End Game 22

302 10 3
                                    

Francine's POV

"Sandwhich na naman?" reklamo ni Darren ng nakataas ang kilay ng makita ang hawak ni Kyle. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break time na.

"Bakit ba?" reklamo rin ni Kyle sabay irap pa. Tsktsk lalaki ba talaga ang isang to? Maka-irap akala mo wala ng bukas.

"Hindi ka ba nagsasawa kakakain ng sandwich? Halos araw-araw na yan ah." sagot naman ni Jeremy habang nakangiwi pa.

Si Ken na lang. Si Ken na lang talaga. Kapag pati siya may inilabas na ekspresyon ng mukha, ewan ko na lang talaga! 🤦‍

Speaking of Ken, napatingin naman si Kyle sa kanya at parang naghihintay ng sasabihin. Kahit kaming girls ay napatingin na rin kay Ken at naghihintay kung sakaling may sasabihin nga siya.

Napansin niya naman kami kaya tiningnan niya kami saka napakibit-balikat. "What? Do I really need to say something? Its his choice whatever he wants to eat. Saka kung sakali mang masobrahan siya, problema niya na yun."

Napangaga naman si Kyle sa narinig habang hindi na namin napigilang matawa. Sabi ko nga, masyadong chill ang lalaking to para pakialaman ang mga bagay bagay. Tsktsk

"Salamat Ken ah. Napakalaking tulong ng sinabi mo." sarkastikong tugon ni Kyle at kumain na lang ulit.

Hindi ko rin mapigilang tingnan siya dahil limang sandwich lang naman ang binili niya. And tama sina Darren, ilang araw na ganyan ang kinakain niya. Kung hindi lang lalaki to, iisipin ko talaga na naglilihi siya. 🤷‍

"What's with that sandwich ba? At masyado kang nahuhumaling dyan?" Ac curiously asked.

Napahinto kakakain si Kyle saka tiningnan ang pinsan ko ng nakataas ang kilay. "Akala ko ba tapos na tayo dyan? Hindi pa pala." sarkastikong tugon nito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba! Nagtatanong ng maayos ang pinsan ko, dapat maayos din ang sagot na makuha niya. Hindi pwede yan!

"Parang sasagot na lang, mahirap ba yun?" singit ko saka siya tinaasan ng kilay. Nanliit naman mga mata niya saka umayos ng upo.

"Eh sa masarap eh. Anong magagawa ko? Hinahanap ng tiyan ko to eh." masungit na sagot niya. Tss

"Sus. Ayan Ac ah. Sa susunod na may itatanong ka, ipatanong mo kay Chin." sabat naman ni Jeremy sabay ngisi. "Para siguradong sasagot si Kyle."

Nanliit mga mata ko habang natawa naman ang iba. Si Kyle naman napairap. Tss kalalaking tao ang hilig mang-irap.

Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan habang ineenjoy ang mga pagkain. Pagkatapos ay nagkayayaan na ang boys na bumalik ng room nila dahil magsisimula na ang klase nila habang kaming girls ay may natitira pang kalahating oras bago ang sunod na klase kaya nagpaiwan na muna kami. Tambay muna ng ilang minuto bago bumalik.

"What's the plan tomorrow?" tanong ni Jayda habang nililibot ang tingin sa buong caf.

Sabado na kasi bukas at ilang oras na lang masasabi ko ng nasurvive namin ang unang linggo ng pasok.

"Gawa tayong project?" tanong ni Lala habang nakatingin sa phone nito.

"Pwede bang next weekend na lang?" sabat ko na nakakuha ng atensyon nilang tatlo.

End Game [ON-GOING] (slow-ud)Where stories live. Discover now