📷 15: Miss Tutor

86 32 28
                                    

AMALIA

Masaya kaming naghapunan kanina nila Nanang Vima at pagkatapos ay dumiretso na kami ni Kuya sa isang papag sa labas na nasa ilalim ng mangga. Inilapag ko ang mga papel at ballpen na hawak habang si Kuya naman ay inayos na muna ang gasera namin dito.

May kuryente na naman sa panahong 'to kaso di abot ang bahay nila Nanang Vima dahil medyo malayo sila sa Poblacion. This is also one of the reasons kung bakit ako lumipat. Hindi kasi ako sanay sa madilim. Sa bahay kasi namin sa Katipunan, bawat sulok 'ata ay may ilaw dahil 'yon ang gusto ni Amilo. Buti na nga lang may kuryente na rin do'n sa inuupahan kong bahay kaya mas convenient sa'kin.

"Kuya, marunong ka na naman ng mga english words kaya magfocus na lang tayo sa sentence construction mo ha. Pati na lang 'yong tamang grammar." sabi ko sabay kuha ng isang piraso ng papel.

"Kailangan pa ba 'to Amalia?" ngumuso siya habang pinaglalaruan ang ballpen, naka-upo sa tabi ko.

"Of course! Sayang 'yong talino mo." pi-nat ko ang balikat niya at nginitian bago ako nagsimula sa basics. Una ko munang pinakilala ang nouns and pronouns at in-explain ang uses nito.

"So next tayo. Lahat ng action words Kuya ay tinatawag na verb. For example uhm...sit, stand, jump, run, mga gano'n. Ikaw naman, give some examples."

Pinatulis ni kuya ang nguso niya at tumingala para mag-isip. "dance, sing, play, talk?"

Natuwa naman ako. At tama nga ako, matalino si Kuya kaya hindi na ako nahirapan lalo na't interesado rin siyang matuto.

"'Yong mga nouns at pronouns kanina Kuya, kadalasan ang role nila sa isang sentence ay 'subjects' o 'yong pinag-uusapan sa isang pangungunsap. Tapos meron tayong tinatawag na subject verb agreement. Ibig sabihin kapag singular ang subject mo, singular din ang verb mo. Pag plural, plural din dapat yung isa."

I already tried tutorial before dahil isa 'yon sa mga projects ng student council. Tinuruan namin 'yong mga illiterate students ng lower grade and sections kaya may knowledge na ako kung pa'no pagsunod-sunurin ang pagturo.

"For example Kuya ha. 'The dog growls at the people.' Identify the subject."

"Dog." masayang sagot ni kuya. Palihim akong natawa. Ang cute niya, para siyang si Amilo no'ng grade one. Hindi 'yan sarkastiko ha. Masaya ako na nagco-cooperate sakin si kuya and kita ko naman na he tries his best.

"The verb?"

"Growls."

"Singular or Plural?"

"Singular."

Nagbigay pa ako ng mga exercises at tinuro ko na rin ang iba't ibang klase ng sentences, mga linking verbs at tenses of the verb na siyang medyo complicated dahil na-encounter na namin ang mga irregular verbs kaya medyo natagalan kami roon.

"I guess hanggang dito na lang tayo ngayon?" ngumiti ako kay kuya sabay ligpit ng mga ginamit namin.

"I think so. Time says eleven sixteen." tumawa kaming dalawa dahil nakapag-straight english si Kuya.

"Let's just continue this next Saturday then." sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso kaagad ako sa kwarto ni Kuya habang siya naman ay nagpaiwan sa papag malapit sa kusina dahil doon siya natutulog kapag nandito ako.

Pagod man ay masaya pa rin ako dahil nakatulong ako kay kuya. I am happy to help. Natulog ako nang may ngiti sa labi dahil may nagawa akong mabuti ngayong araw. I feel so productive and it satisfies me.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now