Ikalawa

9 1 0
                                    

"Ms. Raelynn Frondozo." palabas pa lang ako ng room dahil tapos na ako mag-exam ay tinawag ulit ako ng proctor namin. Lumapit ako sa table niya.

"Don't forget the meeting later of CMV at 1:30 pm ha? Sa mini chapel. Paki-sabi na rin sa mga kasama mo. Sa Word ka di'ba?" banggit niya. Shit. May meeting nga pala kami mamaya kase may clustered mass bukas. Obviously, dahil catholic school namin, may mass gathering every wednesday pero clustered siya dahil sobrang dami ng student sa slu at hindi naman kami kakasya sa mini chapel, tho sa function hall talaga kami nag-mimisa kase kahit clustered hindi pa rin kami kasya sa mini chapel.

"Yes, sir. Inform ko na lang po 'yung mga kasama ko." sagot ko at ngumiti. Sumenyas naman siya na pwede na akong lumabas kaya umalis na ako at hinintay matapos sina Cathy, Kaileen at Trevor. Hinanap ko agad si Robin sa mezzanine. Nahanap ko agad siya na nakaupo sa isang table habang may pinapanuod kaya tumabi ako sa kanya.

"Kamusta exam? Mukhang 'di ka nahirapan ah. Ikaw una nagpass ng exam paper." sabi ko sa kanya. Si Robin talaga lowkey na matalino sa'min kaso medyo weird lang talaga siya. Minsan, 'di namin mahanap kung saan. Minsan, hindi sumasama kapag nag-aaya kami lumabas. Pero one call away lang siya kapag may problema kami. Tsaka clingy siya sa'ming friends niya. Ewan ko ba. Sweet daw talaga siya.

"Sus. Basic lang 'yang business ethics. Minemorize ko kase mga philosophers tsaka mga contributions nila kaya nakasagot ako kaagad."

"Same." sabi ko na lang nang maalala na imemessage ko pa pala mga kasama ko sa Ministry of Word.

Good afternoon! Please be aware na may meeting tayo sa mini chapel later @1:30 pm sa mini chapel. Attendance is a must. Thank you.

Pinindot ko na ang send at nang maka-receive ng responses ay tinago ko na ang cellphone ko. Maya-maya ay dumating na sina Cathy, Kaileen at Trevor. Pustahan, nagkopyahan 'tong mga 'to kaya ngayon lang lumabas.

"Sabi ko iangat mo papel mo kase 'di ko makita! 'Di ko tuloy nakopya 'yung last part! Ish." reklamo ni Cathy kay Trevor. Halata ang inis sa mukha niya. Si Cathy naman ang study-concious sa'min. Ayaw bumagsak pero laging nagca-cramming. 'Di naman siya bumabagsak, sa maling tao lang. HAHAHAHAH. Joke, wala talaga siyang jowa. Bet ko lang sabihin 'yon. Siya rin ang baby sa grupo namin kase siya pinaka-bata and isip-bata pa talaga siya.

"Ba't kase 'di mo nireview 'yon. Sinend ko yon kagabi ah?" reklamo pabalik ni Trevor. Kinakamot ang batok. Si Trevor naman matalino talaga sa grupo. Laging nag-aaral tapos palagi pang may source sa kung saan saan. Friendly kase 'to kaya maraming friends sa ibang strand kaya marami napagkukuhanan ng sagot sa mga assignment or quizzes. Pogi rin siya. Matangkad, matangos ilong, moreno, magaling manamit, mahaba pilikmata. BASTA GWAPO. Madami nagkakagusto kaso study first daw siya. Ayaw magka-jowa. Friendly lang daw talaga siya kaya minsan namimisinterpret ng mga tao 'yung actions niya.

"Anong sinend!? Wala akong nakita!" pagmamaktol pa ni Cathy at umupo sa tabi ni Robin. Umupo naman sa tabi ko si Kaileen at nanatiling nakatayo si Trevor.

"Hay nako. Nagcramming ka na naman kagabi, noh? Sinend niya sa gc. Nakita ko pa nga. Gaga." saad ni Kaileen at tumango naman ako. Si Kaileen ang bestfriend ko mula jhs pa. Makapal kase mukha neto kaya naging magkaibigan kami noon. 'Di ko na eksaktong maalala paano pero isang araw, lagi na lang kaming magkasama. Parehas kase kami ng ugali. Makapal mukha, chill lang sa pag-aaral, tapos pareho naming gusto magtayo ng restaurant. ABM kinuha ko para after ko mag-aral, magtatayo ako ng restaurant para kay mama. Hilig niya kase magluto and 'yon talaga ang pangarap niya kaso di siya nakapagtapos kaya ako ang tutupad sa pangarap niya.

