MOTHER'S DAY [Filipino]

221 4 0
                                    

"Ilaw ng Tahanan"

Mama, mommy, ina, kung anu-ano pa.

Mahal na mahal po namin kayo, sobra.

Kayo'y parte ng aming munting puso.

Maraming-maraming salamat po sa inyo.




Kayo ang liwanag sa mundong madilim.

'Pag may problema, sumusuong sa talim.

Kayo'y gabay namin tungo sa tagumpay.

Nagpapasaya tuwing kami ay malumbay.




Ilaw nga ng tahanan, kayo'y ituring.

Kami ay sumasaya sa inyong piling.

Walang ibang iniisip kundi kami.

Kami'y una bago problemang marami.




Patawad sa aming mga pagkakamali.

Salamat dahil kayo'y nagsilbing tali.

Nanghihila pataas, hindi pababa.

Dahil sa inyo, alam namin ang tama.

------------------------------------------------------------
©ROSE ANN

The story behind this poem: I made this back when I was in Grade 10 for Mother's Day.

POETRY COLLECTIONWhere stories live. Discover now