"Okay." umayos siya ng tayo. "Now give me your keys. I'll drive." inagaw niya ang bag ko at hinalughog ang laman.

"No! I will drive. I can drive!" angal ko at sinubukang agawin pabalik ang bag ngunit inilayo niya lang ito.

"No. You're drunk and..." tumingala siya para mag-isip. "...woman."

"I am now sober!" giit ko ngunit napatigil nang may mapagtanto. "Are you degrading women?!" panggagalaiti ko.

Women empowerment ang sinusulong ko sa kasalukuyang panahon. Dahil kahit nabigyan na ng rights ang mga kababaihan ay nananatili parin sa mentality ng mga tao na mas mababa ang mga babae kesa sa mga lalaki. Na mas lamang ang mga lalaki pagdating sa kakayahan. At iyon ang ikinagagalit ko.

"Can't we women drive a car----" hindi ko pa man nasisimulan ang sermon ay pinigilan na ako ni Marco.

"Woah! Stop there woman. I didn't mean it like that. I just want to say that you were drunk and I was not. And is still not. We are going to have a long drive so just let me." nakuha na niya ang susi kaya hinagis na niya pabalik ang bag ko, na agad ko namang sinalo. Loko to a? Buti mabilis ang reflexes ko. Importante sa akin ang mga bag ko kaya hindi ko ito hahayaang mahulog lang sa maruming sahig. Ew!

Nauna na siyang maglakad papunta sa sasakyan ko at pinagbuksan pa ako ng pinto. Umirap ako sa kaniya at inunahan pa siya sa pagsara.

Lumikha ng malakas na tunog ang pinto dahil napalakas ata ang pagkakasara ko. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya papunta sa driver's seat. Bahagya naman akong napatalon nang malakas din niyang isinara ang pinto niya.

Mas malakas kesa sa pagkakasara ko kanina.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ah. Nanghahamon ka? Women empowerment!

Binuksan ko ulit ang pinto sa gilid ko at bumwelo muna bago ito ibinagsak ng napakalakas. "Beat that Sanchez." ngumisi ako kay Marco na nanlalaki ang mga mata. Ramdam ko rin ang pag-uga ng sasakyan ko kaya napangiwi ako, but I didn't let him see that. Sorry Chevy. We're going to have a bath tomorrow, I promise.

Napailing nalang siya at hinilot pa ang gitna ng ilong bago inuntog-untog ang ulo sa manibela. "You're unbelievable." mahina niyang bulong.

Lumapad naman ang ngisi ko. Let the women of the world exalt!

*****

"Why did you stop the car?" dinilat ko ang mga mata dahil naramdaman kong huminto kami. Marco got out nang hindi man lang ako sinasagot. Bastos to a? "Hey!" lumabas rin ako at sinundan siya sa harap ng isang puno.

His forehead creased when he looked back at me. "Dun ka nga! Iihi ako!" inis niyang sabi at tinaboy ako.

My mouth formed an 'o' at tumalikod na kaagad. Pumunta ako sa kabilang side ng daan at umupo sa malaking bato roon. Pinagmasdan ko na lang ang marahang pagsayaw ng mga palay sa hangin. They move like waves and it really gives me a peaceful feeling.

Honestly, I didn't miss the city. I'm always the happiest kapag summer dahil umuuwi kami rito sa probinsya. The tall buildings and the busy people suffocates me. I feel like I'm trapped and I can't do the things I want, the urban ambience makes me feel uncomfortable---it's like I am unable to breathe.

I could trade any probinsyana for a tranquil life here----I mean a normal life, not this time traveling thing. How funny that people living in rural areas dream of living a life in cities and us, urban people would want want the opposite. I think that's the nature of humans. We would always want the things we don't have.

"Tara na." naramdaman kong nasa likod ko na si Marco kaya napatigil ako sa magmumuni-muni.

Nilingon ko siya at pinagmasdan ng ilang sandali. "I don't wanna go home." I admitted.

Kumunot ang noo niya kaya napatawa ako ng mahina. "Ayaw mong umuwi sa bahay mo?" mas lumapit pa siya sakin para dungawin ako.

I just smiled at him and averted my gaze back to the darkness casted by the nighttime. "I don't wanna go home." pag-uulit ko. I rolled my eyes to myself nang marealize na hindi pwede ang gusto ko. "Gusto kong manatili nalang dito with you---with Mila and Riguel and Thelma." I exhaled. "But I can't. My family is waiting for me."

"You mean ayaw mo nang umuwi ng Manila?" tumabi siya sa akin. "You can always go back here. La Maria will welcome you with wide arms." ngumiti siya para pagaanin ang hangin sa pagitan namin. Masyado akong emo.

"Hindi ganon kadali yon." tumawa ako.

"Yung pamasahe ba?" he nodded to himself. "Sabagay, mahal yung bayad sa barko. Pero wag kang mag-alala magma-Maynila na rin naman ako next year. Bibisitahin nalang kita sa bahay niyo." kumindat siya.

I rolled my eyes. I hope he could do that. I hope it's that simple. "Try that." pagak kong sabi.

"Saan nga ulit yung bahay niyo dun?" tumagilid ang ulo niya.

"Sa Katipunan." I said without looking at him.

"Anong klaseng mga magulang ba ang mayroon ka? Para paghinarap ko na sila prepared na---oh I'm sorry." he stopped nang maalala ang sinabi ko sa kaniya noong nakaraan. My mom left us.

I just laughed. "Well, my Dad is strict. As in super. He wants me to be at my best always. Gusto niyang nagfofocus ako sa studies ko palagi. Kapag uwian na sa school, my driver never runs late. Hatid sundo ako. Bahay, school, bahay, school. That's my routine." pagkukwento ko nalang.

"He just loves you." pagpapagaan niya sa loob ko.

"I know." I smiled. I know.

"Buti at pinayagan kang pumunta dito? Vacation mo?"

"Yup, vacation." I chuckled. "Pero di ako nagpaalam, he didn't know I was here."

"What?!" bulalas ni Marco. "Bad Amalia." kunwareng galit-galitan niya.

Tumawa ako. "And for my mom---well she's really bad at it." umismid ako. Saglit pang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi niya siguro alam kung ano ang sasabihin. "But you know what? I act as if I hate her, but deep inside I'm still waiting for her to come back." my voice broke and I tried to look up to prevent my tears from falling.

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Marco na humahaplos sa likod ko kaya tuluyan ng naglaglagan ang mga luha ko. "Shush."

"I can always defy my father and do what people at my age do. Go clubbing, find flings and hook-ups, but I didn't. Kasi I believed na if I put on my best version, babalikan niya kami. That she will somehow realize kung anong klaseng pamilya ang binitawan niya." I broke down and I felt his arms surrounding me. He embraced me and I cried against his chest.

"Shush now." he cradled my head with his hands. "You can always have my Mama. Pakasal na tayo."

Kumunot ang noo ko at sinapak siya sa dibdib ng mahina. Panira to. Ngayon lang ako nag open-up e. "Landi." but I laughed. I know he did that on purpose. Wait---lumayo ako sa kaniya sabay punas ng mata. "Anong sasakyan nila Leon pauwi?"

========================
mwa.

A Voyage Towards the HorizonWhere stories live. Discover now