CHAPTER 19

70 6 6
                                    

Lauren

"Malaman ang alin?"

At ang lahat ay nagulat sa pagsulpot ni Julianne, ang Osiris ng 6 Minervas.

"Wala"sagot ni Raphael sa malamig na tono. Lumapit pa mas lalo si Julianne sa amin. Ganito ba talaga ang mga taga-Section Falcon?

"Nandito pa rin kayo kahit nagsisimula na ang klase. Alam niyo bang against yan sa policy ng school"aniya at agad kong tiningnan ang cellphone ko at oras na nga ng klase namin.

"Bakit ikaw? Anong ginagawa ng Osiris sa ganitong lugar?"tanong ni Claris at lumapit kay Julianne. Napaatras ito at hindi umimik.

"Aalis na kami kung ganoon"sambit ni Jacqe at tumalikod.

"Saglit, hindi pa tayo tapos"pagtigil ni Julianne sa amin.

"Hayaan mo na sila"sambit ng isang lalaking sumulpot sa likod ni Julianne. Lumapit ako ng kaunti para masinagan ang itsura ng lalaki.

"N-Neo"gulat na sambit ni Julianne.
Siya nga pala yung lalaking nabunggo noong first day ng school at naalala ko, hanggang ngayon, hindi ko pa rin naisuli sa kaniya ang pantalon na pinalabhan niya sa akin.

"Tara na"bulong sakin ni Ryechel at noong patalikod na ako ay agad namang may humawak sa kamay ko.

Hinila ako nito at saka ko lang napagtanto na si Neo pala ang humihila sa akin. Dahil kaya sa pantalon kaya niya ako hinihila ngayon?

Pumasok kami sa lumang training center ng Trois at saka lang tumigil. Napatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at saka niya binitawan iyon.

"Bakit mo ako dinala dito? Isasauli ko naman ang pantalon mo"sambit ko at tumingin sa paligid ko. Ang dilim-dilim rito. Kapag may nakakita sa aming pumasok dito ay baka isiping may gagawin kaming kung ano.

"May sasabihin ako sayo"sambit niya. Jusko, magcoconfess ba siya sakin? Kinabahan tuloy ako mas lalo.

"Nakabantay sa inyo ang buong Un, bawat kilos niyo ay binabantayan" dagdag niya na ikinagulat ko. Binabantayan kami?

"At bakit mo sinasabi sa akin ito?" tanong ko sa kaniya.

"Dahil matutulungan niyo akong hanapin ang sagot"sagot niya. Anong sagot? Naguguluhan na ako.

"Ganito, nandito ako dahil sa misteryong bumabalot sa eskuwelahang ito. Alam ko rin ang tungkol sa experiment"sambit nya.

"Anong experiment?"tanong ko at hinila niya ulit ako palabas at ngayon naman, hinila niya ako papasok sa dormitory ng Deux.

Maya-maya pa ay nasa harap na kami ng kwarto niya. Agad niya iyong binuksan at pumasok kaming dalawa.
Ngayon naman nasa kwarto niya na kami habang kanina sa may lumang building. Ano kayang pumapasok sa isip ng lalaking ito?

"Ineexperimentuhan nila ang mga estudyante. Tinuturukan nila ng kung anong gamot"sambit niya.

"Paano mo nalaman?"tanong ko na naguguluhan pa rin.

"Kasi ganoon ang nangyari sa kuya ko"sambit niya sa malungkot na tono. "Kaya tulungan mo akong hanapin ang sagot"dagdag niya habang nakangiti at tumango ako.

Nang biglang, may pumasok sa pinto na ikinagulat naming parehas pero mas nagulat ako ng hawakan ni Neo ang beywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Mga ilang centimetro na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya at nararamdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Agad kaming napatingin sa pintuan. Nakita ko ang gulat na pagmumukha ni Julianne.

Agad akong lumayo kay Neo at tumayo naman siya ng diretso. Si Julianne naman ay nanigas na sa kinatatayuan niya.

"Hindi ba siya marunong kumatok?"bulong ko sa sarili.

"Pumasok na ako kasi nakabukas yung pinto"ani Julianne.

"Bakit ka pala nandito?"tanong ni Neo sa kaniya.

"May meeting tayo"sagot ni Julianne at napatango lang si Neo.

"Makakaalis ka na, kakausapin ko muna ang girlfriend ko"sambit ni Neo na ikinagulat ko. Nagulat rin si Julianne sa sinabi niya pero agad itong umalis.

"Anong girlfriend?"inis na tanong ko sa kaniya. Pagkatapos niya akong hilain sa kung saan-saan, ngayon naman ako na ang girlfriend niya.

"Nakita niya tayong muntik ng magkiss, anong gusto mong sabihin ko? Nagbibilangan tayo ng butas sa mukha?"sambit niya at napairap na lang ako.

"Hindi naman totoo eh"dagdag niya.

"Yun na nga eh, hindi totoo"at bigla akong natahimik. Napatingin ako sa kaniya at halata sa mukha niya ang pagkagulat "Hindi totoo pero sinasabi mo sa iba, paano kapag nalaman ng iba?"pasigaw kong dagdag sa mga nauna kong sinabi. Medyo nautal-utal pa ako habang binabanggit ang mga iyon.

Napangisi lang ito na mas ikinainis ko. Kahit kailan talaga, hindi ko maintindihan ang lalaking ito.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto niya at palabas ng building nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para sabihin ang nga iyon. Buti na lang, napigilan ko ang sarili ko.

Pagdating ko sa klase ay wala akong nakitang teacher at tahimik ang mga kaklase ko kahit naguusap-usap ang iba sa kanila.

Agad lumapit sa akin si Ryechel at Claris.

"Anong meron?"tanong ko sa kanila.

"May nalaman kami tungkol sa experiment"sambit ni Claris.

"Ano yun?"tanong ko.

"Yung experiment kinoconduct sa mga estudyante. Gumagawa sila ng drug na iniinject para mapabilis ang pag-iisip ng tao at lumakas ito" sagot ni Ryechel. Tulad lang ito ng sinabi sa akin ni Neo.

"Maraming experiments ang ginawa para ma-perfect ang drug na ito pero halos lahat nag-fail" dagdag pa ni Claris.

"Paano niyo nalaman ang lahat ng ito?"tanong ko sa kanila at inaanalyze pa rin lahat ng mga sinasabi nila sa akin.

"Sinearch namin ito sa isang lihim na website at nakita ang isang article tungkol sa drug nito at kung sinong nakagawa nito"sagot ni Claris.

"Sinong gumawa?"tanong ko ulit at nagtinginan ang dalawa na parang may telepathy na nangyayari. Humarap ulit sila sa akin.

"Ang ate mo, si Leiah A. Fernando."

End of Chapter 19!

Please vote and comment for support!



Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now