Chapter 4

221 84 8
                                    

Original Sound tracks of WTNF:

1. Di ko namalayan by Benedict Cua

2. Bahala na by Kenaniah

Enjoy reading!






Nakaupo na ang lahat sa sala ng makalabas ako galing CR. Nagpalit muna ako ng damit dahil basang basa ako ng ulan kanina sa labas. Hays, bwiset na ulan. Bakit kasi napaka-wrong timing e!

Nagkatinginan naman kami ni Damian, para bang sinasabi niya "What the hell are you doing here!" nginitian ko naman siya saka lumapit sa tabi ni Loid.

"From now on, Zira will be living here in Paradise." Tumingin naman ako sa tatlo. Pero wala ni-isa sa kanila ang nag salita.

Pagtataka naman ang naging reaction ni Alas na kanina ko lang na meet, hindi naman makapaniwala si Damian, at si Callisto..

Nevermind.

"Hello sa inyo. Sana magkasundo tayong lahat." Sa sinabi kong iyon parang nawala ang angas ko, kainis. Ang hirap naman ne'to.

Wala na talaga akong choice kundi tumira ng 3 months sa Paradise kasama ang mga Forger..

"Before kayo pumasok sa kanya kanyang quarters niyo kelangan ko muna sabihin ang mga rules and condition sa loob ng Paradise habang andito si Zira.." nagkatinginan naman kami ni Loid.

"Ano, bakit naman may rules?!" hindi paipinta ang mukha ni Damian dahil gulong-gulo na siya sa mga nangyayari.

Napatayo naman si Callisto pero pinigilan ito ni Loid. "Utos ng Chairman."

"I'm not interested." Walang gana niyang sabi saka iniwan kami doon. Tsk, ang yabang!

Wala ng nagawa si Loid kaya sinimulan niya ng sabihin ang mga napag usapan namin..

"Hindi kayo pwede pumasok sa loob ng quarters ni Zira." Panimula niya.

"Ano?!" bulong ni Damian na para bang nagulat pa siya?! Ano ba nasa isip nito, maka react siya! Balak niya ba akong pasukin sa loob ng kwarto ko?!

"Susunod kayo sa lahat ng sasabihin niya." Hindi sinagot ni Loid ang tanong ni Damian at nanatiling kalmado habang sinasabi ang mga rules and conditions.

"At bat naman namin siya susundin?!" pag protesta naman ni Alas. Kabago-bago lang kasi naming pagkakakilala, kaya siguro normal lang sa kanya ang ganoong reaction.

"Last." Napatingin pa sa akin si Loid. "Si Zira na ang magsasabi ng last condition."

"Wag kayo ma-iinlove sa akin." Seryoso kong sabi.

"ANO?!" sabay na sabay nilang tanong. Nagulat pa sila at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Bakit ba, tama naman yun e.

"Yes, hindi kayo pwede magkagusto sa akin."

"Ang lakas." Bulong ni Alas.

Tama yan, Zira. Tama ang mga ginagawa mo.

"Anong klaseng rules yan!? E paano naman akong fiancée mo?!"

"Siya yung fiancée mo, Damian?!" Alas was shocked.

He nodded. "Oo, siya yun! She's my fucking fiancée. And I'm the only exemption! Halika nga Loid, mag usap tayo."

Hindi na naka imik si Loid ng hilahin ni Damian ito palayo sa amin. Ano ba kasing pinag sasabi niya!? At anong fiancée?! Hindi ba tapos na yung role playing naming dalawa?! tsk!

"Ikaw.." pagtawag sa akin ni Alas kaya napatingin naman ako sa kanya. "Sino ka ba talaga? Bakit parang nakakaintriga ang pagkatao mo, sino ka ba talaga?"

When the Night FallsWhere stories live. Discover now