"Aba! Lagpas ka na iha sa kalendaryo!" si Lola Kimay at tumango naman ang ibang mga matatanda.

"Wala ka bang balak mag-asawa ineng?" tanong naman ni Lola Bhona na katabi ang asawang si Lolo Jeric.

Bakit nga ba ako ang nasa spotlight ngayon? Birthday ni Lolo Riguel e! Pakiramdam ko nasa hotseat ako.

I have no plans on getting married anyway.

"Riguel hindi ka magkaka-apo sa tuhod niyan." sinapak ni Leon ng mahina ang braso ng lolo ko. Napangiti ako nang may maalala. Magkapatid nga sila.

"Meron pa naman akong isang apo." tumawa si Lolo at itinuro si Amilo. 27 na siya ngayon at isa nang ganap na engineer.

"Aba e may nobya ka na ba iho?" I was relieved na naisalin na kay Amilo ang spotlight.

Umiling ang kapatid ko at pangiti-ngiti lang sa kanila. "Ano ba naman iyang mga apo mo Riguel? Kay gaganda ng lahi ayaw pagpalahi!" si Lemuel Gomez na wala ng ngipin ngayon. Nagtawanan naman ang mga matatanda at nakisali narin lang ako.

Hindi naman kami pine-pressure ni Dad na magpakasal. Suportado niya kami sa kung ano man ang gusto namin.

Kaya nga everytime na makakakita ako ng matandang dalaga I really wonder what's the reason behind it. Kasi alam kong kagaya ko, may mga istorya din sila kung bakit nila napiling tahakin ng mag-isa ang daan.

Behind every old maiden is a sad story. Behind every spinster is an unsuccessful attempt of love.

Lahat naman ng tao nagmamahal. It is our nature to love as human beings. Walang taong manhid, walang taong bato, lahat tayo nakakaramdam ng emosyon. Iyon nga lang, may mga istoryang nagwawakas ng maganda, may mga hindi rin. There are love which are unspoken, love which were unrequited and love which were accepted.

Pasimple lang akong umalis sa loob ng cottage. Dumiretso agad ako sa tabing dagat. Mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita mo ang rock formation na palagi naming inaakyat. I can still feel his hugs right now at mukhang babaunin ko na habang buhay.

Papalubog na ang araw ngayon kaya nagsiliparan na ang mga ibon para umuwi. My favorite scene. Low tide ngayon kaya makakapaglakad lakad ka ng malaya sa dagat. The farthest ebb of the tide seems to be so far away.

Napapangiti nalang ako sa mga batang nangongolekta ng mga shells, gumagawa ng sand castle at yung iba naman ay naghahabulan dahil napakalawak ng play ground nila ngayon.

I walked alone, feeling the breeze of the wind. Nililipad nito ang mahaba kong buhok at hindi na ako nag-abala pang itali iyon.

Napatingin ako sa gilid ko at may nakita akong dalawang babaeng naglalakad sa may di kalayuan. Ang isa ay nakasakay sa kakaibang wheelchair at ang isa naman ang nagtutulak rito.

At habang mas lumalapit sila ay mas nagiging pamilyar ang mukha ng isa sa kanila.

Diarra?

My feet brought me to them. Recognition was evident on my stepsister's face when I neared---well not really my stepsister. Kind of stepsister I mean.

"Amalia?"

Kahit hindi kami close, I still feel worried with her situation. "What happened?" I asked her.

She chuckled and I noticed that she has a tounge piercing. It looks cool. "I got into an accident." she said so simply na parang wala lang sa kaniya na nasa isang wheelchair siya ngayon. "And I have quadriplegia now, I can't move my whole torso."

That explains why she looks like a mannequin. Parang nastuck yung leeg niya at hindi niya ako maharap ng maayos.

"Huwag mokong kaawaan. I don't need it." she laughed. "Mom misses you by the way." sabi niya kaya bigla akong napaayos.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now