Kabanata 16

83 3 0
                                    

Kahit saan ka lumingon ay hindi nawawalan ng tao. Halos mapuno na ang school dahil sa mga parents at iba pang kasama ng mga magre-recognition ngayon. Tinitiyak kong mas marami ang darating sa graduation ng senior high at grade 10.

"Keira!" Tawag ni Shelei habang tumatakbo

Nang makalapit sa akin ay niyakap niya ako, tumingin siya sa kasama ko.

"Ay hello po tita" nagmano pa siya kay mama

"Hello din hija, sinong kasama mo?" Tanong ni mama kay Shelei

"Ah si mama at kuya po" tinuro niya ang classroom namin at nakatayo sa labas noon ang mama at kuya niya

"Doon po muna kami sa classroom tita ha?" Paalam niya kay mama at hinila ako.

Nang makapasok kami ay bigla siyang nagtitili, at ang sakit sa tenga no'n.

Hinawakan niya nang magaan ang aking panga, at pinhit ng kaunti ang aking mukha pakanan,pakaliwa,pataas at pababa.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya dahil mukha siyang ewan sa ginagawa niya.

"Bakit ba kasi parang hindi ikaw yan, sana ganiyan ka nalang palagi" nakangiting ani niya

Ano bang meron sa mukha ko?, Naka-braid lang naman yung buhok ko at inayusan ako ng kaunti ni mama. Anong nagbago?

"Ang ganda mo kasi, di kamukha noon na mukha kang lalaki"

Kinurot ko ang tagiliran niya at napaagik siya.

"Hay ewan ko talaga sa iyo" yun lang ang sinabi ko

Biglang pumasok si Joven sa room habang nakahawak sa baba niya. Napatingin ako kay Shelei at nakataas ang isang kilay niya.

"Pogi ko ba?" Tanong ni Joven

"Hah, aba kay lakas naman ata ng ihip ng hangin" hindi makapaniwalang asik ni Shelei

"Eh hindi nga lang bangko ang binuhat mo, pati ata lamesa" sabi nya at pinagpag ang kamay.

Hinatak ni Joven pababa ang polo niya.

"Bakit pangit ba ko?" Napatawa kaming dalawa ni Shelei sa tanong niya

"Tingin ka sa salamin tapos itanong mo ulit" natatawang ani ni Shelei

Tinignan siya ni Shelei mula ulo hanggang paa.

"Hmn, nothing change, tao ka pa din" seryosong ani ni Shelei at naupo ng maingat para hindi malukot ang palda.

"Oh eh Par, nasa'an sila Andreah at Gretchen?" Tanong ni Joven

"Hello Everybody"

Napatingin kami sa bumati.

"Speaking of Andreah and Gretchen" bulong ni Shelei.



Maya-maya pa ay bumaba na kami para pumila sa court dahil magsisimula na ang awarding.

"She, nakita mo ba ang panyo ko?" Tanong ko kay Shelei na nakaupo sa tabi ko

"Hala!? Yun ba yung nasa arm chair mo!?" Tanong niya, tumango ako

"Ay nandoon sa room!!" Natatarantang sabi niya

Napatingin ako sa building namin,kung tatakbo ako,mabilis lang ako makakarating besides 7:55 palang, 8:00 ang start namin.

"Sige kunin ko lang" paalam ko sa kaniya, hinawakan niya ang pulsuhan ko

"Samahan kita?" Umiling ako at tumango siya

Mabilis ang bawat hakbang na pinakakawalan ko. Nakarating ako sa classroom at nandoon nga ang panyo ko, may note naman  na nakadikit sa sandalan ng upuan

'Congrats!'

Hanggang dito ba naman? Umiling ako. kinuha ang note at isinilid ko iyon sa bulsa ko.

Mabilis akong bumaba at nakarating ako sa court eksaktong alas otso. Siyang pag-upo ko ay ang pag-akyat sa stage ng aming principal.

Natapos ang principal namin sa pag-speech bandang 8:20. Umakyat ang adviser ng pilot at isa-isang tinawag ang honor sa section nila.

"Arvind Villanueva"

Bigla atang tumigil ang ikot ng mundo.

"Yie, si Keira honor din ang crush" mahinang asar ni Shelei.

Pinilig ko ang ulo ko at nag-angat ng tingin sa stage. Nakita kong umakyat si tita Lyn.

Nang matapos ang section nila ay kami naman ang tinawag. Si Shelei na ang kasalukuyang nasa stage ngayon, susunod na ako.

"Keira Mae Villamor"

Hinila ako ni mama paakyat dahil ewan ko natulala ata ako.

Hindi ako makatingin sa baba dahil alam kong nasa harap ko lamang si Arvind.

"Congrats hija" bati ni ma'am Padua

"Salamat po ma'am" ngumiti ako ng matamis kay ma'am

Nang matapos ang awarding ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Sa june na uli kami magkakasama nitong mga ito.

"Bye Keira" nanggigilid ang luha ni Shelei

Niyakap ko sya at hinagod ang likod

"Sshhh. Ano ka ba magkikita pa tayo naman to oh" natatawang ani ko at bumitaw sa yakap

"Oh Lyn ikaw pala!"

Nagkatinginan kami ni Shelei nang marinig ko si mama sa likod. Ngumuso si Shelei sa aking likod

"Keira! Kamusta ka na?" Tanong ni tita Lyn nang makaharap ako.

Ang awkward ng moment na 'to pramis

"Ehem, baka magka-forever ka na ah" bulong ni Shelei na nasa likod ko

"Una na ako ah?" Paalam nya at niyakap ako uli

Umalis na si Shelei at wala man lang akong nasabi. Aba'y ewan ko ba, kapag kaharap ko 'tong manhid na ito tila nawawala ang kadaldalan ko!.

"Hmn okay lang po ako" nginitian ko si tita Lyn. Tumango-tango siya.

"Pwede bang mag-picture tayo?" Tanong ni tita Lyn.

Shuta talaga! Wala akong nagawa at lumapit kay tita Lyn. Nasa gitna si tita Lyn at  kaming dalawa ni Arvind ang nasa magkabilang gilid ni tita. Si mama ang kumuha ng picture.

"Salamat hija, oh sige! Ba-bye na, congrats Keira" nakangiting sabi sa akin ni tita.

"Salamat po, congrats din po kay Arvind" tinignan ko si Arvind ngunit sa iba siya nakatingin.

"Bye Keira, see you next school year" yun ang sinabi ni Arvind sa akin

Bigla ata akong pinamulahan ng pisngi. Tinapik ni mama ang balikat ko.

"Hija, naman ang bibig mo, baka mapasukan ng insekto" natatawang sabi ni mama

Hindi naman! Hindi lang kasi ako makapaniwala!! Si Arvind!? Nagsalita!? Tsaka nginitian ako!? Waa, ginanahan tuloy ako. Parang gusto ko na ulit pumasok.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now