Nang matapos kaming kumain ng meryenda. I volunteered to clean these up. Tinawanan pa ako ng dalawa.

Konti lang naman kaya pinayagan nila ako. Hindi ko naman kayang dalhin lahat kaya kumuha ako ng tray para mas madali.

Nang pabalik na ako doon, may isang lalaking papalapit sa akin. Dala na niya ang mga pinagkainan namin.

Hindi pa ako nakakapagsalita inunahan na niya ako.

"Ayaw kitang pagbuhatin nang kahit ano, kaya ako nalang"

Dali dali niya itong binaba sa lababo, nagpasalamat si Ate Mina dahil sa ginawa niya.

I nodded. Bumalik kami sa sala nang tumatawa.

"Sabi ko na nga gagawin niya yun, gagawin mo lahat ng ipapagawa ko in one hour ah?" ani ni Alja.

Nagpustahan ata sila ni Iza. Lagot.

"Eh kasi naman bakit ang gentleman mo masyado!" sinamaan niya ng tingin ang katabi ko.

"Why me?" inosenteng tanong sa kanya ni Vaughn.

"Kasi ganito yan, hinayaan ka naming magligpit tapos titignan namin kung tutulungan ka ni Vaughn"Alja explained to make things clear

Kaya pala nagbubulungan sila nang sabihin kong ako na ang maglilinis.

"Ih, kasi ang abala niya sa laptop tapos biglang tinulungan ka" nagdadabog si Iza.

Halatang hindi niya gustong magpa-alipin kay Alja.

"Ayan, ang hilig mo kasi diyan kaya natalo ka" inasar ko siya lalo para mas magalit pa.

"OO NA! Mamaya na lang natin simulan"

"Anong mamaya? Ngayon na" May umangal kaya wala na kaming magagawa doon.

Masaya ito! Tinitignan na ako ni Alja, alam ko na ang ibig niyang sabihin, it means kaming dalawa ang mag-iisip nang ipapagawa sa babaeng ito.

"Caleb oh" nagsumbong na. Galing kasi sa comfort room si Caleb kaya hindi niya alam kung sino ang nanalo sa kanila.

"Walang magagawa yang jowa mo" she laughs like an evil.

"Huwag mo namang pahirapan ang pumpkin ko"napagtanto na niya na talo si Iza. Mukhang nagmamakaawa pa si Caleb.

"Hindi naman eh, basta magsisimula na ngayon!"

Tumabi sa akin si Alja saka ko binulong ang gusto kong itanong or ipagawa kay Iza.

"Hoy bakit kayo magkatabi?" naghihinala na siya.

"Since 5pm na at wala na tayong masyadong ginagawa. Simulan na natin"

Nakita ko ang kaba sa mata ni Iza. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa.

Nag-set na nang timer si Alja to one hour. Handa na siya at handa na rin akong pagtawanan ang bestfriend namin.

"Ang una ay tanong kaya pasalamat ka"

"Ano?" kunwari'y wala siyang gana pero alam kong kinakabahan na siya.

Itinigil na nang mga lalaki ang ginagawa nila natuon ang pansin nilang tatlo sa amin.

"Kailan nangyari ang first kiss niyo?"

Naging aligaga siya, tinignan niya si Caleb na nanahimik lang.

"Bakit kasi ganun?"

"Gagawin mo ang lahat nang sasabihin ko diba? Kasali na doon ang sagutin mo ang tanong ko" hinampas ni Alja ang buhok niya mula sa kanang balikat.

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now