"Curious ka 'no?" Panunuya ni Jelly sakin. I just rolled my eyes.

"Dito na ako sa tabi ni Leela para makakasama ko ang kambal," saad ni Reese.

Ang katabi ni Reese ay si Zuri. Si Jelly sa katabing guest room.

Nagsipasukan na namin sa sarili naming mga kwarto. Ang buong akala ko ay ang pagdadalhan samin ay isang maliit na bahay lamang. Hindi ko naman akalain na mansion din at may sari-sarili pa kaming kwarto.

Malaki ito. Mas malaki pa sa kwarto ko dati. Wala pa mga gamit namin dahil nasa baba pa. Ipapasuyo nalang.

Nilapag ko na ang kambal sa kama na malaki. Malinis ito, walang kahit na anong alikabok. Mukhang mine-maintain ang linis. May mga lagayan na rin ng mga damit. May mirror at may malaking kurtina sa tabi ng higaan. Siguro ay terrace ito? Hindi ko muna iyon pinakialaman. May sariling banyo na rin. May shower ito at bathtub.

Kahit sa iisang room ay magkakasya kaming apat.

Balak ko sanang puntahan sila nang marinig kong may kumakatok at silabg tatlo pala.

"Grabe! Ang laki!" Nae-excite na saad ni Jelly habang dahang-dahang umuupo sa may kama. Tulog kasi ang kambal. Sila Zuri at Reese naman ay naka-tayo lamang, pinagmamasdan din ang kwarto ko.

Humarap ako kay Zuri. "Saan phone mo?" tanong ko dito.

"Bakit? Sagot nito habang kinukuha sa bulsa niya ang kaniyang cellphone.

"Let's call Mamita," I said at tumango naman sila. Lumayo kami medyo sa kama parang hindi kami maka-istprbo kaya tumayo si Jelly para makasama samin.

Sinimulan na ni Zuri na tawagan si Mamita ngunit hindi ito sinasagot. Naka-ilang missed calls lamang.

"Bakit ayaw sagutin?" Tanong ni Reese habang naka-kunot ang noo. Kinuha na rin niya ang kaniyang cellphone at siya naman ang tumawag doon ngunit ganoon pa rin. Walang sumasagot.

"Ako maman," ani Jelly at sinimulan nang tawagan si Mamita. Nakaka-tatlong ring pa lamang ay sinagot na ito.

"Mamita!" Ani Jelly nang masagot ang tawag. Medyo mahina ang boses nito dahil nga may natutulog.

"Oh? Nandyan na ba kayo?" Casual nitong saad.

Kinuha ko kay Jelly ang kanyang cellphone para ako ang kumausap. "Mamita? Sino sila? Bakit kami nandito?" sunod-sunod kong tanong.

Narinig ko lamang na nag-buntong-hininga si Mamita. "Sige na, mag-iingat kayo diyan." Iyon lamang ang sinagot niya at pinatayan na kami kaya napasinghap kami. Hindi niya sinagot ang tanong ko!

Tumingin ako sa tatlo. Lahat sila ay naka-kunot na ang mga noo. Tila naguguluhan.

Lumakad-lakad ako sa harapan nila at iniisip kung bakit nandito kami kahit alam kong sa sarili ko na wala akong maiisip na dahilan.

"Hindi kaya masama si Mamita?" Napahinto ako sa paglalakad at saka tumingin kay Jelly na animoy inosenteng nag-suwestyon.

"Gaga!" Sagot ni Reese sa kaniya.

"Baka apo niya rin ang mga iyan?" Tanong ni Zuri na ikinatigil naming lahat.

"Oh baka sugar daddy ni Mamita?!" Ani Jelly habang tinatakpan pa ang bibig na tila'y nagulat.

"Manahimik kana nga lang, Jealyn." I said to her.

Humarap ako kay Zuri. "Pwede. Pero bakit niya nilihim satin?" tanong ko.

"Tsaka ang sabi niya ay wala tayong ibang kamag-anak dahil lahat ay nasa New Zealand at hindi pa natin nakikilala." Si Reese.

