1

753 37 0
                                    

chaewon

pag pasok ko sa classroom nakita kona agad na magulo dito tsaka makalat din. shempre yung mga classmate ko karamihan sakanila lalaki pero ayos lang dahil may nag lilinis naman ng room. pero kaylangan pa din naming mag linis para hindi nakakahiya sa mga naglilinis ng room at para hindi na sila masyadong mahirapan.

tinitigan ko muna bago ako umupo sa pangalawang upuan sa unahan.dahil katabi yon ng pintuan at mahangin don.

"uy chaewon dito room mo?" saad ni yena tumango naman ako tsaka ngumiti. minsan talaga nakakagulat si yena dahil para syang kabute na susulpot nalang kung saan saan

alam ko mas matanda to sakin pero bakit andito baka naman nakisaling kitkit lang sya dito.

"tabihan na kita" pag prisinta nya tsaka nilipat yung bag sa tabi kong upuan. muka bakong lonely para tabihan nya? isa pa mabuti na din na katabi ko sya para may nakakausap ako dahil ayokonh maboring dito sa room.

onti palang kaming nandito siguro mga 14 or 15 palang.

simula nung nag enroll ako dito sa school nato pakiramdam ko lagi merong nakatingin sakin. weird diba. pero baka isa lang sa mga classmate ko yon baka pinag c chismisan na nila kagandahn ko diba.

ewan koba.

nakakainis

agad naman akong tumingin sa paligid ng mahagip ng mata ko yung babaeng nakatayo sa tabi ng puno. naka uniform din sya kagaya ng samin.

siguro taga kabilang room lang yon. dahil marami ding mga istudyande na nasa labas pa yung mga iba naman nag tatakbuhan sa hallway.

tumingin naman ulit ako sa harap ng pumasok yung teacher namin. wala pang 1min. tumingin ulit ako sa puno kung san ko nakita yung babae. wala na sya don.

tinitigan ko naman yung hallway pero wala namang tao.

san kaya nag punta yon ano yon nag teleport? invisible? galing naman pano yon lods paturo

baka umalis na sya agad.

aba ewan. "hoy ano iniisip mo namumutla ka" rinig kong ani ni mark tumawa naman si renjun tsaka ako tinitigan

ewan ko din kung bakit ako namumutla siguro oa lang ako mag react. nakkapangilabot lang kasi

"wala bumalik kana nga sa upuan mo!" sigaw ko habang tinutulak si mark paalis mg table ko

dali dali naman silang umalis agad ni renjun sa harap ko dahil dati palagi ko silang sinasabunutan pag ginugulo nila ako. tapos hinahampas nila ako ayun. ayun na yung bonding naming mag kakaibigan

mga classmate ko sila nung highschool. tapos nang gugulo nanaman as always. mga kababata ko kasi sila kapit bahay ko din sila dati.

pag tapos ng klase namin dumiretso agad ako sa canteen para kumain dahil hindi ako nag almusal dahil ayokong ma late.

habang nakain ako may lumapit sakin na isang babae maganda sya. maputi makinis. basta. parang anghel. nakita kona sya dati pero hindi ko alam kung saan siguro sa magazine or sa tv.

"hmm bakit?"tanong ko habang nakatitig pa din sya sakin. ang amo ng muka nya. maputi din sya at may mapungay na mata. medyo maliit sakin ng onti.

"pwede pabuksan?" ani nya tsaka inabot sakin yung water bottle. agad ko naman itong kinuha at tsaka dahan dahang buksan. napangiti ako ng mahawakan ko yung kamay nya. minsan lang kasi ako maka encounter ng mga ganto. nakakatuwa lang.

bigla naman akong tinawag ni yena kaya lumingon ako sakanya habang binubuksan yung water bottle. nung nabuksan ko yung water bottle agad akong humarap para iabot yun sa babae.

pero nawala sya.

baka may nakalimutan sya at may kinuha pa. pero ang weird san naman kaya sya pupunta?

san naman kaya nag punta yon

"akin nalang tong tubig kanino ba to?" tanong ni yena tsaka kinuha yung tubig

hindi kona mapigilang mapatulala. paulit ulit kong iniisip. bakit sya umalis ng di manlang sinabi tapos hindi nyapa kinuha yung tubig nya.

ghost | completed. Where stories live. Discover now