📷 35: She Tried Suicide

Start from the beginning
                                    

Humagulgol lang si Daniella sa tabi ko. Hindi ko nalang siya tinignan at nagfocus sa ginagawa dahil baka mahawa ako sa kakaiyak niya at madisgrasya kami rito.

Nag-aalala rin naman ako kay Roberta. I thought I already made her feel okay the last time we talked. I didn't expect na magsu-suicide siya. Roberta is the type of girl na mataas ang tingin sa sarili at nag-uumapaw ang self-confidence at kamalditahan kaya siguradong nagulantang ang buong bayan ng La Maria nang marinig ang balita.

The moment we reached the hospital, it was already getting dark. Alas sais na ata ng hapon. Agad namang tumakbo papasok sa loob si Daniella at sinundan siya ni Eugenia. Roberta's girls, they really love her.

Nasa ER pa sa Roberta dahil medyo nauna lang sila ng dating sa amin. I saw her family crying, a no-so-old woman was wailing hard at mukhang mahihimatay na anytime. Mama niya siguro, at may tatlong dalagita na umiiyak rin. Based on their looks, triplets sila. I didn't know Roberta had cute sisters. Napatingin ako sa gilid nila and I saw the same guy, her Papa. Nakasandal sa pader ang noo nito at mukhang tahimik ring umiiyak. May bahid ng dugo ang damit at mga kamay niya pero mukhang wala siyang pakialam.

Inilipat na sa private room si Roberta at sabi Dra. Melma Sanchez, ang doktor na naghandle sa kaniya, stable na raw ang vitals ng pasyente.

Nang akmang lalabas na ang doktor ay lumapit naman si Marco sa kaniya para humalik sa ina. Sabay silang lumabas para mag-usap.

"I'm sorry anak." yun lang ang kanina pa naming naririnig mula sa bibig ng tatay ni Roberta. She's still unconscious right now but at least on the bright side, okay na ang kalagayan niya, mabuti nalang at naagapan agad ang pagdurugo niya.

Nang masigurado namin na okay na si Roberta ay iniwan na namin sila doon ng pamilya niya. We are occupying a lot of space sa loob dahil sa dami namin.

Naabutan naman namin sa labas si Marco at ang mama niya. "Wag na kayong umuwi ngayon, gabi na. Delikado." sabi samin ni Dra. Melma. "Baka kayo na ang sunod kong iha-handle sa ER, mahihimatay talaga ako." she joked kaya tumawa kami.

She offered to let us stay sa bahay nila dito sa siyudad. Sumama narin sa amin sina Daniella at Eugenia dahil wala silang mai-istayhan. Nginitian pa ako ng doktora bago kami umalis. Hindi niya pa siguro alam na wala na kami ng anak niya but I still smiled back at her anyway.

Bumili muna kami ng mga damit pantulog at mga damit na gagamitin para bukas bago tumuloy sa bahay ng mga Sanchez. Malapit lang ito sa ospital para siguro mas convenient sa mag-asawa.

Maliit lang ang bahay pero magara parin naman. May anim itong kwarto, isang master's bedroom, tatlong kwarto para sa magkakapatid, dahil dito sila tumutuloy tuwing may klase, at yung sobrang dalawa ay guestroom at kwarto ng mga katulong nila.

Sabay sabay kaming naghapunan. Wala pa dito ang mga magulang ni Marco at nasa ospital pa. Tahimik lang kaming kumain dahil sa atmosphere na ginawa nila Daniella at Eugenia. I understand their situation, nangangamba parin sila para sa matalik na kaibigan.

Pagkatapos naming kumain, nauna nang pumasok sina Daniella sa guest room, wala silang ganang gumalaw ngayon. Dumiretso naman kaming lima sa sala para magpatunaw.

"Oy! Oy! Ang mag-ex!" sigaw ni Riguel nang ambang uupo so Marco sa tabi ko. "One meter apart kayo! Magka-ilangan naman kayo oy! Parang magjowa parin kayo." tumawa nalang ako ng mahina habang lumipat naman ng upo si Marco sa tabi ng kaibigan. Binatukan niya pa nga si Riguel bago naupo ng tuluyan.

"Bakit nga ba kayo naghiwalay?" mapang-usisa na tanong ni Mila while crossing her legs.

Napatikhim naman ako. Bakit ba kami ang topic? "Miscommunications. Common reasons Mila." simpleng paliwanag ko.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now