Chapter 32

528 17 12
                                    

Chapter 32

"Mommy?" nagtatanong ang tinig ng anak ko.

Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sa tanong niya. I was taken aback to his question. I'd never thought this day would come.

"Zaze umakyat ka na muna doon sa taas" I said, refusing to answer his question.

"Why Mommy?" he curiously asked.

Napabuntong hininga naman ako. Dati natutuwa ako tuwing marami siyang tanong dahil maganda sa isang batang katulad niya to asked questions to have more knowledge but now, parang gusto kong huwag na lang siyang magtanong.

Lumuhod naman ako para madali ko siyang makausap. Kailangan kong makumbinsi siyang umakyat sa itaas.

"Huwag ng maraming tanong. Hmmm. Go upstairs na." masuyong sabi ko sa kanya.

Nakapout naman siyang sumunod at tumingin muli kay Donovan bago bumalik sa itaas.

Hindi ko pa kayang sabihin sa anak ko. I need time. Kahit naman ayaw kong sabihin na siya ang ama ng anak ko, may karapatan pa ring malaman ni Zaze na si Donovan ang tunay niyang ama.

"Are you that mad at me?" mahina niyang tanong.

I was about to answer his question when some unexpected visitor interrupted us.

"Dr. dela Vega, what are you doing here? I thought it's your first day in LC Medical Center?" biglang sulpot ni Lean.

"It's none of your business Mr. Vergara  and I've never thought that successful business man like you do gossip" Donovan said.

Nagsusukatan na naman sila ng tingin. Hetong si Lean hindi nadadala. Mayroon pa siyang pasa sige pa rin.

At tsaka bakit nandito siya?

Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin siya sa'kin.


Wala pa ring pinagbago. Masydong feel at home. Namamasok pa rin ng bahay basta-basta tapos mukhang balak asarin si Donovan.

"What? Pinapasok ako ng guard" depensa niya agad ng makita ang tingin ko sa kanya.

"Wala pa akong sinasabi" natatawang sagot ko.

Bigla namang tumikhim ang lalaking kausap ko lang kanina.

"Nandyan ka pa pala Dr. dela Vega" Lean said and put his arms around my waist.

Ano bang ginagawa niya? Nakita ko namang sumunod ang tingin ni Donovan doon sa braso niyang napabalibot sa baywang ko.

Siniko ko ng bahagya si Lean dahil sa ginawa niya pero binalewala niya 'yon. Naku! Ayaw kong makalbo ng maaga. Huwag lang 'tong makakarating sa bebe niya dahil bago ako makalbo itong si Lean ang uunahin ko!

"Yeah" 'yon lang ang sagot ni Donovan.

"Bakit ka ba nandito?" bulong ko kay Lean.

Ngumisi naman siya at tumingin kay Donovan bago sumagot.

"I am just visiting my son, Zaze" malakas na sabi ni Lean, halatang pinaparinig kay Donovan.

Ano ba talagang gustong mangyari nitong lalaking 'to.

"He's not you son! He's my son" mariing sabi ni Donovan.

Reality Series #1 [Two Red Lines] COMPLETEDWhere stories live. Discover now