Chapter 5

190 80 8
                                    

Original Sound tracks of WTNF:

1. Di ko namalayan by Benedict Cua

2. Bahala na by Kenaniah

3.  Sakura Koi by Mosawo もさを (This song is for this Chapter)


Enjoy reading!
















Ako si Elara Mae Viglianco..



"Ikaw, bakit ka ba lagi sunod ng sunod?" kitang-kita ko ang inis sa mukha ni Damian. Halos araw-araw ganito dahil hindi ko siya tinitigilan.

"Kasi nga, gusto kita!"

Hindi na iba sa akin ang ganitong sitwasyon dahil sa loob ng maraming taon, isa lang ang ginusto ko sa buong buhay ko. Si Damian.

"Hindi kita gusto, kaya tigilan mo ako." Sabi niya saka niya ako iniwan sa iskinita malapit sa school na pinapasukan namin.



Alam ko naman kung bakit hindi niya ako magawang gustuhin. Hindi naman kasi ako kagandahan, hindi rin ako kagaya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil si Damian, ibang iba sa mga lalaki sa campus namin. He's unique, mature and extraordinary. He is my dream, future and my one and only favorite person.




Sobrang sikat ng pangalan niya sa buong campus. Lahat na nga ata ng babae ay may gusto sa kanya, at isa na ako sa mga babaeng iyon. Kaso kagaya ko rin ang mga babaeng iyon, dahil lahat kami hindi niyamagawang gustuhin. Hindi ko alam kung bakit pero ni-isa sa amin wala siyang magustuhan. Sobra na ba ka-taas ng standard niya at wala sa amin ang mapili niya.



Kaya naman nagsipag ako, nag-aral akong mabuti at inayos ko ang sarili ko. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil hindi naman kami mahirap. Isa sa kilalang pamilya ang kinabibilangan ko, kaya alam ko na nababagay kami ni Damian. Kaso anong dahilan bakit hindi niya ako magustuhan?





Pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa buong campus. Hindi siguro nila inaasahan na magbabago ako ng pananamit, porma at pagkilos. Hindi na ako yung isang pipitsyugin na Elara na hindi magugustuhan ni Damian. Yan ang sinabi ko sa sarili ko habang binabago ko ito.

Ibang iba na ang itsura ko at pag nakita niya ako, hinding hindi na niya ako pagtatabuyan. Gaya noong huling beses na umamin ako sa kanya.

"At sa tingin mo, magugustuhan kita kung nagbago ka na ng itsura mo?" mukhang mas nainis pa siya ng makita ako. "Hindi naman sayo bagay ang may make up at maikli ang palda. Ano ba klaseng porma yan!"

"Hindi mo ba talaga nagustuhan?" malungkot kong sabi.

Hindi ako matingin sa mga mata nya dahil sobra na akong natutunaw ng bawat tingin niyang iyon. Parang tinutusok ang puso ko sa bawat tingin niya sa akin. Ano ba kasing mali sa akin at hindi niya ako magustuhan?

"I'm very disappointed."

"H-ha?"

Hindi ko na napigilan ang iyak ko ng yakapin niya ako. Hindi ko rin alam bakit niya iyon ginawa. Hindi ko rin alam kung para saan ang luha na pumatak galing sa mga mata ko. Tuwa ba ito o lungkot? Pero sa mga sandaling naring ko ang mga sinabi ni Damian, one thing for sure.

"Hindi mo naman kailangan magpaganda pa sa harap ko, Elara. I'm sorry, sorry kung natatakot ako na gustuhin ka. Sorry kung naduduwag ako na aminin na gusto rin kita." Sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako. "And yes, I like you just the way you are."

Masaya ako, sobrang saya ko ng malaman ko na gusto rin ako ng taong gusto ko.





Simple lang ang simula at simple lang din ang pagtatapos ng istorya na kung saan kami ang bidang dalawa...



When the Night FallsWhere stories live. Discover now