End Game 12

362 10 1
                                    

Lala's POV

"Naks! Ganda ah."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Jay. Siguradong mang-aasar na naman ang mga to.

"So how's yesterday?" Chin playfully asked.

Sinasabi ko na nga ba eh. Magpapakwento slash mang-aasar lang to sa mga nangyari kagabi.

Speaking of kagabi.. Tinaasan ko sila ng kilay. "Why did leave us there?"

"Naman. Why would we stay dun?" Ac said. "Para iwitness yung PDA session niyo? No way!" sabay pandidiri pa.

Aba! Pag ako makaasar sa tatlong, naku lang talaga!

"Tss. PDA your face."

Tumawa naman sila sa naging tugon ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging kaibigan ko ang tatlong to. Apakasupportive sa lahat ng bagay. *insert sarcastic tone* d>_<b

"Pwera biro, kamusta?" Ac seriously asked.

Napangiti lang ako sa kanila dahil alam ko naman na matatalino sila kaya makukuha na nila yung ibig kong sabihin.

Bigla naman silang tumiling tatlo saka ako pinaulanan ng tukso. Natatawa lang talaga ako sa pinaggagawa nila.

Matagal na kaming magkakaibigan at sa tagal na yun ay nawitness naman nila yung love story namin ni Jeremy kaya hindi ko alam kung bakit panay tukso pa rin sila. Alam naman nila yung nararamdaman ko towards my boyfriend. d^_^b

"Ikaw na." Chin said and smiled. "Ikaw na may forever."

Napangiti ako ng malaki saka siya niyakap ng mahigpit. Nandito kami ngayon sa bahay nina Chin at Ac.

"Alam ko naman mahahanap mo rin yung sayo." ngising sabi ko kaya tinulak niya ako palayo. Natawa na lang ako habang napapailing sina Jay at Ac.

"Wag mong simulan Lala." banta ni Chin.

Kwinento ko sa kanila yung mga nangyari nung dinner. Kumain lang naman kami ni Jer ng dinner then kinantahan niya ako, tas sinayaw pa habang may naggigitara sa gilid namin. Then he showed me a video presentation of our first met up until the latest memories we shared. Binigyan niya rin ako ng human size tebby bear, bouquet of roses 💐, chocolates, at yung matagal ko ng gustong bilhin na nakita namin sa mall weeks ago na hoodie ay binili niya for me. It was really sweet of him, dahil hindi naman siya sanay na gumawa ng napakalaking surprise sakin. But he did and I love all of it. Especially him. d^_^b

"Thanks din pala girls sa pagtulong sa kanya." sinsero kong sabi.

"You're always welcome." sabay na tugon ng tatlo ng nakangiti.

Nagmeryenda na rin kami since nakakagutom din ang panay kwento lang.

"Labas tayo girls."

Napatingin kaming lahat kay Jay na nakangiting nakatingin saming tatlo.

"Pinayagan ka ni Espanto?" Ac teased.

Umirap naman si Jay kaya tumawa kami ni Chin. Bestfriend lang yan si Darren pero daig pa ang isang protective boyfriend kung umasta kay Jayda.

d- -,b

"Hindi ka nagpaalam?" kunwaring gulat kong tanong.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Pwede ba!" singhal niya na ikinatawa namin.

"San ba kasi?" Chin curiously asked.

Jay smirked. "Club house."

Nanlaki mga mata namin sa sinagot niya. "Are you saying that we're going later at night?" Ac asked.

End Game [ON-GOING] (slow-ud)Where stories live. Discover now