LOVE [Filipino]

92 0 0
                                    

"Kwentong Pag-ibig"

I. Pag-Ibig

Ako'y umibig sa'yo nung tayo'y bata pa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula,

'Di ko rin alam ang tawag sa nadama.

Ayon sa iba, mahal na nga raw kita.


Ilang beses iginiit na sila'y mali,

Pero maski puso ko'y 'di ko kakampi.

Sa klase ay marami namang lalaki,

Nagtataka kung ba't ikaw pa'ng pinili.



Ako ay dilat, ikaw naman ay singkit

Balat mo'y perlas, sa'ki'y ipinagkait.

Kitang-kita, wala ako sa'yong guhit.

Ako'y 'di mo kita, dilat man o pikit.


Hindi ko inisip na ika'y sukuan.

Mahalin ka ng patago, ayos na 'yan!

Natanggap kong ako nga ay nabulagan.

Pag-ibig na wala namang katiyakan.

II. Sakit

Mayroong balitang kumakalat.

Akala ko'y biro lang ang lahat.

Nang makumpirma'y parang nilagnat.

Puso ko'y nagkaroon ng lamat.

Ang puso ko'y nalungkot nang sobra.

Tunay nga talaga ang balita,

may kasintahan ka na.

'Di man lang nasabing "Mahal kita".

Pitong taon, pero ikaw pa rin.

Sa'yo pa rin ako may pagtingin.

Hindi nagbago aking mithiin.

Hangad ko'y ako'y iyong gustuhin.

III. Pagtanggap

Hindi na mangyayari pa ito.

Kakalimutan na lang siguro,

Itong damdamin para sa iyo.

Maghirap puso nati'y ayaw ko.

Ang pagharap dito ay mahirap.

Mahirap din naman ang magpanggap.

Kailangan ko itong matanggap.

Nabigo man sa aking pangarap.

©ROSE ANN

POETRY COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon