Chapter 2

379 94 17
                                    

"Mama..." tawag ko sa kanya habang dama ang init ng apoy na bumabalot sa buong paligid ng bahay namin.

"Anak, wag kang matutulog ha.." sunod noon ay umubo na siya. Mayroon siyang hawak na basang basahan upang itakip sa bibig at ilong ko. "Makakaligtas din tayo.." rinig ko pang sabi niya, pero sobrang nanghihina na ako dahil sa mga usok na nalalanghap ko.

"Mama.." tawag ko pa.

"Kapit lang, malapit na tayong lumabas." Nakangiting sabi niya.

Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng mga apoy na bumalot sa buong bahay namin, biglaan lang kasi ang pagsabog ng kung ano man sa isa sa mga kapit bahay namin. Siguro yun ang dahilan kung bakit nagkasunog.


Sakit, takot at luha.


Kitang kita ko yan sa mga taong nasa paligid ko. Ngunit di ko na maramdaman pa ang tatlong yan dahil tuluyan na akong nawalan ng malay..



"Zira.." bungad sa akin ni Ate Rhia ng magising ako. Maliwanag ang paligid at tanging kami lang ni Ate Rhia lang ang tao sa kwartong iyon.

"Ate.." maya-maya pa'y naramdaman ko ng ang sakit ng katawan ko.

"Buti naman at nagising ka na.."


Bigla akong nakaramdam ng takot ng hawakan ni Ate Rhia ang kamay ko. Hindi ko maipaliwanag. Natatakot ako sa katotohanang iyon. Tinignan ko lang si Ate habang sinasabi niya ang masamang balita. Hindi magproseso sa utak ko ang bawat salitang sinasabi niya. Tanging pagpatak lang ng luha ko ang nararamdaman ko. Sa bawat pagpatak nito, dama ko ang sakit at pighati dulot ng balitang iyon..

"Malapit na sana kayong makalabas ni Mama ng bigla siyang makarinig ng isang babaeng sumasakloklo sa kabilang bahay. Mas pinili niya na tumulong imbis na sumama sainyo ng rescuer. Unahin ka na lang daw muna at tutulungan naman daw niyang makalabas yung babae. P-pero pagkalabas na pagkalabas niyo, biglang may malakas na pagsabog galing sa pinuntahan ni Mama. Dahil doon, nahirapan ng pumasok ang mga rescuer para sa mga natitirang tao sa loob. Hindi na nila nailigtas pa ang mga taong andon kasama na... si Mama. Dahil sa pangyayaring iyon maraming namatay, at isa na doon si Mama.."



Pinagmasdan kong maigi ang picture ni Mama habang nakapaligid ang mga bulaklak sa litrato niya, sabi nila ang lugar na ito ay huling sandali para makasama pa namin siya. Pero hindi ako naniniwala at nagbabakasakali na nagkakamali lang sila. Pero ito ang katotohanan, wala na talaga si Mama.

"Apo, hija." Tinabihan ako ni Lola ng sandaling iyon. Hindi ko siya magawang tignan dahil maluluha ako pag tumingin ako sa mga mata niya. Ayokong umiyak, ayokong iyakan si Mama. Ayoko dahil hindi pa siya patay. Hindi ko matanggap, hindi ko kaya.

"Sabihin mo, Lola. Hindi naman si Mama yan di'ba? Hindi pa patay ang Mama ko. Nakaligtas naman siya diba.. kasama ko siyang nakalabas. Pero paanong mamatay si Mama?" nasabi ko na lang.. "Alam ko yun dahil sinabi niya makakalabas kami. Pero bakit.." hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil kusa na silang lumabas galing sa mga mata ko. "Si mama.."

Niyakap naman ako ng mahigpit ni Lola dahil alam niya ang labis na pangungulila ko. "Ang apo ko.." bulong niya. "Kahit naman mawala si Mama mo, andito lang siya sa mga puso natin. Kaya wag wag na wag mong iisipin na iniwan niya na tayo.."

Kasabay ng pagsikat ng buwan, lumuha ako at nagpaalam..









Kaya naman ngayon sa pag iwan sa akin ni Ate Rhia ay hindi ko na matanggap, it really conveys the forgotten past. I can't accept the thought na iniwan niya na rin ako, kami ni Lola.

When the Night FallsWhere stories live. Discover now