Kabanata 28

1.2K 70 1
                                    

"He's dangerous Chels." Pigil sa paglalakad ko na sabi ni Clane.


Hinarap ko siya saka tinaasan ng kilay . "Alam mo Clane nirerespeto ko na parang kapatid na ang turi mo sakin pero hindi naman tama iyong pagsalitaan mo ng ganoon si Third. Ako ang pumayag na magpaliwag at ako ang may karapatan kung magtitiwala ako sakaniya o hindi. Clane masaya ako kapag kasama ko siya sana maging masaya kadin sa amin kahit na ayaw mo, just try it." Niyakap niya ako at hinarap para punasan ang mga luha sa aking nga mata na dumadaloy na sa aking pisngi.

"Fuck! what is your problem man?"
Bigla nalang tumilapon sa isang banda si Clane ng suntukin nalang siya ng agaran ni peste

"Akala ko ba bibili kalang ng tubig? bakit magkasama kayong dalawa ha? Hintay ako ng hintay doon iyong hinihintay ko pala may kasama ng iba!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.

Hinawakan ko siya sa kamay pero mabilis niya iyong tinabig "Don't touch me! Sinungaling ka!"

"Third please let me explain mali ang nakita mo" Pero hindi siya nakinig sa akin. Tuloy-tuloy itong umalis sa amusement park at iniwan ako mag-isa.

"Kasalanan ko ito, pasensiya na Chels" Hinging paumanhin naman na sabi ni Clane matapos makatayo.


"Wala kang kasalanan Clane, mauna na ako kakausapin ko muna siya bye Clane!"


Tinanguan lamang ako ni Clane saka na ako tumakbo para maka-uwi na pero papasok palang ako sa isang jeep ng may mahagip na ang mga mata ko. Hindi siya 'yon.


Hindi maaari,  kasama ko palang siya kanina.


Kamukha niya, hindi...hindi siya si Third ko


Sumakay na ako sa jeep para makadating agad sa bahay nila at makausap siya


"Oh hija ang aga mo ngayon?" Bungad sa akin ni Manang dory pagkapasok ko palang sa may living room.


"Si Third po ba manang umuwi na?" Nagtataka naman itong tumango sa akin.


"Nasa kwarto na kanina pa hija" Pagkapunta ko sa kwarto niya nakalock kaya naman kumatok ako. Ilang beses akong kumatok bago niya binuksan iyon.

"Chiechie?" Gulat na tanong nitong sabi sa akin. Anong nangyari sa baby?

Shit! bakit ako nasasaktan ng ganito!


"Pwede ba tayong mag-usap? Pakinggan mo muna ako bago ka magalit please..." Pagmamakaawa ko sakaniya

The Probinsiyana  (COMPLETED)Where stories live. Discover now