End Game 29

424 13 9
                                    

AC's POV

Yas!

As in super yas!

Another hell week survived.

And we're currently heading to the clubhouse to enjoy our free day. I mean, enjoy our weekend coz definitely we'll be having another hell week next week. Tss

"Nasan yung tatlo?" takang tanong ni Chin kay Jeremy.

Sinundo niya kasi si Lala sa kanila, then sinundo nilang dalawa si Jay, and then kami ni Chin. Pero lakad-lakad lang trip namin ngayon para tipid sa gas at exercise na rin.

Pero yun nga, siya lang ang kasama namin dahil yung tatlong mokong hindi pa nagpapakita samin.

"Naks. Bakit mo hinahanap? Miss mo na si Kyle noh?"

Kahit talaga si Jeremy. Umirap naman si Chin saka umiling-iling. "A.S.A!"

Natawa naman kami dahil pagkasabi na pagkasabi niya nun ay nauna na siyang maglakad. Ang bilis niya na nga mapikon lately lalo pag si Kyle ang usapan.

"Problema ng pinsan mo Ac?" naiiling na tanong ni Jayda.

I shrugged. "Ewan ko sa kanya. Tsaka parang hindi kayo sanay na palaging masungit yan pagdating kay Kyle."

Natawa naman yung tatlo sa sinabi ko. Pero yun naman yung totoo eh.

"Sabagay." tumango-tango si Jeremy. "Speaking of the three mokongs.. ang alam ko nasa bahay pa nila si Darren. Tama Jay?" sabay baling kay Jayda.

Napangisi ako ng mapansin ang mabilis na gulat sa mukha niya. Aysus. kunwari hindi na kinakabahan pag nababanggit si bes. Hahaha simula nung pinagsabihan kami ni Lala sa mga nararamdaman namin, napansin kong mas nanahimik tong si Jayda. Hindi na rin masyadong nababanggit pangalan ni Darren. Ewan ko ba kung anong trip niya o sadyang ayaw niya lang muna mahalata ng boys? Ay ewan.

"A-aba malay ko." sabay iwas ng tingin.

Nagkatinginan kami ni Lala at sabay na tumango. Obvious na masyado. Pero mukhang dense naman tong si Jeremy dahil tumawa lang.

"Langyang Espanto yun. Huling text kasi sakin na stuck pa siya sa bahay nila." natatawang sabi ni Jeremy sabay iling pa.

See? Mukhang hindi niya napansin yung pagkautal ni Jayda. Tsktsk

"Si Kyle naman.." napatingin naman siya kay Chin na nasa unahan namin. Pero malayo na siya samin. Tsktsk. "Ang alam ko may pinuntahan kanina sila ng kapatid niya. Pero natext ko na naman na pupunta tayong clubhouse kaya susunod din yun." sabay ngisi pa niya.

Binatukan naman siya ng girlfriend niya. "Wag ka ngang ngumisi ng ganyan. Nakakatakot ka. Para kang baliw na sinapian."

Napasimangot naman si Jeremy kaya natawa kami ni Jayda. Narinig din ata ni Chin yung tawa namin kasi napalingon siya samin sandali at nakakunot pa ang noo bago kami tinalikuran ulit.

Sungit. d>_<b

"Grabe ka naman hon." malungkot na sabi ni Jeremy saka lumayo ng konti kay Lala. Ayun.. Nagdadrama na naman po siya. "Ang sama mo na sakin lately ah."

Inirapan naman siya ni Lala. "At ang drama mo na rin lately ah."

Habang busy silang magsagutan, hinila ko ng dahan-dahan si Jayda palayo sa kanila. Baka mahawa pa kami ng kakornihan nila.

"Hindi ko akalain na magiging ganyan sila ka korni habang tumatagal." mahinang sabi ni Jayda habang nasa dalawa pa rin ang tingin.

Natawa ako ng bahagya saka kumapit sa braso niya. "Same thought. Pero wala tayong magagawa. Trip nila yan at mukha namang nakakayanan nila sakyan ang isat isa. Tsaka okay na rin yan kesa maghiwalay pa."

End Game [ON-GOING] (slow-ud)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon