Napatingin kami kay Shelei, she's crying na

" I Do"

"I now pronounce you husband and wife."

Naghawak-kamay sila at nagkatawanan pa

"You may now kiss the bride"

Miguel remove Shelei's veil and caressed her cheeks and nagtawanan pa sila.

After ng wedding dumiretso na kami sa reception. Ang mga kamaganak nila ay naiwan dahil may picture pa doon. Ang iba naming mga kaklase na hindi umattend sa kasal dito sila sa reception. Diba? Alam na alam nyo na. Hindi pa din ako kinikibo ni Arvind. Tumabi ako kay Andreah.

8pm dumating sila Mr. And Mrs. Malvar. Pagdating pa nila daming seremonyas bago kami magdinner, sumayaw ang bride at groom kasama ang mga pinsan ni Shelei. After nagbigay ng best wishes ang mga malalapit na kaibigan at kaanak. Pagkatapos ni Andreah ako na.

" So Miguel, alam nyo na isa ako sa mga saksi nyo. Haha, ayon ingatan mo itong si Shelei, mahal na mahal namin yan hindi namin yan pinapabayaan alam mo yan." Miguel laugh and slowly nodded.

"Wish ko lang na magtagal kayo, and andito lang ako if ever man na may problema kayo about sa relationship, wag nyong idadaan sa init ng ulo lahat" ngumiti ako bago iabot ang mikropono sa emcee. Niyakap ko si Shelei.

Nagstart na kaming kumain at kasama din namin sa table ang iba naming kaklase.

"Oy kamusta ka na Andreah?" Tanong ni Patricia

"Eto, engaged na din, pero siguro next year na kami ikakasal, medyo busy pa" Andreah smiled and Patricia nodded

Nabaling ang paningin ni Patricia sa akin, napalunok ako.

"Eh ikaw naman Keira?" Nginitian ko siya at ibinaba ang basong hawak ko.

"Eto ayos lang, medyo maraming inaasikaso na kaso" napatikhim si Arvind at tumayo

"May puntahan lang ako" cold niyang sabi, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.

Ngumiwi si Patricia sa inasal ni Arvind, napapikit ako at huminga ng malalim. Pagmulat ko biglang nagdilim ang aming paligid. Walang masyadong makita dahil hindi maliwanag sa lugar na ito kaya kapag walang ilaw halos wala ka ng makita.

Nagulat ako ng bumukas ang spotlight at tumapat sa nasa hagdan. Nakatayo doob si Arvind. At lahat ng nasa venue ay kumanta.

Happy birthday to you

Happy birthday to you

Happy birthday happy birthday,

Happy birthday to you

Naiyak ako dahil nakita ko sa taas sina mama at ang iba kong kamag-anak may hawak silang mga letters na gawa sa baloons

'W I L L  Y O U  M A R Y  M E ?'

Napatingin ako sa nakaluhod na si Arvind, he's holding the ring.

Ang mga tao sa venue ay nagsigawan

"Yes na yan!" Sigaw ni Andreah while holding her camera.

Nainis ako, ibig sabihin alam nilang lahat ito. Pati si Shelei at Miguel ay nagvivideo sa amin. Hinawakan ni Arvind ang kamay ko at nagsalita sa microphone.

"Will you Mary Me Keira Mae Villamor?" Napaupo na din ako at nagkapantay ang mukha namin umiiyak na ako

"Shh don't cry, just answer me hm?" Hinampas ko sya sa balikat napangiti sya.

"Yes" nagtatalon siya, lahat ng nasa venue ay nagpalakpakan.

"Happy birthday mahal" sabi niya at niyakap ako, pinunasan niya ang luha ko

"I'm sorry ah, Alam nilang lahat" napasimangot ako at napatingin kay mama nakangiti pa sya

"Actually It's really hard to act like a cold boyfriend" natatawang ani nya

"Pero ginawa mo pa din?" I said in a sarcastic tone

"Of course! Tignan mo oh gumana naman" he hold my hand and look at the ring

"Yabang!" Sabi ko napanguso sya

"Mahal mo naman" i rolled my eyes

Bumaba sina mama at lumapit sa akin. Tumabi si Tristan kay Arvind. Nag fist bump silang dalawa.

"Cool mo kuya" sabi ni Tristan

Freak? Cool ba yung paiyakin ako? My god this kid. Tristan is my cousin

"Congrats" ani ni mama

I hugged her. Alam kong takot si mama na mawala ako sa kaniya. She said na  wag daw muna akong magpapamilya, ngayon payag na siya dahil kay Arvind naman ako mapupunta, and I'm so happy for that.

"You know what mahal, naalala mo noong elementary tayo, nagkita tayo noong grade 4, tapos sabi mo sa akin Naalala mo pa ako?" Natawa ako

Yeah noong nagkita kami dati, sabi ko sa kaniya naalala mo ako? And you know he said hindi sino ka ba. It really hurts no.

"After you turned your back on me may sinabi ako narinig mo ba?" Tanong niya habang hawak ang kamay ko. Marahan akong umiling

"Sabi ko, I still remember the first day we met"

Namula ako. Talaga? Sinabi niya iyon? Bakit ba kasi para akong bingi? Ano ba yan.

"Hahaha, you're blushing" sinamaan ko siya ng tingin

"Just kidding mahal, I love you mahal" napangiti ako

"Hey, walang I love you too?" Malungkot niyang saad at nagpuppy eyes.

Kung alam mo lang talaga Arvind kung gaano kita kamahal.

"Syempre mahal na mahal kita" niyakap niya ako ng mahigpit


After niya mag-propose sa akin, kinabukasan ay nagsimula na siyang magasikaso at katuwang namin si mama sa lahat-lahat pati si Tita Lyn. Si Tita Lyn ang pumili ng design ng gown ko. Hindi ko naman akalain na sa mismong birthday ko duon din sya magpopropose. Siguro nga ganoon talaga kapag mahal mo yung isang tao, gagawin mo ang lahat matanggap at makuha mo lang sya.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now