Chapter 70

765 36 2
                                    

A/N: Sorry for not updating hsksksksks. Enjoy hoes.

PS. This will be a short update kasi plan ko mag five chapter update ako bukas. (June 29, 2020)

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Pinilit kong kumilos ng maayos at mag trabaho ng hindi ito maapektuhan ng halo halong emosyon na meron ako. Nag paalam sakin si Dremion na kailangan nyang mag duty dahil pupunta raw ang propesor nila ngayong araw. Kaya naman mas lalo akong nawalan ng gana kumilos.

Alas onse imedya ng mapagpasyahan kong bumaba. Bitbit ang bag ko at soot ang nag lalakihang itim na salamin na halos sumakop na sa buong mukha ko. Inilugay ko rin ulit ang buhok ko at itinabing papunta sa mukha ko.

"Good morning boss" bati pa ng ilang nurses at doctor na nakakasalubong ko na hindi ko magawang gantihan.

Hanggang sa makababa ako sa 4th floor ay diretso parin ako sa pag lalakad hanggang marating ko ang area nila Dremion.

"Astrid? Hey" salubong sakin ni Raki na tinanguan ko lang.

Diretso parin ako sa pag pasok hanggang matanaw ko na si Dremion.

"Hey, gutom ka na?" Agad itong lumapit sakin at marahang inilapat ang braso sa balikat ko.

Pilit akong ngumiti at tumango sakanya bago isukbit rin ang kamay ko sa mag bewang nya. Sa ngayon sakanya palang ako komportable.

"Ayos ka na ba?" Nag aalalang bulong nya sakin kaya tiningala ko naman sya at tumango. "Let's eat" ngiti nya sakin ng bahagya at mag kaakbay naman kaming lumakad ng salubungin kami ni Ice.

"Join us" aya nya agad samin.

Nilingon naman ako ni Dremion na para bang nag tatanong saakin kung ayos lang. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti sakanya.

"Sige" ako ang sumagot at lumapit naman ang dalawa pa nilang kaibigan kaya mas napakapit ako kay Dremion.

"Hmmm, hi Miss Acosta--oh? Doc Isidro, mmmnn...you two look good" saubing saamin ni Doc Reyes ng makapasok kami sa cafeteria kasunod nito ang iba nitong kapwa doctor na sila Doc Domingo at Doc Ferrer.

"Oo nga Miss Acosta, swerte mo intern" biro ni Doc Domingo at napailing naman kami.

Bahagyang lumuwag ang kapit namin ni Dremion sa isa't isa pero hindi iyon tinanggal bagkus ay medyonag layo kaming dalawa.

"We're just friends--best friends docs" natatawang ngiti ni Dremion.

"Oh trust me Doc Isidro, that's what i've said when i was just still friends with my husband" sabi naman ni Doc Ferrer at humalakhak pa.

"Pano ba yan? Let's just see eachother around" bati nito samin at nag paalam naman kami.

Kung kanina ay awkward na...mas naging awkward pa. Ang naka akbay na mga braso namin ni Dremion ay naging mag ka angkla nalang hanggang bumili at umupo kaming lahat sa iisang lamesa kaya mas naging awkward pa lalo.

"How's work?" Basag ni Dremion sa katahimikan ng hiwain ang lasagna na binili namin at ini abot ang akin.

"F-fine? Same stuffs" i answered at sumubo.

Ramdam ko ang pag sulyap sulyap samin ng tatlo kaya ipinaling ko ang katawan ko paharap kay Dremion at pilit hindi pinansin ang presensya ng iba.

"Ayos ka na ba?" Tanong sakin ni Ice kaya napilitan akong harapin ito.

"Ayos pa naman. Nothing unusual" alam kong alam na ni Cazdrin.

At mas masakit yun dahil parang wala syang pakielam. Na hindi nya man lang ako lapitan at kausapin.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Where stories live. Discover now