Teaser

739 18 1
                                    


Twenty-three years. 23 years na akong single. Oo. Magmula nung inire ako ng mama ko at magpahanggang ngayong ako na ang pwedeng umire, eh ni hindi ko pa naranasang mahalikan man lang kahit sa kamay o pisngi ng isang lalaki, maliban na lang sa tatay ko syempre. Di na counted 'yon oy.


Iniisip ko tuloy - ano bang mali sakin? Cute naman ako. No joke. Cute talaga ako. Maliit na fluffy - mukha akong stuffed toy. Matalino din naman ako. May sense naman ako kausap kahit pano. Di naman ako nang-aagaw ng pagkain. I swear hindi talaga. Kusa nilang binibigay sakin ang mga pagkain. Ahihi! At mabait naman ako!


Pero yon nga! Ano bang problema sakin??? Siguro dahil ni hindi ko naisipang lumandi nung nag-aaral pa? Dahil boring ako tingnan? O baka naman dahil mas mukha pa kong maton sa mga lalaki? Yikes. Baka yun nga.


Haaaays. Pero, Lord... parang awa Niyo na po. Gusto ko nang mag-boypren. G na G na akong magka-jowa. Pwede naman na po diba? Pahingi na pong lalaki. Di naman ako pihikan. Basta matangkad sakin, at tunay na lalaki okay na po ako. Promise.


Ako nga pala si Jona. Single. Available. Ready to mingle. Kung may kilala kayong naghahanap ng cute na jowa, please pakibanggit ang pangalan ko. Salamat!








Love, FinallyWhere stories live. Discover now