Chapter 1: Dimension

1.9K 105 20
                                    

*Karen's POV*

Fear.  Cold.  Pain. 

Iyon ang nararamdaman ko habang patuloy na kumikilos ang katawan ko sa walang hanggang kadiliman.

Mabilis ang pagtibok ng puso ko sa matinding takot.  Ramdaman ko ang kirot at sakit ng mga sugat sa buong katawam ko. At halos mapaso ang balat ko ng matinding lamig na bumabalot sa akin. 

Mula kanina ng huli kong makita ang mga kaibigan ko...  Hanggang ngayon.

Alam kong palayo ako ng palayo sa kanila.  At ramdam ko ang pagkawala ng presensya nila,  gaya ng pagkawala ng init at sinag ng anumang liwanag sa madilim na lugar na to.

Binalot ng panic ang kabuuan ko at walang tigil ang pagkilos ng kamay at paa ko para humanap ng anumang makakapitan. 

Ramdam ko din ang pagsakit ng lalamunan ko sa walang tigil na pagsigaw.  At ganun din ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.

Halos sumikip ang dibdib ko at maging ang paghinga ay naging mahirap na. 

Please!  Help me! 

Sigaw ko.  Parehong gamit ang isip at bibig ko.

Ngunit ni isa...  Walang nakarinig.

Ni isa...  Walang dumating. Walang tumulong.

Tuluyan na kong napaiyak. 

At halos mapasigaw ulit ako ng maramdman ang mga pwersang humahatak sakin sa ibat ibang direksyon.

Kanan.  Kaliwa.  Harap.  Likod.  Taas.  Baba.

Halos mapugto na din ang hininga ko sa lakas ng magkakahatak nito sa akin.

Then I lost it.  I become disoriented. 

Please.... Anyone.. 

I almost beg.  Sa kung sino man ang makakarinig sa akin.

At doon ko siya naramdaman.  Ang unti unting paglakas ng pwersa sa loob ko.  At ang unti unti nitong paglabas mula sa himlayan nito.

Him.  The Grim.

Ang nilalang na kaakibat ng madilim na bahagi ng pagkatao ko. 

He moved , then stopped. As if waiting form me to call him.  To acknowledge him.

Naramdaman ko ang lakas at kapangyarihang  dala niya.  Pero gaya niya,  nanatili lang ito sa loob ko.

Nag-aabang.

P-lease....  Help me.

Naluluhang pagkausap ko sa kanya.

At doon siya tuluyang kumilos.  Naramdaman kong pinakawalan nya ang kapangyarihang dala dala niya.

It is cold.  Ngunit mas mainit ito kumpara sa lamig ng paligid na unti unting nagpapamanhid ng buong katawan ko.

Nagsimula yun sa dibdib ko.  At kumalat sa kamay, ulo at mga paa ko.

Naramdaman ko din ang pagbabago sa paligid ko.  Ang pagtigil ng pwersang humahatak sa akin.  At ang paglabas ng kakaibang init sa likod ko. 

Tumama ako doon. At agad kong naramdaman ang pag-iba ng temperatura sa paligid ko.  Sinubukan kong ifocus ng mga mata ko at nakita ko ang pagbalot sa akin ng mas maitim pang ulap. 

Hanggang sa tuluyan na nitong balutin maging ang paningin ko. Harangan ang pandinig ko. At pamanhidin ng pakiramdam ko.

At bago pa nito maalis ang kamalayan ko ay naramdamam ko ulit ang Grim sa loob ko.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Where stories live. Discover now