End Game 16

353 15 0
                                    

Jeremy's POV

"Ang cute cute cute." nangigigil na natutuwang sabi ni Lala habang pinipisil ang pisngi ng isang bata na kumakain.

Natawa naman ako saka tumabi sa kanya. "Patapusin mo kaya siya munang kumain hon."

She pouted and helped the kid finished his food. Ang cute naman kasi ng bata at ang chubby pa ng cheeks.

"Ilang taon ka na?"

Tumingin naman ang bata sakin saka ngumiti ng malaki. "5 po." mabilis niyang sabi at kumain ulit.

"Eh anong pwedeng itawag namin sayo?" Lala asked.

Tumingin naman siya kay Lala sabay ngiti ng malaki. "Benjo po ate ganda."

Naflattered naman ang girlfriend ko sabay pisil ulit sa pisngi ni Benjo. "Cute mo talaga Benjo. Kain ka pa ng marami ah." masayang sabi ni Lala.

I can't stop smiling while watching her having fun. I can watch her all day. I can watch her happy everyday. I can watch her smiling for the rest of my life. Damn it! I just so love this girl. 😍

"Hon!"

Napakurap ako ng ilang beses bago napatingin kay Lala ng maayos. She raised her brow. "Ano na naman ba yang iniisip mo at natutulala ka na naman?"

Ngumiti ako ng malaki sabay halik ng mabilis sa pisngi niya na ikinagulat niya. "H-hon!"

Natawa ako saka hinawakan ang kamay niya. "Ikaw kasi yung iniisip ko. Masyado mo ng inooccupy ang puso, pati utak ko pinupuno mo na rin." ngumiti ako sa kanya.

At mas lumaki pa ang ngiti ko ng magblush siya. Awww.. "Ang cute mo talaga hon."

Hahalikan ko na sana ulit siya ng biglang tumayo si Benjo sa gitna namin saka nagpabalik-balik ang tingin saming dalawa.

"Mag-.. mag-asawa po b-ba kayo?"

Natuwa naman ako sa kacutan niya habang may nginunguya pang friend chicken. Natawa naman si Lala habang pinunasan ang bibig ng bata.

"Hindi ah." Lala said while smiling at the kid.

Napagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong hindi?"

Tumingin naman siya sakin at tumawa ng makita ang reaksyon ko. Tss tinawanan pa ako eh seryoso na kasi eh.

"Hindi naman talaga tayo mag-asawa diba?"

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya dahil totoo naman eh. Magkasintahan pa lang kami, hindi pa kami kasal.

dOoOb

Natulala na lang ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi saka tumawa.

"Wag ka masyadong kiligin."

Tiningnan ko siya ng mabuti habang natatawa pa rin siya. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong inakbayan saka tumingin kay Benjo na nakatingin na samin.

"Mukha ba talaga kaming mag-asawa Benjo?"

Nakailang tango naman ang bata habang kumakain pa rin.

"Kaso hindi pa kami mag-asawa eh." natatawang sabi ni Lala sabay pisil ng pisngi ko habang tiningnan ako.

Aahh.. edi gawan natin ng paraan. d- -,b

"Then lets get married!"

















**

End Game [ON-GOING] (slow-ud)Where stories live. Discover now