CHAPTER 18

68 5 0
                                    

Jacqe

Mabilis na lumipas ang mga araw at papalapit na ang finals. Naging maayos ang naging pagbisita sa amin nung nakaraang buwan. Muntikan pang mapaaway ulit ang section namin sa Section Falcon o Section Un dahil parin sa lamang namin sa kanila.

Ngayon, kinakabisa namin ang mga republic act na ibinigay sa amin ni Ma'am Lhen. Hindi ko pa nakakalahati ang mga ito nang biglang pumasok si Ma'am Lhen.

"Recitation na tayo"sambit niya at agad naming itinago ang mga papel namin. Sana matawag ako sa alam ko lang. Biglang tumayo si Ma'am at may ipinamahagi na mga papel.

Agad kong binasa ang mga nakasulat at mukhang written ang recitation namin imbes na oral. Sa puntong ito, alam ko nang babagsak ako. Kung mga baril lang ito, ay baka mga ilang minuto lang ay tapos ko na ito.

Kitang-kita sa mga mukha ng mga kaklase ko ang gulat at lungkot. Mas mahirap kasi kapag ganito lalo na para sa aking hindi naman magaling sa mga ganitong bagay.

Ang iba kong kaklase ay pasimple ng nagkakalabitan at nagbubulungan ng mga sagot. Si Reydo naman na katabi ko ay nakatitig lang sa papel at nakahawak sa kaniyang ulo na tila minamagic ang papel sa harap nito.

Si Ma'am Lhen naman ay nakahawak sa kaniyang cellphone at mahinang nagha-hum kaya hindi niya masyadong pansin ang nangyayari sa paligid. Sa tuwing tumitingin siya ay parang mga mannequin ang mga estudyante, isa-isang nagsisitigil sa mga ginagawa at tumititig sa kani-kanilang papel.

Hanggang ngayon ay nasa number 12 pa lang ako out of 30. Kapag sinabi kong kalahati lang ang alam ko, yun lang rin ang kaya kong sagutan.

Matapos ang ilang minuto, pinapasa na samin ang papel namin. Nasagutan ko naman ang lahat pero hinulaan ko lang ang iba kaya nanganganib pa rin ang score ko. Ang lahat naman ay tila nabunutan na ng tinik sa kanilang mga lalamunan.

Lumabas na si Ma'am ng kwarto at pumasok na si Sir Jaime na may dala-dalang folder at notebook. Naglabas din siya ng mga papel at ipinamahagi yun at sinimulan na namin ang test namin.

Buong araw ay nagsagot lang ata kami ng mga quiz at prinoblema ang mga isasagot namin sa mga ito.

Agusto na at nagpapasahan na rin ng requirements kada subject. Kahit na hindi normal ang school na ito, katulad pa rin ito ng ibang private school: Mahal at maraming pinapagawa.

A

ng mga kaklase ko ay halos mabaliw na sa dami ng mga pinapagawa. Kakatapos lang ng lunch namin at wala kaming ginagawa kay Sir Giovanni, ang teacher namin sa firearms. Dapat naeenjoy ko ang subject na ito pero inaantok lang ako dahil salita lang siya ng salita at panay pasulat.

Ang katabi kong si Reydo ay nakapikit na at tumutumba-tumba na.

Maagang natapos ang klase, kaya kinuha ko ang earpiece na nasa pocket ng bag ko at binuksan iyon. Maaari kasi itong i-connect sa Bluetooth kaya magpapatugtog na lang ako gamit nito.

Nang isinalpak ko iyon sa aking tainga ay bigla akong nakarinig ng malakas na tunog at boses ng mga lalaki.

"Sabi ni Boss malapit na ang experiment."

"Gagawin talaga nila iyon?"

"Hindi ba, nagawa na nila?"

Ano kayang pinag-uusapan ng mga ito? Nilapitan ko si Ryechel dahil siya ang marunong sa mga ganito. Ayaw ko munang istorbohin si Raphael sa nilalaro niya.

"Ryechel, may ipapakinig ako sayo" sambit ko at napatingin siya sakin. Agad kong ibinigay sa kaniya ang earpiece at agad niya itong sinuot.

"Teka, paano? May nawawalan ba ng earpiece?"tanong ni Ryechel at napabuga ng tubig si Charles na nasa harap namin. Tumingin siya sa amin at ngumiti.

---

"Anong sinabi mo? Nawala mo yung earpiece mo?!"singhal ni Lauren kay Charles. Nasa likod kami ng school building ngayon. Tumango si Charles bilang pagsagot sa kaniyang tanong.

"Baka naiwan ko doon sa may quarters nung mga janitors"ani Charles.

"Paano natin yan kukuhanin?" tanong ko.

"Hindi na kailangan"biglang sabat ni Raphael na ikinagulat namin.

"Tinanggal ko na ang earpiece ni Charles sa contact kaya hindi na tayo matatrack kapag kinalikot iyon"dagdag niya.

"Paano mo nalamang nawawala?" tanong ni Lauren sa kaniya.

"Nung binuksan ko kasi yung earpiece ko, narinig ko iyong mga lalaking janitor"sagot niya at napatango lang kaming lahat.

"May narinig pala ako tungkol sa experiment na isasagawa pero hindi ko alam kung ano"sambit ko kaya napatingin ang lahat sa akin.

"Kailangan nating malaman ang tungkol doon"sambit ni Ryechel.

"Malaman ang alin?"

End of Chapter 18.

Mende and Madness [Completed]Where stories live. Discover now