Kabanata 11

99 4 0
                                    

Alas singko pa lamang ay narito na ako sa school maaga akong pumasok dahil excuse naman ako sa klase, magre-rehearse lang kami dahil mamaya na ang performance namin.

Sa ngayon 5:45 am na at eto nakatunganga ako sa loob ng classroom, gusto ko kasing makita muna sila Andreah bago ako tumuloy sa rehearsal. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon sina Gretchen at Shelei.

"Woah, Aga natin ah" cool na bati ni Andreah

Si Joven naman ay nakatingin sa suot ko. Nagbaba ako ng tingin may mali ba?

"Oy Pare ah nagyon lang kita nakitang nakaganyan ayos" asik ni Joven at talagang nag-okay sign pa

Umupo si Andreah gano'n din si Joven, maya-maya pa'y nagtanong si Joven

"Hoy Andreah, ikaw ba may assignment ka sa T.L.E? " Napanganga at nataranta bigla si Andreah

Ako naman ay prenteng nakaupo dahil excuse nga ako doon,so nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa dalawa na halos mag-titili na. Bigla akong nilapitan ni Andreah

"Hala bakla!!! May Module ka? Hala pahiram ako sigi naaa!!" Nagta-tatarang na ani ni Andreah sa akin

I sighed softly... Kung bakit kasi hindi ginagawa eh, kung kailan nasa school na tsaka maalala.

"Oh tara samahan mo ako sa locker, pasalamat ka nalang doon ako nag-iiwan at hindi ako nag-uuwi ng gamit"

Nanlaki ang mata nya at biglang sumilay ang ngiti. Hinila niya ako palabas ng classroom at dumiretso sa locker ko. Nakasandal sya sa mga locker habang binubuksan ko ang locker ko. Pagkabukas ko ay may note na naman doon.

'Good luck mamaya :)'

Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla akong napangiti kinalabit ako ni Andreah

"Eih ano? Ngingiti ka nalang dyan?" Habang sinisilip ang sulat

Itiniklop ko ang sulat at ibinulsa iyon. Kinuha ko ang module sa T.L.E at ibinigay ko na sa kaniya.  Ilang saglit pa ay nag-bell na.

"Oh sige beh ah!! Salamat talaga! Good luck mamaya sa performance nyo!! Mwah!" Nag-flying kiss si Andreah at kinawayan ko nalang siya pabalik...



Kanina ay nakailang beses kaming nag-rehearse. Ngayon ay nakaupo na kami sa bleachers dito sa court at ang mga estudyante ay nagsisimula nang magdatingan.

"Dance Club! 10 minutes!" Sigaw ng organizer

Napatingin ako sa mga kasama ko, kumpleto kami at katabi ko ngayon si Miguel.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong sa akin ni Miguel

Sinong hindi kakabahan?, Hindi ako madalas sumali sa ganito noong elementary ako ano, tsaka ngayong highschool naman ako, first time kong tutugtog. Nakadagdag sa kaba ko si Arvind, malamang manonood yon ano.

"Hmn,oo onti" mapait akong ngumiti kahit nanlalamig na ang mga kamay ko.

Nginitian lang nya ako at sinabihan na huwag akong kabahan,biglang tinawag sa stage ang dance club at pinakilala na sila. Nasa kalagitnaan na nang pag-sasayaw nang biglang tumayo si Allyson iniabot niya ang cellphone kay Miguel. Nabigla kaming lahat at nataranta nang sabihin niyang wala sa kondisyon ang tiyan niya hindi kami puwedeng mawalan ng vocalist.

Nagpunta sya sa cr at naiwan kaming ka-grupo niya. Tinawag namin si secretary, nagpresinta si Miguel na ako nalang ang gawing vocalist dahil minsan na namang pinagawa iyon ni Ms.sec ngunit hindi ako ganoon kahanda. Mas lalo akong nataranta nang matapos na ang Dance club, dahil kami na ang susunod.

Umakyat na kami ng stage at ipinakilala. Binuksan ko ang cellphone dahil nandoon ang sasabihin ni Allyson bago simulan ang pag-kanta. Itinapat ko sa akin ang mikropono at binasa ang nasa cellphone

"Ang kantang ito po ay para sa mga patuloy na naghihintay at umaasa. Sana magustuhan niyo" yun lamang at nag-senyasan na kami.

Tumugtog ang intro at ipinikit ko ang kaing mga mata at dinadama ang bawat liriko.

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

Nakapikit ako ngunit alam ko na nakatingin siya sa akin, dahil kanina bago ko isara ang aking mga mga nagkatinginan pa kaming dalawa.

Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Diko na kaya pa pa kalimutan
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uuliting sabihin na
Mamahalin ka't sambitin
Kahit muli'ng masaktan

Kahit paulit-ulit Arvind, hinding hindi ako magsasawang tanawin ka sa malayo at umasang sana ako nalang.

Sa pag-alis
Ako'y magbabalik
At sana naman

Hindi, hindi pa ako handang bumitaw.. hindi pa ngayon..

Sa isang marikit na alaala'y
Pangitaing kay ganda

Sana nga'why pagbigyan
Na ng tadhana

Hmn, sana nga Arvind, dahil nahihirapan na ako. Marami nang nagsasabi na bumitaw na ako.

Bawat sandali nalang

Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabis ang pagtataka
Tunay na pagsintang di alintana
Bawat sandali na lang

At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mamahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'why magbabalik
At sana naman

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali nalang

At aalis magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis
Ako'why magbabalik
At sana naman

Nagpalakpakan ang mga tao. Nang makababa ako ng stage nilapitan ako ni Joven at niyakap. Ilang segundo din akong natulala sa ginawa niya. Nang maramdaman niya na hindi ko siya niyakap pabalik bumitaw sya.

"C-congrats Par!, Galing mo!"

Habang sina Andreah naman ay nagtatakang nakatingin kay Joven. Hindi ko nalang pinansin at naglakad kami paupo sa section namin para manood.

Biglang may kumalabit sa akin.

"Miss, para sayo daw" anas ng lalaki

Nagbaba ako ng tingin sa kamay nya, may hawak siyang papel na kagaya nang natatagpuan ko sa locker ko. Kinuha ko iyon at hindi na nag-atubiling buksan.

Congrats,ang galing mo talaga crush! :)

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Kanino po galing?" Tanong ko sa lalaki na nag-abot sa akin. Nagkibit balikat ito

"Hindi ko po alam eh, pinagpasa-pasahan lang tapos sayo daw"

Tinanguan ko nalamang siya at nginitian. Kung sino ka man, magpakita ka na

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now