Kabanata 2

202 6 0
                                    

Ngayon ang simula ng Girls and Boys week. Ngayon kami pipili ng pwedeng salihan na club, at next month naman ay kanya-kanya ang club ng representative na magpapakita ng talent. Kasama ko si Joven.

"Joven asan ba si Andreah?" Tanong ko kay Joven na nakaupo ngayon sa sahig

Kanina pa kasi kami nakapila dito, magreregister kami sa glee club tas mahaba ang pila kaya ayan si Joven nakasalampak na sa sahig.

"Ewan ko ba don, sinusundan non yung crush nya" napakamot si Joven sa batok

Asan ba kasi yong babae na iyon ah, ang sabi nya kasi pupunta sya sa Dance club may hahanapin lang, kaso parang 15 minutes na syang wala

Ngayon na nakapila kami dito mga pang 10 pa kami, medyo matagal kasi onti lang yung nagaasikaso.

"Oh ayan na pala sya" turo ni Joven sa di kalayuan

Nakita ko si Andreah na nagtatatakbo papalapit sa amin nang makarating sya ayun hingal na hingal.

Inabot ko kay Andreah yung tubig na hawak ko nakaka-awa kasi baka mamaya mahimatay na namumutla eh. Maya-maya pa ay tumabi sya kay Joven

"San ka ba kasi galing ha?" Tanong ko sa kanya

Hindi nya ako sinagot kaagad dahil naghahabol pa sya ng hininga,hinayaan ko na muna makahinga sya ng maayos bago tanungin ulit.

"D-don sa, t-taas" sabay turo ng Jornacion building

Ano naman ginawa nya kaya doon?, Ang club na nadoon ay math at science. Hindi kaya sa math sya nag-inquire!?

"Eh anong ginawa mo doon? Diba math club don?" Tanong ni Joven

Halos sabay kaming napatingin kay Andreah na katabi lamang nya. Nagiintay kami ng isasagot nya, biglang tumawa nang  mahina si Andreah.

"Sinundan ko si Miggy" proud na sagot n'ya

Sabi ko na nga baga eh, biglang tumawa si Joven na animo'y nababaliw. Ako naman ay natahimik lang. Hindi ko pa nakikita si Arvind.

"Bakit anong ginagawa ni Miggy doon?" Natatawang tanong ni Joven

Bahagyang umismid ang mapupulang labi ni Andreah at tumaas ang kaliwang kilay nya. Ayan na naman eh basta pagdating talaga kay Miggy kahit kaming mga kaibigan nya natatarayan nya.

"Eh doon sya nag-apply sa math club"

Doon na kami natawa ni Joven, eh samantalang parang kailan lang napagalitan yon ni Sir Chen dahil di mai-explain kung paano nakuha ang sagot. Minsan talaga may saltik yang si Miggy.

"So doon ka din nag-apply?" I asked her with a sarcastic tone

Bahagya nyang ipinilig ang ulo nya at tumayo tsaka pinagpagan ang palda na suot nya.

"Ano pa nga ba" malumanay na ani nya

Si Joven din ay biglang tumayo at pinagpagan ang pants nya bigla syang lumingon sa akin

"Par, 5 nalang tayo na" Masayang tinig ni Joven

Kapag talaga kausap mo itong lalaking ito hindi mawawala ang Par kapag tatawagin ako, minsan na nga akong tawaging pre ewan ko ba sa kanya?. Pero sweet naman kasi sya.

"Nakita mo ba sila Shelei at Gretchen?" Pagiiba ko sa usapan

Nagkatinginan si Joven at Andreah na para bang nagtatanong kung sino ang tinutukoy ko.

"Ikaw" sabay turo ko kay Andreah

Napa-ah tsaka tumango "Oo, andoon si Gretchen sa Library tapos si Shelei andoon naman sa Dance club"

"Hmn, sige sige par dyan ka lang ah bibili lang ako" tinapik pa ni Joven ang balikat ko

Bigla syang umalis at naiwan ako sa pila. Si Andreah naman ay nagpaalam na babalik sa classroom.

Sana bumalik kaagad si Joven kasi malapit na kami tawagin 3 nalang at kami na. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga lalaki na tumatawa, nabaling ang tingin ko sa kanan at hindi sinasadyang mag-landing ang mata ko kay Arvind na tumatawa kasama sina Miguel na tropa nya. Bigla akong nag-iwas ng tingin.

Nag-iwas ako ng tingin ngunit ramdam ko ang paninitig nya sa akin. Nakakainis yung ganoon eh, magbibigay ng motibo pero hindi ka naman gusto mga paasa nga naman.

"Villamor,Rivera"

Nawala ako sa iniisip ko ng tawagin ang pangalan namin, bigla akong kinabahan dahil wala pa si Joven, bakit ba kasi hindi nya matiis ang tyan na nako naman

Lumipas ang ilang segundo at tinawag ulit ang aming apelyido.

"Tara na tayo na pala" aya ni Joven

Bigla ko syang siniko, nakakainis talaga tong lalaking to kahit kailan.

"Tseh!, Sa susunod ah kadenahan mo yang tiyan mo" ani ko na ikinatawa nya.

Sabay kaming pumasok ngunit may isa pang kumakanta. At iyon si Maria yung nasa kabilang section, kumakanta sya ng Tadhana by up-Dharma down. Maganda ang boses nya, paniguradong matatanggap sya.

Nang matapos ang pagkanta ni Maria biglang tinawag si Joven, nauna nya kasing inilista ang pangalan nya bago ang akin kaya ayan sya ang mauuna. Hindi naman singer yang lalaking yan, pero kaya nyang kumanta, kaya lang eh parang laging may sabit sa lalamunan kaya pangit. Natapos nya ang kanta at ako na ang susunod.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now