CHAPTER 13

76 6 2
                                    

Jilliane

Tulad ng pinagplanuhan namin, lumabas kami ng school para matanggal ang mga necklaces namin. Nasa labas na kami ng school ngayon at naghihintay ng daang malulusutan, at biglang nag-vibrate ang cellphone ni Ryechel.

"May nakita ng daanan pero kailangan pa nating umikot"aniya at sinunod namin ang sinabi niya. Umikot kami at nakakita ng isang medyo malaking butas. Kasya na siguro kami rito. Sinuot namin ang mga earpiece namin at inintay ang go signal nila Raphael.

Raphael : Pwede na kayong pumasok.

At isa-isa kaming pumasok. Nagtago kami sa mga basurahan. Nakakapagtaka na hindi ito tulad ng ibang basurahan na marumi at mabaho. Sinilip ko ito at puro karton ng gamot at kung ano-ano pang medical supplies.

Gumalaw na kami at tumakbo papunta sa likod ng building. Nakayuko kami habang naglalakad para hindi kami makita ng kahit sino.

Raphael : Usod kayo ng kaunti, may malapit sainyo

At umusod kami. Sinilip pa ni Lauren kung nalaalis na ba yung lalaki at buti naman nakaalis rin siya kaagad. Agad lumabas si Ryechel at kami rin at agad pinulot ang cap. Tumakbo ulit kami papunta sa likod ng building at handa ng lumabas ngunit isang lalaki ang hunarang samin.

"Sino kayo?"tanong niya at tinitigan pa kami ng isa-isa. May tattoo siya sa kaniyang braso pero kung titingnan ang kaniyang itsura, mukha pa siyang bata. Mga nasa early 30's.

"Nawawala po kami"palusot ni Lauren.

"Paano kayo maliligaw papunta dito? Mga espiya kayo noh?" nanlalaki pa ang mga mata niya at handa ng sumigaw. Unti-unti kaming nag-panic.

"Hindi po. Hindi po kami espiya, mga estudyante lang po kami"sagot ni Zhyrus na nasa gilid ko.

"Guys, may isa pang lalaki"bulong ni Ryechel na nasa likod namin at kanina pa sumisilip kung may tao bang palapit.

"Tatawagin ko boss ko"ani ng lalaki at nilabas ang phone niya.

"Kuya, huwag po. Ganto, lalabas kami ng maayos at hindi na babalik"sambit ni Lauren.

"Wala, magpaliwanag kayo sa boss ko"at nagsimula na siyang pumindot sa kaniyang teleponong may phone case na The Beatles.

Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na gagawin ito pero ito ako nilalabas na ang kanang kamay ko mula pagkapamulsa.

"Kuya"tawag ko sa kaniya at agad siyang tumingin sa akin. Agad naman akong pumitik at natulala siya.

"Nasa concert ka kasama ang girlfriend mo at napupuno ang paligid ng kanta"sambit ko at agad siyang sumayaw-sayaw.

"Tumakbo na tayo"bulong ni Lauren at agad kaming tumakbo. Agad naming pinuntahan ang butas at isa-isang lumusot doon. Huling lumusot si Zhyrus. Palabas na sana siya, nang biglang may biglang humila ulit sa kaniya. Agad naming hinawakan ang kamay niya.

"Anong ginagawa mo rito?"sigaw ng isa pang lalaki na pilit humihila kay Zhyrus.

"Tangina"bulong ni Zhyrus at mas laling hinigpitan ang kapit sa amin. Naghilaan kami hanggang sa mahila namin si Zhyrus.

"Tara na!"ani Ryechel.

"Yung isang sapatos ko"sambit ni Zhyrus at napansin nga naming wala ang isang pares ng kaniyang sapatos.

"Hayaan mo na, tara na"sagot ko at umalis na nga kami at pumasok ulit sa school.

Kinuha ulit namin ang mga necklace namin. Agad kaming pumunta kila Raphael.

"Nakuha niyo?"tanong ni Claris at tumango kami.

"Pero naiwan naman yung isang pares ng sapatos nito"sagot ni Lauren at binatukan si Zhyrus. Napahawak na lang si Zhyrus sa batok niya.

"Hindi na tayo pwedeng bumalik, malilintikan tayo"ani Raphael at sumang-ayon ang lahat.

"Kailangan mong sunugin ang isang pares para wala ng ebidensiya" sambit ko at napatingin na lang si Zhyrus sa isang pares ng kaniyang sapatos.

"Bibilhan ka na lang namin ng bago"dagdag ni Claris at tinapik ang balikat niya.

Pumasok naman bigla si Thimoty sa eksena.

"Guys, nagpapahalughog ng dorm yung Director"aniya.

"Anong gagawin natin sa sapatos ko?"tanong ni Zhyrus.

"Hindi naman natin yan pwedeng ipatago"ani Lauren.

"Guys, hawak-hawak nila yung sapatos ni Zhyrus"sambit ni Claris na nakadungaw sa bintana. Agad naming sinilip at tama nga ang sinabi niya.

"Alis na tayo at tungkol sa sapatos, bahala na."

_______________________________________

Sorry sa late and maikling update huhu. Thank you for reading my story. Please vote and comment for support! Mwuah<3

:)))))






Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now