Parang doon lang niya naalala na may niluto siya at lalamig 'yon kung patutuyuin niya pa yung buhok ko.

"Ahh. Nga pala, bakit puro noodles at junk food yung pagkain mo dito? Are you even eating properly?" he asked and put the bowls on the table.

He pulled a chair for me before settling himself on the seat beside me.

Oops. Ang totoo niyan, puro instant food lang ang kinakain ko because I suck at cooking.

"Ano kasi... I am a ramen lover like Naruto, d-dattebayo!" sagot ko at nagsimulang kumain.

I could feel his piercing stare, but I did not dare look at him.

"You can come over to my place any time. I'll cook for you."

Doon ako napatingin sa kanya. More like napatanga.

Bakit ang tahimik niyang kumain ng noodles? Habang ako rinig na rinig ang bawat paghigop ko.

Nakakaloka ang pogi niya pa rin kahit kumakain.

I wonder how he'd look like when he eats me...

Santisima! Nilumot na ng tuluyan ang utak ko!

Pinilit kong iwaksi ang mga makamundo kong isipin at nagpatuloy kami sa tahimik na pagkain.

Nang matapos, nagprisinta pa si Ryo na siya na ang maghuhugas na agad kong pinigilan.

"Huwag ka nga. Nakakahiya nga na ikaw yung bisita, ikaw pa yung nagluto," saway ko sakanya.

"But I'm not just a visitor. I'm your boyfriend," pagkontra niya habang nakadikit sa akin sa harap ng sink.

Kinagat ko yung labi ko para pigilan ang tili na gustong lumabas mula sa bibig ko.

"B-Basta! Ako na dito. Maupo ka na do'n," pagtulak ko sakanya gamit ang bewang ko.

He sighed and eventually gave up.

"Fine. I'll go take a bath first. Wait for me in bed, okay?" he whispered on my ear.

Pakiramdam ko nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa init ng hininga niya na tumama sa sensitibong bahagi ng tenga ko.

Hahampasin ko sana siya pero agad siyang nakalayo sa akin habang tumatawa patungo roon sa sofa kung nasaan ang mga gamit niya.

Pakiramdam ko balak talaga niyang mag-stay over ngayong gabi kasi grabe yung kahandaan niya, eh. May dala siyang tuwalya at damit pampalit.

Nagulat na lang ako kaninang pagbaba namin sa sasakyan na may dala-dala siyang bag.

Ma, Pa, mukhang magkakaroon na kayo ng apo sa paborito niyong anak.

Mabilis na tinapos ko yung paghuhugas ng pinagkainan namin at pagkatapos ay umupo ako sa sofa.

Nunca na sa kama ko siya hihintayin!

Binuksan ko yung TV at nanood ng nakaka-depress na news habang nagpapatuyo ako ng buhok.

"Didn't I tell you to wait for me in bed?"

Mabilis na lumayo ako at tumayo na ikinatawa ni Ryo.

"Asa, Goryo! At bakit ang bilis mo namang maligo? Nagwisik ka lang yata, eh," pang-aasar ko para maitago ang pagkagulat.

Pasimpleng pinasadahan ko siya ng tingin.

Normal Ryo is hot.

Vocalist Ryo is hotter.

But just-got-out-of-the-shower Ryo is the freaking sun himself!

"Nah. I just wanted to cuddle with you quickly," aniyang kumindat pa.

Love, FinallyWhere stories live. Discover now