"Nakatulog ako kagabi. Hehehehe." pagrarason ni Cathy at kinamot ang batok niya.

"Alam niyo, ikain na lang natin 'to. Punta na tayo sa Laxamana." sabi ni Trevor. Tatayo na sana sila kaso pinigilan ko sila.

"Pwede mag-meet na lang tayo mamayang 2pm? May meeting pa kami ng CMV mamayang 1:30 eh. 1pm naman na. Wait niyo na lang ako." paalam ko sa kanila.

"'Wag ka na um-attend." pandedemonyo ni Cathy at hinampas pa 'ko ng bahagya.

"Gaga. Hindi pwede. May mass bukas 'di ba?" sabi ko.

"Oo pala. Sige, tambay na lang muna tayo sa apartment ko habang hinihintay si Rae." suggest ni Kaileen kaya nag-agree na lang kaming lahat at nagkanya-kanya na. Dumiretso naman ako sa mini chapel at hinintay magsimula ang meeting.

Maya-maya nagsimula rin ang meeting namin kasama si Ma'am Amparo, adviser ng club namin. Inexplain niya lang ang mga mangyayari bukas at binigay na ang kanya-kanya naming gawain. Ako ang leader sa Ministry of Word kaya sa'kin binigay ang Gospel and such. Pinilit ako ni Kaileen na sumali ako sa club na 'to para daw kahit papaano hindi mawala 'yung confidence na nabuild ko na magsalita sa harap. Isasama ko sana si Kaileen kaso ayaw niya at sa Dance club siya sumali. Inassign ko na ang mga magbabasa bukas at ako ang magiging commentator.

"Okay na ba 'yan guys?" tanong ko sa mga kasama ko.

"Okay na 'to." sagot nila.

"Okay. Agahan na lang natin bukas para ma-practice mga sasabihin niyo tsaka maguide ko kayo sa harap. Since, 8am start ng mass, 7:30 practice tayo? Okay ba 'yon?" tanong ko. Tumango sila at kaya pinauwi ko na rin sila.

Dumiretso ako sa EDCA, name ng building kung nasan apartment ni Kaileen, para makaalis na kami at maka-kain. Nagutom din ako sa exam. Kumatok ako at paglabas ay naghahanda na sila para umalis. Katabi lang ng apartment ni Kaileen ang dorm ko. Pinipilit ako ni Kaileen na sa EDCA na rin tumira pero 'di naman namin afford kase 'di naman kami ganon kayaman.

"Treat ko na pamasahe. Wala akong barya dito eh." pagkukusa ni Kaileen.

"Iba ka talaga. Ang gara." pang-aasar ko. Inirapan niya lang ako at nauna na para magbayad. "Tara sa harap tayo." sabi ko at hinila si Kaileen. Umupo kami sa harap sa tabi ng driver. Biglang sumandal sa balikat ko si Kaileen.

"Grabe. Naistress utak ko sa exams natin ngayon." sabi niya at pumikit. "Gisingin mo na lang ako pag malapit na tayo."

"Okay ka lang ba?" tanong ko. Parang ngayon lang ata siya napagod sa exam namin. Dati naman, chill lang siya tuwing exams. Matalino naman kase siya. No pressure din galing sa parents niya. She's actually living her best life.

"Okay lang ako, Rae. Ikaw nga ang inaalala ko. It's been months. 3 months or 4. You're still not okay. 'Wag mo'kong alalahanin. Alalahanin mo sarili mo. I'm always here, alam mo 'yan." sabi niya at hinigpitan ang hawak sa braso ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Hirap lang talaga akong kalimutan siya kase ang laki ng naging parte niya sa pagkatao ko." sabi ko at tiningnan siya. Nakapikit pa rin siya at nagpapahinga. Kanina pa umandar ang jeep kaya tumingin na lang ako sa harap.

Tumigil ang jeep kase traffic sa Rimando. Nagtitingin lang ako sa paligid hanggang sa natigil ang tingin ko sa isang babaeng parang hindi mapakali sa tapat ng 7/11. Kanina pa siya nagdadabog habang may kausap sa cellphone niya. Maya-maya may tumawid na lalake papunta sa 7/11. Nagtaka ako kase parang kilala ko 'yung likod na 'yon. Kinausap niya saglit 'yung babae tapos humarap na siya para maghintay ng jeep. Pagkakita ko ng mukha niya tsaka ko nakumpira na siya nga 'yon.

"Putangina, si Miko nga."

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon