4 W

316 37 7
                                    

4: W

December 11
Thursday

Dear Diary

Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong nangyari sa storage room tatlong araw na hinanap ang katawan ni Xyro ng mga pulis hanggang sa mangamoy na sya diary kadiri sya inuod pa ang ulo nya like eww talaga. Sabi nila masyado daw brutal ang nangyari sa kanya lalo nat bata pa. Kaya napatawa pa ako ng palihim noon hindi naman masyado mabait pa ako sa time na yun.

Naawa ako eh kaya tinigil ko na, pasalamat sila diary yun lng ang nangyari . Nag iiyak naman si Wendy at nag ngangal ngal, naiinis na ako sa kanya diary. Palagi din syang lumalapit sa akin at nag kwe-kwento ng nakaraan nila ni Xyro kaya mas naiinis pa ako sa kanya.

Palagi rin itong umiiyak sa harapan ko diary like subrang OA nya. Isang araw habang pa punta ako sa school nag lalakad ay sumabay sya sa akin, hindi kasi ako nag pa hatid sa driver namin.

"Ashley gusto kung maging mag best friend tayo, gusto mo ba din yun?" naka ngiting saad nya kaya umirap ako ng palihim.

" Gusto mo akong maging best friend?" tanong ko kaya agad itong napa tango tango, kaya napa ngisi ako. Ako Wendy ayaw kung maging friend ka masyado kang OA at iyakin at galit ako sayo dahil ikaw ang crush ni Xyro.

"Okay sige, ikaw muna ang unang tumawid, tapos susunod ako, pagkatapos nun best friend na tayo" saad ko at ngumiti ng pilit. Ngumiti rin ito at tumango tango.

"Ngayon na tawid kana" saad ko at ngumisi sa kanya, parang tanga naman itong nag tatakbo pa tawid naka rinig ako ng sigawan at pag busina at isang kisap mata tumalsik si Wendy, nasagasan sya ng ten Wheeler truck.

Bobo hindi nya ba napansin ang paparating na truck, will in my case alam ko kaya nga pinatawid ko sya pero hindi ko alam na tanga at bobo sya at hindi tumutingin sa daan. Nakita ko kung paaano nasira ang mukha nya at naka saksak sa tyan nya ang salamin ng truck.

"Ang bata nasagasaan, tumawag kayo ng ambulance" sigaw ng ginang. Nag silapit naman sila kay Wendy at pinalibutan kaya pumunta rin ako sa kanya. Nakita kung durog ang buto nya, lumabas pa nga ang collar bone nya.

"Diba ikaw ang kasama nya kanina ining" saad ng ginang kaya napa lingon ako sa kanya, nakita kung lumingon din sa amin ang iba kaya nag pa awa effect ako. Best actress kaya ako.

"Opo ako po yun hindi ko alam na tumawid na sya, hindi ko na sya napigilan huhuhu" acting ko sa kanya at nag paggap na umiyak hinagud nya naman ang likuran ko at niyakap kaya napa ngisi ako.

Diary wla akong ginawa this time, sadyang tanga lng sya at hindi tumingin sa daan.

-Ashley-

Psychopath's Diary

***

Psychopath's DiaryWhere stories live. Discover now