" salamat po nanay, hindi ko alam kung anong gagawin kung wala po kayo sa tabi ko " sagot ko hinalikan ni tatay ang noo ko

" lagi lang kaming nandito anak, lagi mong tatandaan yan mag-asawa ka man magkaroon ng anak o ano pa yan mananatili kaming nandito " sagot ni tatay doon pumatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at suporta nila

" naku-naku tama na yan baka mauntog si ate Deanna dahil cry baby ang mapapangasawa nya haha " pagbibiro ni Mafe napatawa nalang ako lumapit naman sya para yumakap sa amin

" kahit kelan puro ka kalokohan bunso pagdating sa ate mo " suway ni tatay humagikgik lang si Mafe

" nako maghanda na tayo at nakakahiya sa pamilya ni Deanna kung malate tayo " sabat ni tatay tumango lang ako saka lumipat sa kwarto namin ni Deanna

Ano kayang isusuot ng fiance ko? ipaghahanda ko nalang  sya ng dalawang suit para mamili nalang sya mamaya

Ako naman simpleng dress lang okay na sanay naman sila lola at lolo sa akin saka dinner naman yun

Paghandaan mo ang isusuot mo Jemalyn baka nandun ang future father in law mo

Huminga naman ako ng malalim, simple lang ako so wala naman akong magagawa dun hindi ko babaguhin ang sarili ko para sa iba. We can't please everyone sabi nga nila

Deanna love me for who I am yun lang ang mahalaga

Tinignan ko ang phone ko at tumatawag ang mapapangasawa ko kusa naman akong napangiti

OTP

" hi love " she greeted

" hey love, so where are you? " I asked she giggled

" uhm miss me so much baby? " she asked napatawa naman ako

" hindi ah yabang naman po " pagbibiro ko

" akala ko pa naman miss mo na ako kaya tinatanong mo kung nasaan ako " pagtatampo nya naku Deanna kung nandito ka lang pinisil ko na naman ang ilong at pisngi mo

" assus tampo naman ang love ko, I miss you po Deanna Wong " paglalambing ko tumawa naman sya ayieh kilig naman ang baby ko

" yey! I miss you so much future wife, see you later po " she said I smiled lovingly

" okay drive safely love can't wait to see you po dalian mo na mamimili kapa ng damit mo " sagot ko

" yes love gonna hang up so that I can drive " she said

" alright love " sagot ko saka binaba ang tawag pumasok na ako sa bathroom para magfreshen up para magbihis nalang mamaya pagdating ni Deanna

D E A N N A's

Pagbaba ng tawag ng fiance ko inayos ko na ang gamit ko para makauwi na ako kaagad bumili naman ako ng bulaklak para kay Nanay, Lola at para sa mahal ko

Excited na ako para mamaya, ito na rin ang tamang oras para pagusapan ang nalalapit na pag-iisang dibdib namin

Oh thank God walang traffic congestion kaya mabilis akong nakarating sa condo

Pagpasok ko wala sila sa living room baka nag-aayos na sila ako lang naman kasi ang wala dito dahil may meeting ako kaya hindi ako pwedeng mag-absent ayaw din naman kasi ng client na ipare-sched so need ko talagang pumasok

Dahan-dahan akong pumasok sa room namin wala ang mahal ko pero nakakarinig ako ng patak ng tubig sa bathroom

Nakahanda na sa bed ang isusuot namin, she never change talaga kahit noon sya ang nagpre-prepare ng isusuot ko material wife talaga ang mahal ko

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now