Chapter 62

797 35 6
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Maaga palang ay naka ayos na ang lahat. Mauunang i-pi-pick up ang mga guests na sasabay samin bago daanan sila Alodia, Ciara, Scarlet at Selene. Mauuna kami bago sumunod sila Xantie at Kuya Garnet kasabay sila Mama at ang ibang Acosta na dadalo kasama sila Mommy, Tita Zen, Daddy at Papa.

"Your medicines, Ghaile it's 4 weeks without your theraphy" matatalim ang tingin sakin ni Blake kaya inirapan ko nalang sya.

Simula nung umalis si Alodia dito sa bahay ay sya ang pumalit since sa iisang company but mag kaibang location lang naman kami nag tr-trabaho at kakambal ko naman sya.

"I told you Blake, i'm getting better" ngiti ko at bumuntong hininga naman sya.

"I know, napapansin ko naman. Pero mag iingat ka parin. Siguro the next day ay susunod na ako" inakap nya pa ako kaya inakap ko rin sya.

Bigla namang may bumusina sa labas kaya sya ang nag bitbit ng mga dadalhin ko palabas ng bahay. Nakaka hiya nga kasi alas tres imedya palang ay naabala ko pa sya.

"Hey mah girl!" Patili na tawag sakin ni Alodia kaya napa irap nalang ako.

"Hey Blake!" Bati ni Dremion sa kalambal ko.

"Hey... Dremion babantayan mo tong kakambal ko. You know how hard headed she is" bilin pa ni Blake dito na para bang isa akong bata.

"Tito Blake!" Pasigaw na bati ng dalawang bata na sonalubong naman ni Blake ng akap.

Nilapitan naman ako ni Ice at binitbit ang bagahe ko.

"You drinked your meds?" Bulong nya sakin matapos humalik sa pisngi.

Napa maang pa ako dahil baka makita ni Cazdrin. Ayos na kasi kami at napag pasyahan na bigyan ng isang pag katataon ang isa't isa. But that doesn't mean that we're back together. It's just that, were okay.

"Yeah, thanks" sagot ko naman.

"Hey bro, no kissing" sita ni Blake at sinenyas pa ang leeg.

Malamang kung si Kuya Garnet ang makakakita dito ay tatanggalin ang nguso at gagawing tsitcharon. That's how strict and posessive my brother is. To the point na kahit hindi ako ang bunso ay bini-baby nila ako.

May isa pa kaming kapatid si Blash. 13 years old and a very handsome teen. Girls go crazy over her but he's such a deadpanner and really really a snob. Pag dating sa babae ay saakin at kay mama lang sya nagiging malambot and i find it very sweet.

"Tara na guys! Chop chop!" Sigaw ni Lorence na syang nag dri-drive ng sasakyan. Katabi nya sa harap si Reighn.

Pag pasok ko naman sa van ay dadalwa ang bakante. At parehong sa tabi ni Cazdrin yun.

"Tara na! Wag nang ano!" Ngisi sakin ni Raki.

She saw us. She know about what we talked about and she's such a fan. Alam na rin ni Alodia at ni Scarlet at wala naman silang magagawa.

"Oh come on Ghaile, you've been through a lot walang pa girl" bahagya pa akong tinulak ni Alodia kaya tinapik ko naman ang kamay nya bago dumeretso sa tabi ni Cazdrin.

Nasa tabi sya ng bintana---pero gusto ko dun!. Napa usog ako ng umupo si Ice sa tabi ko so bale tatlo kami sa apatan na upuan at ako ang nasa gitna!.

Bigla namang may nag abot sakin ng jacket kaya napalingon ako sa gawi ni Cazdrin.

"Wear it." Tipid na sabi nya ng mag simula na kaming umandar.

Naka suot kasi ako ng off shoulders na pinaresan ko ng skinny pants at rubber shoes.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora