📷 13: Instant Friendship

88 36 20
                                    

AMALIA

Nasa pamilihan na naman ako ulit para mamili ng mga bagong set ng damit kasi may mga bagong dating daw na galing pa sa US.

Ni-limit ko lang naman ang mga pinamili ko dahil may plano pa nga akong bumili ng sasakyan. Wala din naman akong balak na ubusin ang pera ko dito no.

Binayaran ko na ang mga pinamili at masaya kong tinignan ang walong paper bag na dala. It's so satisfying. And yes, hindi ko sinipot si Marco kahapon sa lomihan.

Wait. That didn't sound right.

Hindi ko sinipot sina Marco kahapon dahil na-iinis ako sa presensya niya.

Gusto ko rin namang makita ang grandparents ko pero na-iirita ako dahil kasama si Marco. Maghahanap na lang ako ng paraan para makausap ang mga ito. Gusto kong makipag-close sa kanila.

Pagkalabas ko ay napansin ko kaagad ang babaeng nakaupo sa bench na nasa harap ng tindahan.

Nakatalikod ito ngunit pamilyar sa akin ang babae. Napakahinhin nito na para bang nahihiya siyang guminhawa ng hangin. Nakasuot siya ng light yellow dress habang maayos na nakabraid ang buhok.

Pumunta ako sa harap niya at napangiti nang makita ang kaniyang mukha. "Hi!" masayang bati ko.

Lola Milagros.

Nagulat naman siya at napatayo. "Amalia." bati niya pabalik gamit ang mahinhing boses.

Napangiti naman ako na parang maiiyak dahil nasa harap ko na ulit ang pinaka mamahal kong Lola. I didn't have the chance to savor her presence last time---thanks to Roberta.

Tinitigan ko nang mabuti ang mukha niya. Medyo weird nga dahil dalagang version ito ni Lola. Pero whatever, I don't care. Ang importante ay buhay siya dito.

"Hindi ka pumunta kahapon." nahihiyang sabi ni Mila habang nakayuko.

Pinunasan ko naman ang takas na luha ko at tumawa ng mahina dahil baka magmukha akong baliw dito.

"May ginawa kasi ako. Pasensya na." I smiled. A lie. Nakatunganga lang ako buong naghapon do'n sa bahay.

"Anyway, Marco gave me your address kase I want to say 'thank you' formally. Kaso nakita kitang pumasok sa store kaya hinintay na lang kita dito." turo ni Mila sa bench.

Tumawa ako dahil sa tuwa at iniwasiwas pa ang dalawang kamay sa harap niya. "Oh, no need to thank me. I just feel like being a bitch that day." I just wanted to defend you.

Tumawa rin si Mila ngunit sa mahinhin na way. "And I also want to give you this." tinaas nito ng kaunti ang sling bag na nakasabit sa balikat niya.

It was a black, elegant leather bag.

I smiled because of excitement. Kahit dito ay alam na alam pa rin talaga ni Lola ang kiliti ko.

"Aww thank you." ngumiti ako at niyakap siya ngunit kasabay no'n ay ang pagpasok ng braso ko sa strap ng bag. Kaya pagkakalas namin sa yakap ay nasa akin na ang regalo niya.

Kinilatis ko agad ito at nalamang original pala. Yay! Tiningnan ko ulit si Mila at nakitang nagtataka ang itsura niya kung bakit nasa akin na ang bag kahit hindi pa naman niya ito ibinibigay sa akin. Nagkiblit balikat na lang ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you for this. I love it." I squealed.

Kita ko naman ang relief sa mukha niya dahil nagustuhan ko ang bigay niyang regalo. "Can we be friends?" nahihiyang tanong niya sakin dahil hindi siya makatingin sa mga mata ko. "I really appreciated what you did last time."

A Voyage Towards the HorizonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora