Kabanata 10

120 5 0
                                    

"Nako Keira bilis!" Sabi sa akin ni Miguel

Paano ba naman kasi 15 minutes nalang, magsisimula na kaming tumugtog...hep!! Hindi pa po, rehearsal lamang po ito.. Sa makawala pa kami tutugtog dahil Ikalawang araw na ng Girls and Boys week.

Sila Gretchen at Shelei ay nandoon din sa club nila dahil nagre-rehearse din samantalang sina Andreah at Joven ay nasa classroom lang at naglelesson.

"Teka, asan po si Allyson?" Tanong ko kay sec.

Kumunot ang noo nya at luminga-linga sa paligid, she snapped her fingers.

"Wala, nagpaalam nga pala 'yon na hindi daw s'ya makaka-attend ngayon" cool na sabi ni sec.

"Paano po wala tayong vocalist?" Natawa si sec sa tanong ko at umiling-iling pa

"Oh dear, why not ikaw muna?"

Literal na napanganga ako sa sinabi ni sec. At makailang beses pa akong kumurap

"Ako po?" Itinuro ko pa ang sarili ko

Alam ko naman na ako 'yong tinutukoy nya pero kasi hindi lang ako makapaniwala.

"Oh yes dear,ikaw nga" she pinched my cheeks

I let out a deep breath and relax after a few seconds. 'kaya mo yan Keira' ani ng isang bahagi sa isip ko

Pumwesto ako sa gitna hawak ko ang gitara at nakatapat ang mikropono sa akin. Nagsimula na silang tumugtog,pumikit ako

Ngumiti kahit na napipilitan kahit pa sinadaya mo akong masaktan paminsan-minsan bawat sandali na lang

Arvind, di mo lang alam masakit na paulit-ulit na

Tulad mo ba akong nahihirapan lalo't naiisip ka

Di ko na kaya pa na kalimutan bawat sandali nalang

Hindi na talaga Arvind...wala nang pag-asa na makalimutan pa kita....

At aalis, magbabalik at uuliting sabihin

Na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan sa pag-alis ako'y magbabalik at sana naman

Nang matapos namin ang kanta huminto na kami dahil si Allyson lamang ang may kopya ng sasabihin niya pagkatapos ng performance.

"Nice one hija"  lumapit si sec sa akin at niyakap niya ako

Hindi naman talaga ako dapat kakanta, pero dahil nag-gigitara ako, nag-push na ako na matutong kumanta.

"Salamat po" nakangiting ani ko kay sec

Medyo maaga kaming natapos kaya dumiretso na ako sa classroom. Kumatok muna ako syempre, nadatnan ko si Gilbert ng pilot. Sya pala ang teacher namin sa A.P. sinenyasan nya ako na maupo

"Oy Andreah kamusta?" Bati ko ng makaupo sa tabi nya, nakasimangot siya habang nagno-notes

Nagulat ako nang makita na si Joven ang katabi ni Andreah. Pinandilatan ko silang dalawa ng mata. Nagpeace sign lang si Andreah

"Sowi, okay lang naman daw lumipat eh sabi ni Sir Gilbert" bulong ni Andreah

Oo nga okay lang lumipat eh nakakagulat kasi, sinong hindi magugulat eh si Joven ay nasa dulong upuan tas bigla mong makikita rito sa ikalawang row?

"Eh bakit nakasimangot ka?" Tanong ko

"Kasi kanina nagdadaldalan kami nitong si Joven tapos bigla ba naman akong tawagin nyang sungit na Gilbert na yan, tinanong nya kung ano daw yung last lesson tapos sinabi ko sabi nya mali daw" madilim ang tingin ni Andreah kay Gilbert

Napailing ako at nag-notes din, magagamit ko din kasi iyon kahit pa sabihin na ang nagturo ay estudyante, isasama din ng mga teacher sa Finals ang tinuro nila.

Nagpa-seatwork si Gilbert pagkatapos noon, nag-break time na. Kasama ko ngayon yung dalawa

"Oy punta tayo kila Gretchen" aya ni Joven

Kinalas ni Andreah ang hawak nya sa braso ko at nagpapadyak, humarap sya kay Joven

"Anlayo-layo non!!!" Iritadong sigaw niya, napapikit ako ng wala sa oras °–°

Ang sigaw kasi ni Andreah makabasag pinggan eh, nakakahiya pa kasi pinagtitinginan na kami ng ibang students.

Nilagay ni Joven ang hintuturo nya sa labi at sinenyasan niya si Andreah na manahimik.

"Pare anong malayo?, Eh dyaan lang yun" itinuro niya ang dulong room, sabay tapik sa balikat ni Andreah

"Bakit ba gusto mong pumunta doon?, Gusto mong magsayaw?" Tanong ko

Napangisi sya "sows baka nakakalimutan mo ha, di mo pa nga kilala yung nagpapadala— este naglalagay ng mga sulat doon sa locker mo eh" bigla siyang tumawa

·_·

"Kahapon nga anong sabi?, Nasayo na ang lahat pati ang puso ko take note Keira may heart pa yon" tumatawa na silang dalawa

Eh ano naman? At least may puso di katulad noong manhid kong crush parang wala nalang ako sa kanya, sa Messenger lang ako kinakausap asan naman ang closure don? Nasa SIM!?..

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now