📷 26: A Date

61 17 7
                                    

Four updates in a row HAHAHAH birthday kasi ng kapatid ko so ginanahan akong magsulat anywaysss.... I hope you enjoy.

=============================

AMALIA

"Eh pano pag ako ang nakakita?"

Napataas ang isang kilay ko sa kaniya. "So?"

"Anong so?" kumunot ang noo ni Marco at hinila ako ako papalapit sa kaniya kaya napabitaw ako sa braso ni Riguel.

"Eh ano naman kung makita mo kami? It's not like we're doing something wrong?" tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Tiningnan niya lang ako saglit tapos binalingan na ang kaibigang lalaki. "Akala ko ba si Mila ang gusto mo Riguel?"

"Siya nga." naguguluhan namang sagot ni Riguel habang hawak hawak parin ang mga pinamili ko.

"Eh bakit kayo magkasama ng girlfriend ko?" napatili ako nang maramdaman ang braso ni Marco sa bewang ko at hinapit ako papalapit sa kaniya.

Humgalpak naman sa tawa ang lalaki sa harap namin. "Nagseselos ka ba Marco?" nahihirapang tanong ni Riguel dahil naluluha na ito kakatawa at nabibigatan na siguro sa kaniyang mga dala.

Nagdugtong naman ang mga kilay ko. "Bakit ba pinagpipilitan mong may something kami ni Riguel?" pumiglas ako sa hawak niya at dumistansya ng konti habang natatawa narin. "Isipin mo nga. Anong mangyayari sa apelyido ko kapag nagkatuluyan kami nito ha?" tinuro turo ko ang lalaking hindi parin maka get-over sa pagtawa.

"Alejandrino ka parin. Di mababago." Riguel said in between his laughs.

"At alam ni Riguel ang plano okay? Alam niyang di totoo yung 'tayo'. Kaya tigil tigilan mo ako." I patted Marco's shoulder. "Lagay mo na yan sa sasakyan ko." baling ko kay Riguel at nauna nang maglakad.

"Bakit niya alam?" pabulong na tanong sakin ni Marco habang inaayos ang mga pinamili ko sa likod ng sasakyan.

"Why? Plan on bragging it to me?" ngumisi si Riguel at binunggo pa ang balikat ng kaibigan. Narinig niya pala. "Na kayo na ng babaeng kinababa--"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil binato siya ni Marco ng carrots. Hindi naman nagpatalo si Riguel at pinalipad narin ang talong ko sa kaibigan niya.

"Sige lang. Kapag naubos yang mga pinamili ko sisiguraduhin kong isang buong pamilihan ang ipapalit niyo." sumandal ako sa sasakyan at pinanood lang ang dalawang isip bata kong kasama.

"Okay lang. Madami namang pera si Marco." bulong ni Riguel na dinig ko parin naman. Loko to a?

Umirap nalang ako at tinalikuran silang dalalwa. Pumasok ako sa sasakyan at pagkadinig na pagkadinig ko na sinirado na nila ang likod, mabilis ko na itong pinaharurot paalis.

*****

Naglinis lang ako ng bahay buong araw dahil wala naman akong gagawin. Nakahilata na ako ngayon sa sofa dahil kakatapos ko lang maligo nang marinig kong may kumakatok sa pinto.

Inayos ko muna ang towel sa ulo ko bago ito pinagbuksan. Bumungad sakin ang isang lalaki na nakasuot ng puting shirt sa loob ng polo niyang nakabukas ang lahat ng butones at simpleng jeans naman sa ilalim.

"Anong ginagawa mo dito?" sumandal ako sa pintuan habang pinagtataasan ng kilay ang lalaki.

"Asking you on a date." kumindat si Marco sabay lahad ng isang kumpol ng bulaklak.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now