Chapter 2: Gift of Earth

748 83 24
                                    

*Karen's POV*

I'm dead. 

Or I wish that I am. 

Dahil feeling ko mas malala ang sitwasyon ko ngayon kesa sa magiging sitwasyon ko sa kabilang buhay.

At least dun,  wala ng takot at wala ng sakit akong mararamdaman.  Unlike now.

Sinubukan kong kumilos at igalaw ang mga kamay kong nakatali sa likuran ko.  Pero napangiwi ako ng makaramdam ng hapdi ng dumaplis sa balat ko ang magaspang na lubid.  Mukhang may gasgas na din sa palapulsuhan ko base sa init at pagkirot niyon.  Kanina ko pa kasi sinusubukan kumawala sa pagkakagapos nila sa akin.  Pero sadyang mahigpit at matibay ang lubid kaya wala akong nagawa maliban sa sugatan ang mga kamay ko sa pagpupumilit kong makakawala.

Napabuntong hininga ko bagay na nakatawag ng pansin ng isa sa mga bantay ko. Halos mapahugot din ako agad ng hangin ng bumaling ang mga mata niya sa akin. 

Para kong naging estatwa sa pagkakaupo ko. Hindi naman niya hiniwalay ang tingin sa akin habang tahimik na nakatayo sa bukasan ng malaking tent kung nasaan kami.

May isa pang gaya nya sa kabila at tahimik din na nagbabantay. Pero sandali lang niya kong tiningnan bago bumaling sa labas ng tent ang mga mata niya.

Ng hindi ako kumilos ay saka lang inalis ng isang bantay ang tingin sa akin.  Bumaling siya sa kasama niya at narinig ko ng may ibulong siya dito.

I exhaled slowly.  Pagkatapos ay muling pinasadahan ng tingin ang malaking tent kung nasaan kami.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din masyadong mapaniwalaan ang mga nangyari.  Ang pagkakapunta ko dito,  ang paghabol nila sa akin.  At ang pagdala nila sa akin sa lugar na to.

Hindi ko alam kung may nasabi ba kong mali na kinagalit nila, dahilan para marahas nilang talian ang mga kamay ko sa likod ko at halos kaladkarin papunta dito.  Pero kung babalikan ko ang nangyari ay nasisigurado ko naman na wala silang naintindihan sa mga sinabi o pakiusap ko.  Gaya ng wala din akong naintindihan sa mga sinabi nila. 

Parang gusto ko ulit magbuntong hininga .

Marahil ay yun mismo ang problema.  Hindi nila ko maintindihan,  kaya inakala nila na isa kong threat para sa kanila.

Pero ang unfair naman!

Sabi ko sa isip.  Sila tong halos gahigante sa laki tapos ako pa ang threat sa amin? Isa pa,  ang dami nila.  Isa lang ako. Not to mention,  babae pa.

Ano bang panahon to at mukhang hindi pa nila natutunan ang rumispeto sa babae?

Muli kong tiningnan ang mga suot nila.  At inalala sa isip ko ang mga nakikita ko noon sa historical movies.

Mukhang hindi 1900. Dahil mas maayos at mas may fashion ang mga nakikita kong damit noon.

Napasimangot ako ng maalalang hindi naman lahat ng bansa noon iisa ang fashion.  Malay ko ba kung isa sa mga bansang hindi kilala noon ang napuntahan ko.

Gusto kong mapaungol sa frustration.  Hindi lang ang oras o panahon ang hindi ko alam.  Kundi pati na rin ang lugar kung saan ako napunta.

Paano pa ko makakabalik nyan?

Agad akong napaayos ng upo ng may pumasok sa tent. Sandaling hinarangan ng malaking katawan nya ang labasan at parang mas lumiit ang tent dahil sa presensya nya.

Sya ang lalaking sakay ng itim na kabayo kanina.  Ang nagtali sa akin at nagdala dito.

Kung nakakamatay lang siguro ang tingin.  Baka bumulagta na sya sa kinatatayuan nya sa talim ng tingin na ibinibigay ko sa kanya.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now