Chapter 21

176 6 7
                                    

NANDITO KAMI ngayon sa studio at kasalukuyang nagpapahinga. Katatapos lang naming mag-practice. Nakadalawang covers kami at tatlong originals.

Nakarating kami sa studio ni Ryo ng mga ala singko y medya na ng hapon. Mabuti na lang kahit nagkanda-letse letse yung lakad namin, hindi kami sobrang na-late.

Kung hindi lang siguro ako natae, baka on time pa kami.

Mabuti na lang din, hindi niya tsinismis ang dahilan ng pagka-late namin. Sinabi niya lang na nag-enjoy daw akong ka-date siya.

Hinayaan ko na lang kasi mas okay namang dahilan yon kesa sa ipagkalat niya na natae ako.

Napatingin ako kay Ryo na kasalukuyang nakatali ang buhok at inaayos yung condenser mic.

Si Yohan ay nasa kusina at siyang nagpe-prepare ng dinner namin bilang siya yung chef.

Mayamaya pa ay kinausap ni Ryo si Luke at umupo na siya dun sa harap ng computer niya na ginagamit niya pag nagre-record.

May binubuo kasi silang kanta ulit at ita-try naming mag-track ngayong gabi.

Pagtunog ng metronome, siyang pasok ng palo ni Luke sa drums.

Ang sarap lang tingnan ng mokong na si Ryo habang seryoso siya sa ginagawa niya. Malayo sa usual self niya na maloko at pilyo.

"Quit staring at Ryo, Jonabee."

Nakasimangot na nilingon ko si Rhyken.

"Bakit ba? Crush ko lang naman siya. Di ko naman siya nilalandi."

Napailing na lang siya.

"Bahala ka. Don't come running to me when you get hurt."

"Luh. Bakit naman ako pupunta sa'yo? May one year supply ka ba ng band-aid?"

Kumunot yung noo niya at lalong nalukot ang mukha.

"Ang corny mo."

Pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa niya.

Ipinasak niya yung earphones sa tenga at pagkatapos ay may kung anong sinusulat sa isang bond paper.

Curious, lumapit ako at sinilip ang ginagawa niya.

He was scribbling some notes.

Oo nga pala, he was the main lyricist. Silang dalawa ni Ryo ang nagsusulat ng mga kanta nila.

"You were the one I wanted. But not the one that I needed. So, give me a reason to stay. Even when everything's not okay," basa ko nang malakas dun sa nasulat niya.

Grabe. Sabi na nga ba emo talaga 'tong boss ko na 'to.

Tumigil siya sa pagsulat. He flipped the paper over at pagkatapos ay salubong ang kilay na tiningnan ako.

"Can you not read it out loud? Nakaka-distract ka."

Hindi ko pinansin ang pagsusungit niya.

"Ang ganda nung lyrics. Para ba yan sa ire-record natin ngayon?"

"Obviously."

"Ohhh... May title na ba?"

"Wala pa."

"Tungkol saan ba yung kanta? Inspired ba sayo? Or may inspiration ka diyan?"

"Will you stop asking dumb questions? Hindi lahat ng isinusulat ko ay related sa akin."

I rolled my eyes.

"Bakit ba ang sungit mo? Nagtatanong lang naman ako, eh."

"Nakakairitang makarinig ng mga tanong na nakakabobo," sabi niya at bumalik siya sa pagsusulat.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon