Una

16 1 0
                                    

Romeo, take me somewhere we can be alone

Habang kumakanta ay hinahanap ng mga mata ko ang nag-iisang tao na dahilan kung bakit nandito ako sa harapan.

I'll be waiting, all there's left to do is run

Pero sa unang pagkakataon, wala siya. Ni anino, wala. Ramdam kong tumutulo na ang luha ko pero hindi ko iyon pinansin at patuloy na kumanta.

You'll be the prince and I'll be the princess

Napapikit ako at inalala ang mga panahong pinipilit niya 'kong sumali sa contest na ito. Mga panahong hindi ko alam na magiging ganito pala ang mangyayari sa dulo.

It' s a love story, baby, just say yes

It has been a love story. Like Romeo and Juliet's love story, it has been difficult but it's not real.

--
"Raelynn!!!!! COME TO EARTH!!!!" rinig kong sigaw ng bestfriend ko na may kasama pang hampas. Napaayos ako ng upo tsaka siya tiningnan ng masama.

"Kaileen, anong problema mo?! Aish!" sigaw ko sakanya.

"Tanga! Kanina ka pa nakatulala diyan! Ano na naman bang inaalala mo diyan?" tanong niya. Inayos niya ang mga papel sa table namin tsaka nagreview ulit. Exam kasi namin ngayon.

"Wala." sabi ko na lang at nagbasa sa reviewer ko.

"Hay nako. Alam ko na. Kapag mga ganyan, kilala ko na sinong naalala mo." sambit niya kaya napatingin ako sakanya. Nang makita ang nakakaasar niyang ngiti, tumayo na ako.

"Bahala ka diyan. Pupunta na 'ko ng room." sabi ko tsaka mabilis na naglakad.

"Hoy grabe ka! Hintayin mo naman ako!" rinig kong sambit niya sa likuran ko kaya mas binilisan kong maglakad.

"Aray!" sigaw ko nang mapaupo ako sa sahig dahil sa nakabunggo ko. Punyeta naman 'yung pwet ko. Tiningala ko kung sinong nakabunggo sa'kin.

"Uy Rae!!! Ang shunga mo naman! Mag-work out ka nga para 'di ka natutumba kapag nabubunggo ka sa mga muscles ko." sambit ng isang matangkad at moreno na lalaki sa harap ko tsaka ako tinulungan tumayo.

"GAGO!" sigaw ko tsaka siya hinampas sa braso kaya napatawa naman siya.

"Robin!!! Ikaw pala 'yan. San ka pupunta? Malapit na time ah?" sambit ni Kaileen nang maabutan niya kami.

"Bili lang ako ng breakfast. Di pa ako kumakain eh." sabi niya tapos bigla akong inakbayan. Alam ko na ibig-sabihin kapag inaakbayan niya ako kaya inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Ulol mo. Ikaw bumili mag-isa. Magrereview pa 'ko!" sabi ko tsaka naglakad ulit.

"Kita na lang tayo sa room, Robin!! Babye!" paalam ni Kaileen at hinabol na naman ulit ako.

Pagkarating namin ng room, umupo ako agad at nagbasa ulit ng reviewer ko. Tiningnan ko ang oras at nakitang may 30 minutes pa kami para mag-review. Busy akong nagrereview nang may nagpatugtog ng love story ni Taylor Swift sa likod ko. Inis akong napatingin sa likod.

"Good morning, Aubrey!! Baka naman. Nagrereview kami dito. Ang lakas ng music mo diyan. Baka lang gusto mo hinaan 'yan?" sabi ko sakanya. Ngumiwi siya at kinuha ang headset niya sa bag niya. Napairap ako at binalik sa reviewer ang tingin ko.

"Ang sungit mo naman, miss. Nireregla ka ba?" siniko ako ni Kaileen. Tiningnan ko naman siya ng masama kaya nagpeace-sign siya. Napansin kong wala pa si Trevor at Cathy kaya hinanap ko sila sa paligid.

"Kaileen. Wala pa sina Trevor at Cathy?" tanong ko sakanya.

"Bakit, Rae? Nakikita mo ba silang andito?" sarkastikong tanong niya pabalik. Ewan ko rin ba't kaibigan ko 'tong bruhang to. Ay. Bruha rin pala ako.

"Gago ka talaga."

Maya-maya dumating din si Robin kasama si Trevor at Cathy. Umupo sila sa tapat namin.

"Oh, bakit late ata kayo ngayon? Exam ngayon ah." sabi ko kina Trevor at Cathy.

"Gaga. Alam mo namang traffic sa Leonard Wood pag ganitong oras. Muntik na nga kaming maglakad ni Trevor." sagot ni Cathy. Well, tama naman siya.

Simula nang lumipat ako dito sa SLU, akala ko 'di ko kakayanin mag-isa. Pero sinamahan ako ni Kaileen. Never niya ako iniwan. She's been my bestfriend since grade 7 tapos nung lumipat ako dito sa SLU, nadagdagan pa nina Trevor, Cathy at Robin. Wala talaga kaming balak magkaron ng ibang kaibigan ni Kaileen pero transferees din kase sila and pareho kaming taga-Pangasinan kaya kinalaunan naging friends din kami and I've never been so happy.... except when I remember--

"SI MIKO NGA!!" rinig kong sigaw ni Kaileen na nagbalik sakin sa mundo.

"Hoy pota ba't niyo pinag-uusapan si Miko?" kumunot ang noo ko at binagsak ang reviewer ko sa lamesa.

"Kanina pa namin pinag-uusapan ex mo. You're spacing out, Rae. Okay ka lang ba?" sabi ni Trevor. Bwisit 'tong Englishero naming kaibigan palibhasa may halong Chinese.

"For sure nabobother na naman 'to sa ex niya. Ano nga ba ulit nangyari sa inyo? Ba't kayo nag-break?" tanong ni Cathy. Tangina.

"Diba nga matagal nang may crush si Miko noon kay Rae kase sabi niya narinig daw niyang kumakanta si Rae sa room namin noong jhs kami tapos inaya niya si Rae maging date sa prom pero nung una ayaw niya pero pinilit ko siya kase supportive akong friend sa lahat ng lalandi sa kanya kase gusto ko na siyang magka-jowa." tuloy -tuloy na sabi ni Kaileen. Napasapo na lang ako sa noo ko. Ako ang tinanong pero siya ang sumagot.

"TAPO---"

'Di pa tapos magsalita si Robin ay nagsalita ulit si Kaileen.

"Tapos after ng prom namin, lagi na niyang sinasamahan si Rae kumain ng lunch. Tapos nililibre pa niya si Rae ng food. Hinahatid niya rin sa paradahan si Rae kapag umuuwi siya hanggang sa nanligaw na nga etong si kuya mo. Tapos after 1 month, sinagot na ni Rae!!!" kinikilig na nagkwe-kwento si Kaileen. Jusko. Imbes na nagre-review kami sa exam, nagkwekwentuhan sila about sa gago kong ex.

"OMGG SO KILI----"

'Di rin pinatapos ni Kaileen si Cathy sa sasabihin niya at nagsalita ulit siya. Parang humuhugot lang siya ng hininga tapos ay magsasalita ulit siya. Parang armalite amputa.

"Nung una, siyempre, kilig kilig pa 'yung relationship nila hanggang sa nag-one year anniversary sila tapos inaya ni Miko sumali sa singing contest si Rae. Pero ayaw ni Rae kase may stage fright siya. GRABE KUNG NAKITA NIYO LANG GAANO PINUSH NI MIKO SI RAE PARA SUMALI SIYA SA CONTEST, KIKILIGIN KAYO. Nawala stage fright ni Rae dahil kay Miko pero, grabe, nung mismong contest, wala si Miko. Hindi pumunta. After nung contest, naging cold na lang si Miko. Hanggang sa nakipag-break siya kay Rae. Saktong moving-up nang makipag-break si Miko kaya after non wala na kami balita sakanya." natapos si Kaileen sa kwento niya at hindi ko napansin na tumutulo na pala luha ko.

"Gago ka talaga, Kaileen." sabi ni Robin nang mapansin na umiiyak ako. Tinabihan niya ako at inalo.

"HALA, SORRY RAE!!!! NAGTANONG KASE SI CATHY EH! IKAW ANG GAGO, CATHY!" Sabi ni Kaileen tsaka ako niyakap.

"HOY NAGPAKWENTO LANG NAMAN AKO HUHU SORRY RAE!!"

"Shet, 'di ko rin alam ba't ako umiiyak pero okay lang ako." sambit ko sa kanila.

Sa totoo lang, ang dami kong inisip nung nakipaghiwalay sa'kin si Miko. Ang daming bumagabag sa'kin. Dami kong tanong kung bakit pero hindi ko nahanapan ng sagot. Si Kaileen naging takbuhan ko noong bumaba ulit 'yung self-esteem ko dahil sa kanya. She helped me na makabangon ulit pero hanggang ngayon, may sama ako ng loob kay Miko kase okay naman kami bago kami naghiwalay. Tinanong ko siya kung anong problema pero hindi siya nagsabi. Nagulat na lang ako nung nakipag-hiwalay siya.

"Andiyan na si Sir. Huwag ka na umiyak, Rae. Kain na lang tayo sa Laxamana after exam. My treat." sambit ni Trevor na naging dahilan para humiwalay yung tatlo sa'kin.

"Yon!! Iba ka talaga, chingchong!" sabi ni Robin at pinat ang balikat ni Trevor.

"Gago 'di ka kasama!!" asar ni Trevor. Sasagot pa sana pabalik si Robin pero dumating na ang adviser namin at sinimulan ang exam.

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon