Lahat naman kami may kasalanan sa isa't-isa. I couldn't point a finger to any of them dahil pareho lang kaming nagmahal at nasaktan.

Ngumite muna ako sa mail man bago ko maisara ang pintuan. Ito ang palaging naghahatid ng dyaryo, bills at sulat namin araw-araw kaya pamilyar na rin ako dito. Nagtaka ako nang hindi nito ibinaba ang suot na face mask kagaya ng ginagawa niya kapag nagkikita kami. He would always move his mask down para ngumite sa akin pabalik.

May kinuha ito mula sa bag niya. Akala ko ay sulat na naman pero muli akong nalula nang makitang baril iyon. I couldn't move an inch when he aimed his gun in my direction.

"Dada! Dad—"

"JANISSE! JAIDEN! DAPA!" Ang tanging naisigaw ko nalang habang naestatwa sa kinatatayuan ko.

Bakit hindi ko magawang gumalaw?! I need to move!

"Denisse!" Ang sigaw nang isang napaka-pamilyar na boses bago ako nito hinila padapa.

May ilang putok ng baril akong narinig ngunit walang mga bala ng baril ang napupunta dito sa direksyon namin.

"Let's go!" Hinila niya ako patayo at ang mga bata. Tumakbo kaming lahat papunta sa kusina at doon dumaan para makapunta sa emergency door ng bahay.

"Kuya Chad! Si Jonas. Hintayin natin siya, please." Ang umiiyak kong pakiusap sa kanya. Umiling ito sa akin at pinasakay ako sa loob ng sasakyan.

"Your safety is my priority, Denisse. Jonas can manage himself. You're no longer safe here, natuntun nila ang lokasyon mo dahil sa mga pisteng Tamayo na 'yan." Aniya habang pinaharurot ang sasakyan paalis doon. Nakita kong sinusundan din kami ng iba pang sasakyan.

"Kuya, m-may sasakyan.."

"That's your husband's men. I'm sorry, Denisse pero kailangan ko munang ilayo kayo sa kanya. He put you in a very dangerous situation for the second time today. Hindi ka niya dapat iniwan."

Hindi ko alam kung paano niya nagawang takasan ang mga lalaking yon dahil nakapikit at umiiyak lang ako sa buong durasyon ng byahe namin. Sila Janisse at Jaiden ay tahimik lang din na nakayakap sa akin. Nakita ko nalang ang sarili ko na papasakay sa isang barko.

"Dada, si daddy po!" Ang umiiyak na sabi ni Janisse nang makapasok kami sa loob. Muli itong yumakap sa akin ng mahigpit nang magsimula nang umandar ang barko. Sa tingin ko ay isa ito sa mga patrol boats ng isla.

Gusto kong tawagan si Jonas pero naiwan ang cellphone ko sa loob ng bahay.

"Ma, sino 'yon?" Ang kunot-noong tanong ni Jaiden sa akin. Hinihimas nito ang likuran ng kapatid.

"Chadwick, pinsan ko, nak." Ang sagot ko dito. Napahilot ako sa noo ko at pagod na sumandal sa upuan.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ako agad nakapag-handa. Madaming katanungan ang pumapasok sa isipan ko pero hindi ko magawang mag-salita. Sobrang lutang ng utak ko.

We're supposed to cook and eat dinner. Dapat sana ay matutulog kaming lahat ngayon sa kwarto ni Jonas. We're supposed to celebrate my pregnancy as a family. Gigising dapat ako bukas ng maaga para maghanda kasi magpapa-check up kami ni Jonas.

Maaayos na dapat namin itong pamilya at kasal namin. Why did it have to go this way? Hindi ba talaga kami pwede?

Okay na dapat kami eh. Okay na kami ni Jonas. Nakipag-usap pa siya sa akin tungkol sa pagpapakasal ulit. Pero bakit ganito? Bakit kami pinaglalayo?

Napahigit ako ng hininga ko pagdating namin sa loob ng isang simpleng bahay. Pagkatapos ng isang gabi sa loob ng barko at ilang oras sa sasakyan, dumating kami sa kasalukuyang tinutuluyan ni kuya.

JB3: The Governor's Secret[ PUBLISHED UNDER ETLUX OC PUBLISHING INC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon