init ng mga pisngi at tenga niya sa ilang beses inulit ni Franco ang pagtawag sa kanya nito ng swerte.

"Hahaha. Sige sige. Hindi na pero .." sambit ni Franco habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Si Charles naman ay namilog ang mata dahil sa kondisyon nito. "Pero kapag tayong dalawa lang, yun ang itatawag ko sayo."

"Ha?"

"Okay, deal!" Hindi pa sumasang-ayon ang kabilang partido, tinapos na agad ni Franco ang usapan nila. Sa tono rin naman kasi niya, hindi na rin makakatanggi pa si Charles sa kanya.

"Tutoy! Eto na pansit palabok ninyo." Ibinababa ng matandang babae ang dalawang plato na inorder ni Franco. Hindi matanggal ang ngiti at mga mata nito sa poging nilalang na bagong-padpad lang sa kanyang munting kainan.

"Ang pogi naman ng kasama mo Franco." Bigkas ng babae habang pinaglapat ang dalawang kamay niya dahil sa saya.

"Hahaha. Syempre naman Nay." Kumindat ulit ito nang nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Wag kang maingay Nay ha, Lucky Charm ko yan."

Sinipa ng mahina ni Charles ang paa ni Franco sa ilalim ng lamesa para hindi mapansin ng matandang babae sa tabi nila. Tumungo nalang din siya dahil sa totoong nahihiya na siya sa kanina pang sinasabi ng binata.

Mas namula ang tenga niya ng ginatungan pa ito ng tindera. "Ay! Nakakatuwa naman." Binaling ng babae ang paningin niya kay Franco. "Oh sige na, kumain na kayong dalawa. Hindi ko na kayo aabalahin dalawa."

"Salamat po." Bigkas ng dalawang binata na nagsimula ng maghalo ng palabok sa hapag nila. Dahan-dahan ng humupa ang ilang na nararamdaman ni Charles sa harap ng tindera.

"Hay naku, Franco! Bakit mo sinabi yun kay Nanay?" Nakasimangot nitong tugon sa lalaking kasalo niya sa kainan.

"Hahaha. Eto naman. Kumain ka nalang, Lucky Charm."

"Hays." Imbis na tumigil si Franco ay pinaulit-ulit niya sa kada dulo ng pangungusap niya ang pagtawag kay Charles kaya hindi nalang din binigyan-pansin ito ng binata.

" Imbis na tumigil si Franco ay pinaulit-ulit niya sa kada dulo ng pangungusap niya ang pagtawag kay Charles kaya hindi nalang din binigyan-pansin ito ng binata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Salamat sa panlilibre, Franco." Nakangiti na rin nagpaalam si Charles sa binata. Kahit pinilit ni Franco na ihahatid siya nito hanggang sa Bus Stop niya, hindi na ito pumayag. Alam kasi niya na may kalayuan ang sakayan niya sa kung saan naman sasakay ang Kapitan nila.

"Sige. Kitakits nalang bukas .. Lucky Charm." Nagwaved na rin si Franco habang naglakad patalikod.

Sa nakailang beses ulit-ulitin ni Franco ang salitang 'Lucky Charm' ay agad na rin naman nakasanayan ni Charles. Sa katunayan, pumayag na rin ang binata na tawagin siya nito kapag silang dalawa lang ang magkausap.

Para kay Charles, hindi naman malaking bagay na tawagin siyang ganun ng binata dahil wala naman itong ibig sabihin. Tinuturing lang siyang tagapagbigay ng swerte ng kaklase nito, tanging malilikot na isip lang ang magbibigay ng malisya dito.

Sa loob ng sasakyan, pumwesto siya muli sa upuan kung saan bakante pa ang tabi ng bintana. Kinuha ang phone niya at sinalpak ang earphones nito para sa magandang musika.

Nais niyang maramdaman ang pagpapatuloy ng magandang takbo ng araw para sa kanya. Di inaasahan, may tatlong mensahe pala siyang di pa nabubuksan.

May kaba siya nang mabasa ang pangalan kung kanino ito nagmula. Hindi niya kasi mawari kung ito ba'y magandang balita o masasakit na salita.


*** End of Chapter 9 ***

I hope you enjoy this chapter 😚

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 🤩😙

Crush LifeWhere stories live. Discover now