Kabanata 15

86 4 0
                                    

Thursday na ngayon, huling araw na naming magkukulitan at sa june na ulit kami magkikita-kita.

"Hoy Keira, di ka ba papagalitan ni tita pag nakita niya yan?" Tanong ni Joven

Tinuro niya ang mga sulat na inilalagay ko sa bag.

"Hmn,hindi naman siguro, mabait naman yon si mama" nginitian ko siya

Nandito kami sa locker dahil tinatanggal na namin ang laman ng mga locker, sabi kasi ni ma'am dapat daw ngayong thursday wala na itong laman dahil bukas, recognition na agad.

"Aba hanep ha, bakit mas marami ang sulat kesa sa mga school activities at books" ani ni Shelei habang bitbit ang eco bag niya.

Malamang tapos na siya magligpit kaya kami ang bubuwisitin niya.

"Kesa naman sayo Shelei, puro kalat ang laman ng eco bag mo, ginagawa mo bang basurahan ang locker mo ha?" She sarcastically said

Biglang sumulpot si Andreah at may dala ding eco bag. Nailing nalang ako. Nagbaba ng tingin si Shelei sa eco bag niya at tumingin ulit kay Andreah

"Tseh!, Di yan basura Andreah.. school activities yan... S-C-H-O-O-L A-C-T-I-V-I-T-I-E-S" in-emphasize niya ang salitang 'school activities'

"Nako ha kayong dalawa tigilan niyo na 'yan" awat ni Joven sa bangayan ng dalawa

Napa-ismid lang si Shelei. Tinapos ko na ang pagliligpit at tinanggal na ang padlock ng locker ko.

"Tara na sa classroom" nakangiting aya ni Andreah

Nakabalik kami sa classroom, walang pinagbago, magulo pa din sila, ibinaba ko ang bag na dala ko sa upuan ko at nagpunta ako sa sulok at naupo sa tabi ng mga kaibigan ko.

"Oy kwentuhan naman tayo" sabi ni Andreah

"Tungkol saan?" Tanong ni Shelei

"Alam ko na. Tungkol sa mga naging crush natin!!!" Nagtititiling ani ni Gretchen

Napatingin tuloy ang iba naming kaklase sa amin. Sinenyasan ko si Gretchen na hinaan ang boses at humingi ako ng paumanhin sa mga kaklase namin.

"Sige sige" pagsang-ayon ni Gretchen

Ako ayoko ng ganitong usapan. Paano kasi, minsan kapag napag-usapan ang ganito, kinabukasan alam na agad ng crush mo. Minsan naman kapag nalaman ng mga kaibigan mo, tuwing dadaan ang crush mo aasarin ka. Napaka-halata tuloy. –_–

"Ikaw muna Gretchen, totoo ba na crush mo si kuya Nico?" Tanong ni Shelei

Effff omygee? Kuya Nico!? Yung Grade 12 student!? Ano ba naman tong si Gretchen

"Oo hahaha" halatang pilit na pilit yung tawa oh

"Pero ngayong school year, ilan naging crush mo?" Tanong ni Andreah kay Gretchen

Nako, di ako bagay sa ganito. Alam naman nila na isa lang ang crush ko, di ako katulad nila na tatlo-tatlo o higit pa.

"Hmn, to be honest, 3"

Maling kaibigan ata ang sinasamahan ko eh

"Talaga?, Sino-sino?" Tanong ni Shelei

Tinignan ko si Joven, nakangiwi siya kay Gretchen. Siguro hindi niya din nagustuhan ang isinagot ni Chen.

"Si Jonathan,si Kuya Nico, at si Kuya Luis"

Si Jonathan, yun yung nandoon sa katabi naming classroom, si Luis, grade 10 student yun, si Kuya Nico naman Grade 12

Bigla silang tumingin sa akin.

"Ay yan si Keira wag na nating tanungin, alam na naman natin kung sino. Thank you next nalang" nang-aasar na ani ni Andreah

"Ikaw nalang Joven" sabi ni Andreah

"Ayoko!" Nag-iinarteng ani ni Joven

"Ay sus ginoo, sasabihin lang kung sino eh" sabi ni Gretchen

"Wag nyo kong isali sa kalokohan nyo ha mga buang kayo" lumayo pa ng kaunti si Joven kay Gretchen.

"Edi wag, kaarte, daig mo pa babae" napanguso pa si Gretchen

Si Shelei ang tinanong nila

"Si Jessie!!?" Kilig na ani ni Andreah

"Hmp, oo nga! Si Jessie nga, ulit-ulitin pa Andreah?" Sarcastic na tanong ni Shelei

Si Jessie naman ay ang pinsan ni Patricia na taga kabilang section din. Jessie Mendez ay kasali sa varsity ng basketball dito sa amin kaya sikat, yun nga lang masama naman ugali.

"Eh ikaw Keira, na-crushback ka naman ba ng crush mo?"

Nagulat ako bigla ng bumalik sa akin ang tanong. Aba! aba! Teka teka sinusubukan ako nitong si Andreah talaga.

"Hindi" proud na sagot ko

Napatawa si Andreah

"Pero magkaibigan kami, di tulad mo—" sumama ang tingin niya sa akin "—di ka na nga na-crushback, iniiwasan ka pa"

Natawa sila Joven sa sinabi ko.

"Toh naman joke lang" sabi ko at niyakap si Andreah






"See you bukas!" Paalam ni Shelei

Naunang umuwi sila Andreah, Joven at Gretchen dahil maagang dumating ang service nila. Saktong pag-alis ni Shelei ang pagdating ng service ko.

Nang makasakay ako, inalis ko ang bag ko at inilagay sa lap ko. Nagbaba ang tingin ko sa bulsa ng bag, nakita ko ang sulat.

See you next school year :)

Hanggang kailan ba siya magiging tanong sa akin?, Bakit hindi man lang siya naglalagay ng initial niya diba edi sana nahulaan ko pa.

"Okay ka lang?" Tanong ng driver

Pinilig ko ang ulo ko at tumango

"Ah, opo" nginitian lang ako ni kuya

Aist pesteng note ka! Tingnan mo oh natanong ako ng wala sa oras ng dahil sa kagagawan mo.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now