Chapter 56

777 39 6
                                    

Agamani Astrid Ghaile Acosta

Nahihilo pa ako ng mag mulat ako at ganon nalang ang gulat ko ng makitang naroroon sa tabi ng kama ko si Cazdrin habang naka yuko at mukhang natutulog at hawak hawak ang kamay ko.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala kung paano ako nang hina. Kailangan ko nang makabalik sa London para mag undergo ng theraphy.

Ganon nalang ang gulat ni Cazdrin ng mag angat sya ng tingin sakin at nakitang gising na ako. Agad syang umayos ng upo at tinignan pa ang lagay ko.

"Are you okay now?" Nag aalalang tanong nito at tipid nalang akong ngumiti at tumango.

"Nasaan si Freddie?" Tanong ko at nag iwas naman sya ng tingin at bumuntong hininga.

"Nasa operationg room sila. Binilin ka muna sakin ni Doc Freddie." Pabulong nyang sagot kaya sumandal naman ako sa headboard bago pumikit.

"Wala ka bang duty?" Tanong ko at paulit ulit pa syang bumuntong hininga.

"Meron, pero sinabi ni Dremion na sya muna ang bahala." I smiled bitterly as i open my eyes at stared at the ceiling.

So he's not here because he wanted to.

"Astrid" Tawag nya sakin kaya pumikit ulit ako at binaling ang ulo sa gawi nya.

"Mmmnh?"

"Let's talk" bakas ang pangamba sa boses nya kaya nag mulat ako at agad namang nag salubong ang mga mata namin.

"You're talking" Sabi ko at nag iwas ng tingin at muling binalik sa kisame ang paningin.

"Astrid please..." Nangungusap na sabi nya kaya muli ko syang nilingon.

"If it is about us. Cazdrin, just go to the point" Tipid ngiti kong sabi, hinahanda ang sarili.

"Do---you still love me?" Pabulong nyang tanong at mahina naman akong tumawa.

"I never gave up on that feelings for you Cazdrin, kaya nga bumalik ako dito" Mapait na sabi ko habang titig na titig sa kisame.

"This is the last Astrid" napalingon ako sakanya at nag baba naman sya ng tingin.

"H-ha?" Hindi mapakali ang puso ko na sobrang bilis ng tibok na kahit anong oras ay para bang sasabog.

"Give up. Because i already did" sabi nya kaya parang namatay ang puso ko at bumagal ang tibok. Bumagsak ang balikat at nag baba ng tingin sa mga daliri.

"Cazdrin" nag pipigil kong tawag sakanya at bumuntong hininga naman sya bago tumayo.

"Wrap this up Astrid. Past is past. Just...give it up" sabi nya at tinalikuran ako bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

Habang titig na titig ako sa mga pagkain na naka handa sa side table na hindi ko alam kung si o ang gumawa, naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko.

Ganon nalang? Tapos na? Yun na ba yun?

Naramdaman ko naman ang sunod sunod na pag patak niyon hanggang sa hindi ko na mapigilan at tuluyan nang umagos ng parang bukal

Napatakip nalang ako ng palad ko sa mukha ko at doon umiyak ng umiyak.

Gusto kong magalit. Gusto kong mag sumbat.

Pero hindi nya naman sinabing gawin ko yun lahat pero ginawa ko parin para sakanya sa pag babakasakali na...maayos ko pa matapos ko syang iwanan. Hindi nya naman sinabing aantayin nya ako. Bakit ko nga ba ginawa yun lahat para makabalik dito sakanya?

Kase sumugal ka kahit isang pursyento lang ang kasiguraduhan mo.

Kasi mahal ko sya.

Tanginang pag mamahal talaga yan.

Thorns Of The Rose (Rose Duology #2)|| COMPLETED Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt