Chapter 5: Cursed

Magsimula sa umpisa
                                    

Nilampasan namin ang mga kabahayan sa ibaba hanggang sa marating namin ang dulo ng tribo. Matataas din ang kahoy na harang na nandun pero madali namin yung nalampasan gamit ang hangin ni Lairah.

Naramdaman kong bumagal ang paglipad namin hanggang sa huminto kaming lahat sa ere.

Napatingin ako sa ibaba at parang lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang bangin sa ibaba namin.

Nilingon ko ang pinanggalingan namin at nakita ang harang ng tribo nila. Malapit lang pala sa bangin ang hanggannan nila. At nangangalit na alon na ang nasa ibaba.

Huli na ng makita kong muling kumilos si Laira at hindi ko naihanda ang sarili ko ng muli kaming bumulusok pababa. Mas matindi pa sa roller coaster ang nararamdaman ko at para kong literal na tumalon mula sa eroplano ng walang parachute.

Gusto ko mang sumigaw ay parang nanuyo naman ang lalamunan ko sa lamig ng hanging sumasalubong sa amin.

Kung gaano kami kabilis na lumipad pababa ay ganun din kami kabilis tumigil. Hindi ko alam ang nangyari basta naramdaman ko nalang na sumayad ang mga paa ko sa matigas na sahig.

At ng mawala ng tuluyan ang hanging pumapaikot sa amin ay saka bumigay ang tuhod ko.

Mapapaluhod na sana ko kung hindi lang naging maagap si Lionel at hinila ako sa braso patayo.

Napatingala ako sa kanya at nakita ko ng napangiti siya sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.

"Masasanay ka din kapag nagtagal tayo dito." Sabi niya sa akin.

"Baka pwede namang dahan dahanin. Para kong aatakihin." Pabulong nasabi ko.

Nakita ko ng mawala ang ngiti niya ng tumingin sa harap namin. Hindi rin sya agad nagsalita bagkus ay hinila ako papasok sa tila kuwebang kinalalagyan namin.

Hindi ko napansin na nagpatuloy na sila Iliyah sa loob.

"Mukhang mahalaga ang ipapakita ni Laira kaya ganun nalang ang pagmamadali niya. " sabi niya.

Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko ang problemang iniisip ng babaylan at hindi ko pa maalala kung hindi sa sinabi ni Lionel.

Natahimik kami pareho habang sumusunod sa kanila. Mabato ang sahig ng kuweba. Basa din iyon at madulas kaya kinakailangan pa naming humawak sa malalaking bato at sa dingding para hindi madulas at mahulog.

Dinig ko din ang malalakas na alon sa bunganga ng kuweba. At habang palayo kami ng palayo doon ay unti unti ring nawawala ang liwanag.

Pero di nagtagal ay nakakita kami ng mga nakasinding sulo sa dingding. Lalo akong nacurious ng tila palayo kami ng palayo mula sa labasan.

Ilang sandali rin bago namin narating ang patag na sahig ng kuweba. At ilang paglalakad pa ay saka ako nakarinig ng mga boses. Ganun din ng mga pagkilos.

Medyo kinabahan lang ako ng marinig ang ilang daing at pagiyak ng ilan.

At ng kumanan kami ay saka tumambad sa amin ang isang malaking silid.

Puno ng silo ang gilid ng kweba at malinaw naming nakikita ang napakaraming tao na nakahiga sa sahig.

Mga makakapal na tela lang ang sapin nila at ang pakiramdam ko ay para kong pumasok sa silid na dinapuan ng isang epidemya.

Hindi bababa sa trenta ang nakikita kong nakaratay sa sahig. Karamihan ay kababaihan at bata.

Pare pareho kaming natulos sa kinatatayuan namin habang nakatingin sa kanila.

Gift of Earth (Book 4 of Fate of Darkness Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon