Tumingin ako kay Catriona, "Alis na kami. Bye, Cat."

Ngumisi lang siya, "Okay. Ingat kayo."

Tumango na lamang ako at dumiretso sa kotse ni Jared. Pumasok na ako sa loob at nakita kong napangiti siya ng makita ako kaya nginitian ko din siya pabalik.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hmm? Secret." Sabi niya sabay ngisi. Natawa nalang ako at napailing iling sakaniya.

Ilang oras lang ang byahe at nakarating na din kami sa lugar kung saan ang date namin. Nagulat ako ng makita ang di pamilyar na lugar. Maganda ang tanawin dito at may bundok sa kalayuan.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Secret." Napatingin ako sakaniya ng bigla niya 'yung sabihin. Napakunot ang noo ko.

"Ha? Sabihin mo na, nasaan ba tayo?"

He chuckled. "This place is called secret. Sounds weird right?"

Napaawang ang bibig ko, "Seryoso? Secret ang tawag sa lugar na 'to? May gantong lugar pala?"

"Yes, lagi akong pumupunta dito kapag masaya ako or malungkot. Maganda ang view, nakakarelax." Sagot niya.

"Wow, ngayon ko lang nalaman ang lugar na 'to. Ikaw lang ba ang nakakaalam nito?"

"I don't know. Pero nakita ko na dito dati si Kenrick." Sabi niya. Bigla akong napatahimik ng bigla niyang banggitin ang pangalang 'yon.

Tumikhim ako at nagkunwari nalang na tinitignan ang buong tanawin.

"Sobrang ganda," bulong ko.

"Nagugutom kana ba?" Tanong sakin ni Jared.

"Hindi pa naman. Atsaka may mabibilhan ba tayong pagkain dito? Wala namang mga nagtitinda eh."

Ngumisi siya, "Tara."

Nakakunot noo ko siyang sinundan. Pumunta kami sakaniyang kotse. Nakatayo lamang ako sa labas at nakita kong may kinuha siya sa backseat.

Isa itong basket na punong puno ng pagkain. Teka bakit di ko 'yan napansin kanina nung nasa kotse kami?

"Syempre naghanda ako ng makakain natin." Inilapag niya ang hawak niyang basket sa unahan ng kotse. Parehas kaming sumandal sa unahan ng kaniyang kotse at tumingin sa magandang tanawin.

"Kumain ka," Bigla niyang binigay sakin ang chips. Ngumiti na lamang ako at tinanggap 'yon.

"Thank you."

"Katrine..." Napatingin ako sakaniya ng bigla niya akong tawagin.

"Bakit?" Tanong ko bago binuksan ang chips at kinain.

"Do you still have feelings for Kenrick?" Bigla akong nasamid dahil sa tanong niya. Nataranta siya at agad akong binigyan ng maiinom. Hinagod niya ang aking likod hanggang sa mahimasmasan ako.

"Sorry, nabigla ka yata sa tanong ko." Sagot niya at mahinang napatawa.

"B-Bakit naman kasi bigla mong natanong 'yon?" Giit ko at bumuntong hininga.

He chuckled. "Wala lang, gusto ko lang itanong. At tama nga ako, ganyan ang magiging reaksyon mo kapag tinanong ko 'yon."

"Alam mo, kainis ka!"

Tumawa siya ng malakas. "Hahahaha sorry na. Pero seryosong tanong 'yun. Gusto kong malaman 'yung sagot."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "Uhm..."

Tinitigan niya ako kaya bigla akong napalunok. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang isasagot. Parehas sila ni Catriona ng tanong sakin at parehas ko din silang hindi kayang sagutin ang tanong nila.

Love Maze (Completed)Where stories live. Discover now