Tama siya. Hindi pa namin nakikilala ni-isa kung sino ang mga kamag-anak namin. Si Mamita lamang at si Dad and Mom ang nakita namin.

Sa tuwing tinatanong namin iyon kay Mamita ay bigla niyang ililihis. Hindi naman na daw iyon importante. Nang isama niya kami sa New Zealand noong mga bata pa kami, hindi kami sa mansion niya tumira. Sa ibang lugar doon. Hindi namin alam kung bakit. Pero noong umuuwi siya, sinasabi niyang ang mga kasama niya ay mga kamag-anak niya.

Kahit ang pag-usapan ang mga magulang namin, hindi namin magawa. Masakit daw sa dibdib niya kaya iwasan namin banggitin iyon. Kahit sinubukan naming itanong kung nasaan ang katawan nila ay hindi namin magawa. Magagalit kasi siya o hindi kaya'y aatakihin.

Noong nangyari iyon ay ni-isa samin ay hindi na nagawang banggitin ang sensitive na topic na iyon.

Pero hindi namin hahayaan na hindi namin nakikita ang katawan ng mga magulang namin. Gusto namin iyon makita. Kaya gagawa kami ng paraan kaso mukhang mas magiging mahirap dahil hindi namin alam kung nasaang lugar na ba kami. Hindi namin alam kung paano kikilos.

Habang nag-uusap-usap kami ay may biglang kumatok.

Lumapit ako sa pinto para buksan ito.

"Heto na," Si Jill pala, dala-dala ang maleta ko.

Sumilip siya sa loob ng kwarto at nakita niya ang tatlo kaya ngumiti ito roon.

"Kain na kayo sa baba," Ani nito at aalis na sana kaso tinawag ko ito.

"Thank you!" I said at nag-thumbs up lamang siya.

Pinasok ko na ang mga maleta ko at nilagay sa gilid.

"Mukhang harmless  naman sila," Ani Zuri at tumango ako sa kaniya.

"But, we need to observe. Lagi niyong dadalhin ang babies niyo." Sabi ni Reese habang naka-cross arms.

"Of course!" Pag-agree naman ni Jelly.

Napag-desisyunan naming bumaba. Heto ang mahirap, hindi namin maiwan ang kambal kahit na natutulog ito. Dahan-dahan kong kinukuha si Bullet para hindi magising tapos si Zuri naman ay kay Katana ngunit nagising ito. Buti na lamang hindi iyakin. Nang akala ko ay successful na ako kay Bullet dahil nakuha ko itong hindi nagigising ay nagkakamali ako. Pagkabuhat ko dito ay siya namang dilat ng mata niya.

"Wala rin, nagising din." Natatawang saad ni Jelly habang binibigay sa dalawa ang kanilang pacifier.

May orasan din dito sa kwarto kaya nakita kong magla-lunch na.

Sana naman ay may pang-baby silang food. Table food na kasi ang pinapakain ko sa kambal.

Simula nang dumating kami ay hindi pa kami nagpapalit ng suot namin. Naka-maluwag na Tshirt lamang ay shorts ako. Si Zuri ay naka-shirt 'yan kaya madali niyang nakuha ang kaniyang baril. Ang sakin kasi ay naka-ipit sa bewang ko. Si Jelly ay naka-fitter skirt din at si Reese ay parehas ng suot ko. Shorts at Tshirt lang din.

Nakakapag-taka nga at hindi ino-open-up ni Jave ang nangyari sa labas kanina. Noong nag-tutokan kami ng armas namin.

Naglakad na kami sa hallway. Sobrang tahimik.

"Gutom na me!" pag-iinarte ni Jelly.

"Bakit kasi kaninang inaalok ka, hindi ka kumain?" Tanong ni Reese habang umiikot ang mata nito.

"Sus, kayo rin naman gutom na! Buti ang kambal ay may gatas." Sabi ni Jelly.

Oo, medyo gutom na rin kami. Ang huling kain yata namin ay kagabi pa.


;

The Seven Daddies and Me with BabiesWhere stories live. Discover now