FOR MY FRIEND [Filipino]

26 0 0
                                    

"Gladys"

Para sa akin, matalik ko siyang kaibigan.
Ikalawa s'ya sa aking best friend na si Bea Ann.
Ating kilalanin, Gladys ang kaniyang pangalan.
Itong tula ay siyang pinag-alayan.

Nariyan ka noong ako'y walang-wala,
Ganundin sa panahong ako'y sagana.
Sa mga kalokohan ay kasama kita.
Minsan nga ay ikaw pa ang nangunguna.

Kahit may jowa ka na, 'di ka nang-itsapwera.
Sa mga lakad niyo, madalas nga akong kasama.
Sa tawanan at asaran, hindi ka mag-isa.
Ano't sa'n iya'y sasamahan ka. Ako pa ba?

Hunyo Isa, Dalawang libo at isa,
Ang araw kung kailan isinilang ka.
Ngayon ang iyong kaarawan, hindi ba?
Ngayong araw nga ay labing siyam ka na.

Bilang kaibigan mo, binati kita.
Hinintay ko ang reply mo pero wala.
Nag-message pa ako dahil nga seener ka.
Ilang saglit pa nga ay nag-reply ka na.

Sabi mo "thank you" dahil binati kita.
Na sa lahat ng naging kaibigan mo,
ako lang ang talagang nakaalala.
Ngayon, itong tula ay para sa iyo.

Kaarawan mo'y 'di ko kinalimutan.
Ganun din sa iba ko pang kaibigan.
Sa kalendaryo'y nakasulat ang mga 'yan.
Nakatatak din 'to sa puso't isipan.

©ROSE ANN

POETRY COLLECTIONWhere stories live. Discover now