Chapter 9: Past, Present and Future

552 70 11
                                    

*Karen's POV*

"Sai,  dalhin mo ko kay Iliyah." Pakiusap ko sa kanya.  "Baka may magawa ako para iligtas sya."

Sandali syang nag-alinlangan bago tumango at inalalayan akong umupo.

"Teka, kaya mo na ba?." Nag-aalalang tanong pa nya.

"Oo." Pagsisinungaling ko.  Ang totoo ay nanghihina pa ang katawan ko at may kakaiba akong nararamdaman sa kapangyarihang nasa loob ko.  Pero sa ngayon,  mas importanteng masigurado ko ang kaligtasan ni Iliyah sa lalong madaling panahon. Kaya kailangan ko munang baliwalain ang mga nararamdaman ko para sa kanya.

Ng subukan kong tumayo ay agad akong inalalayan ni Sai. Ipinaikot nya sa balikat nya ang isang braso ko. Habang maingat na nakasuporta naman sa likod ko ang isa pa nyang kamay.

Napatingin din kami kay Frijav ng magliwanag ang katawan nya at bumalik sa dating anyong tigre nito.

Sandali kaming natigilan.  Pero ng lumabas ng pinto si Frijav ay tahimik na sumunod nalang kaming dalawa.

Agad kaming sinalubong ng ilang mandirigmang kasama nila Lionel ng makita nila kami,  at sinubukang pabalikin sa loob ng kubo.  Pero nagmatigas ako at ipinilit ang kagustuhan kong makita si Iliyah.

Sandali rin silang tila namoblema bago pumayag sa gusto ko.  Sinamahan nila kami patungo sa malaking puno kung nasaan ang tahanan ni Laira.

Ng makarating kami dun ay saka ginamit ni Sai ang kakayahan nyang manghiram ng kapangyraihan sa hangin at maingat na pinalipad kami at si Frijav sa taas ng puno.

Ramdam ko ang banayad na ihip ng hangin sa buong katawan ko hanggang sa marating namin ang balkonahe ng bahay.

Ng ialis ni Sai ang hangin sa amin ay saka kami nagpatuloy sa loob. 

Ilang manggagamot ang nakita ko doon.  Ang ilan sa kanila ay abala sa ginagawang paghahalo o paggawa ng gamot. 

Isa sa kanila ang lumapit sa amin at ng sabihin ko ang sadya namin ay saka nya kami sinamahan papunta sa dulong silid

Iyon ang pabilog na silid kung saan  bukas ang bubungang parte nito. 

Kaibahan sa dati ay may papag ng nasa gitna niyon.  At nakahiga roon si Iliyah.

Nakapaligid sa kanya sila Laira,  Lionel at ilan pang manggamot.

Ng maramdaman nila ang presensya namin ay napahinto sila sa paguusap at bumaling sa amin.

"Karen?" Nagtatakang tanong ni Lionel. Kumilos din siya para salubungin kami ni Sai. Nakita ko ding takang bumaling siya sa tigreng nasa tabi namin.

"Gusto kong makita si Iliyah." Sabi ko sa kanya. 

Nakita kong magproprotesta sana sya pero inunahan ko na sya.

"Baka may maitulong ako para sagipin sya."

Doon ko nakuha ang atensyon ng lahat. Nakita ko din ng sumilip ang pag-asa sa mga mata ni Lionel.

Tumango siya at tumabi. Pagkatapos ay iminuwestra nya na magpatuloy kami.

Muli ay inalalayan ako ni Sai hanggang sa marating ang kinalalagyan ni Iliyah. Ng nasa tabi na kami ng papag ay saka ako bumitaw sa kanya at pinakatitigan ang walang malay na katawan ng Source.

Kitang kita ko na ang nagliliwanag na itim na ugat sa ibat ibang parte ng katawan nya.  Mas malala kumpara sa nakita ko sa kweba.

Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi nya,  at doon ko naramdaman agad ang kapangyarihan ng Nether na bumabalot sa kanya.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