Kabanata 7

104 3 0
                                    

Kinabukasan maaga kaming nagsipasok para asikasuhin ang project sa Science.

"Oy Kristen!!"

"Letche! Asan na!?"

Iyon agad ang bumungad sa akin pagpasok ko ng classroom puro sigawan ang aga-aga eh nakasigaw.

Nakita ko naman sina Andreah na nadoon sa kabilang sulok at nakatingin lang sa grupo nila Allyson na nababangayan. Nilapitan ko sila Andreah.

"Anong nagyayari?" Bulong ko dahil ayokong marinig nila na pinaguusapan namin sila

"Bakit kasi kinalimutan mo!" Sigaw ni Allyson

"Yun nalang gagawin mo di mo pa nagawa!?" Sigaw naman ni Patricia

Binalik ko ang tingin ko kay Andreah

"Eh ayun, nakalimutan ni Jereihea yung gatas at mixing bowl" sabi ni Andreah ng pabulong din

Naisip ko yung section na tinuturuan din ng teacher namin, tama! Malamang ganoon din ang gagawin noon ngayon. Aki nalang ang manghihiram para kay Jereihea. Bago pa man masigawan ni Patricia si Jereihea, mabilis na akong tumakbo palabas.

Nagpunta na ako sa mga katabi naming classroom para magtanong kung teacher nila si Ms. Jenne, tinanong nila kung bakit at sinabi ko manghihiram lang ng gamit para sa project, at ngayon itinuro nila ako sa Pilot, kung wala daw sa katabi non.

Kinakabahan akong humahakbang papalapit sa section nila Arvind. At dahil hindi mo naman matatanaw kung may tao sa loob kailangan mo talagang pumasok.

"Kaya mo yan Keira" pagkausap ko sa sarili ko

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok dahil alam ko naman na walang magbubukas itinulak ko ito, sumalubong kaagad sa akin ang malamig na hangin. Si Arvind lang ang tao, bagaman may mga bag na sa ibang upuan malamang ay naglilibot ang mga kaklase nya.

Naka-head-down si Arvind at sa akin nakaharap ang mukha nya. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko pa ba?, Naka-pikit kasi sya. Nagtatalo ang isip ko gising yan ipinilig ko ang ulo ko. Naupo ako sa katabing upuan nya na wala pang bag, pinagmasadan ko ang mukha nya. Iba talaga Arvind ibang-iba. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya

"Crush na crush kita Arvind" bulong ko sa kaniya

Nagulat ako ng bigla siyang gumalaw, dahil doon bigla akong tumayo at lumayo. Kinusot nya ang mata nya at gulat na napatingin sa akin.

"Anong atin?" He said with his husky voice

Hindi ko mapigilang mapangiti

"Magtatanong lang sana kung may Mixing bowl ka?,pwede ko bang mahiram?" Tanong ko sa kanya

Hindi ko mabasa ang emosyon nya, hindi ko malaman kung galit ba sya o ano. Ibinaling nya ang tingin sa katabing eco bag bago ibinalik ang tingin sa akin. Lumunok muna siya. •_•

"A-ah, oo. P-pero d-diba mamaya mo pa naman kailangan?" Tanong nya at iniwas ang tingin sa akin

"Oo" yun lang ang isinagot ko

"Si-sige, mamaya bi-bigay ko nalang sayo after namin" yun lang at bumalik sya sa pwesti nya kanina kung paano ko sya nadatnan.

"Salamat" pagkatapos ay tumalikod na ako at isinara ang pinto

Hoosh. Nakahinga din ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi kanina parang ang sikip at parang iisa lang ang hangin namin ay nako talaga.

Bumalik ako sa room at ang lahat ay tahimik, hindi na katulad ng kanina na parang nasa Baranggay hall na animo'y may nagrereklamo.

Lumipas ang mga oras at Science time na, mabuti kamo sa grupo namin ay kumpleto sa gamit, hindi pa din dumarating si Arvind kaya kinakabahan ako. May biglang kumatok at binuksan ni Ma'am Jenne iniluwa noon si Arvind na may hawak na mixing bowl.

"Kay Ms.Villamor po" Napapikit ako ng marinig ko ang boses nya

Sinensyasan ako ni ma'am na lumapit. Nakarating ako sa pinto kaagad nyang inilahad sa akin ang mixing bowl

"Pasensya na ah natagalan" ani nya at nagiwas ng tingin

"Okay lang, di pa namab nagstart, salamat nga pala,babalik ko ito mamaya" nginitian nya lang ako at umalis na

Nilapitan ko ang grupo nina Allyson

"Oh heto na ang mixing bowl" inilahad ko sa kanila iyon

Tinignan ko si Jereihea at lumabi sya ng salitang 'thank you' nginitian ko lamang sya at bumalik na sa grupo ko.

Nang matapos ang project sinulat namin sa papel ang mga pangalan ng teacher namin at pinatikim iyon sa kanila, nilagyan nila ng marka ang index card. Pinakamataas ay 10 pinakamababa ay 5.

Dali-dali kong hinugasan ang mixing bowl at tinuyo. Bumalik ako sa room nila Arvind, dahil baka nakauwi na sya. Nang matapat ako sa pinto narinig ko ang nagsasalita

"Crush mo pala bakit nahiya ka?" Tinig ng isang lalaki

"Wala pre mahiyain ako eh" Kilala ko ang tinig na 'yon

"Crush ka din naman nya ah"

Nasaktan ako sa narinig ko, nawala ang ngiti sa labi ko. Kumatok ako at may nagbukas, si Arvind. Iniabot ko sa kanya ang mixing bowl at tumalikod na, nakalimutan ko ng magpasalamat dahil nalungkot ako at nasaktan ako ng sobra.

Tinignan ko ang wristwatch ko 15 minutes nalang dapat nasa music room na ako. Bumalik kaagad ako sa classroom at kinuha ang bag ko dumiretso na ako sa music room. Nadatnan ko doon si Miguel at ang iba pa. Akala ko late na ako

"Sakto lang, wala pa naman yung iba" sabi ng secretary

Ngumiti ako at ibinaba ang bag ko katabi ng mga bag nila, itinuri sa akin ng secretary ang gagamitin kong gitara.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now