FOR MY BEST FRIEND [Filipino]

28 0 0
                                    

"Happy Birthday, Bea!"

May nakilala akong isang bata.
Ang pangalan niya ay napakahaba.
Inasar ko s'ya dahil sa nunal n'ya.
Kalauna'y naging bespren ko siya.




Matataguriang matalino,
Nakapasok s'ya sa Cayetano.
Pasok na pasok din sa mga ranggo.
Walang iba kundi ang unang best friend ko.




Madalang nga kami kung mag-usap,
Busy sa pag-abot ng pangarap.
Kumustaha't tsikahan ang ganap.
Ito'y walang halong pagpapanggap.




Ngayon ang kaniyang kaarawan.
Nineteen na ang aking kaibigan.
Siguradong sila'y may handaan.
Limitado nga lang ang kasiyahan.




Pwede bang 'to muna ang regalo?
Wala pa kasi akong trabaho.
Kapag wala nang sakit sa mundo,
Baka makabawi na'ko sa'yo.


©ROSE ANN

POETRY COLLECTIONWhere stories live. Discover now